“Kita mo nga naman magkakilala pala ang mga anak natin..”“Oo nga. Nagulat din ako nung nagpunta sa bahay namin yang si Van..”
“Really? He went in your house before?”
“Oo.. close nga yang dalawa..”
Gusto kong mapairap sa hangin dahil kung pagusapan kami ng mga magulang namin ay parang wala kami dito sa loob ng van.
Isa pa tong Van na ‘to. Nananahimik lang. Kanina ko pa nga sya gustong kausapin pero mukhang iniiwasan nya ako. He even sat beside my sister!
Not that it’s a big deal. Really.
Buong byahe ay tahimik lang ako at mas piniling magsuot ng headphones at makinig ng kanta kaysa naman pakinggan ko ang pagchichismisan ng mga magulang namin.
Makaraan lang nang ilang oras ay narating na namin ang private resort ng isa sa mga kabatchmate nila mama.
“We’re here!!” sigaw ni ate pagkababa namin sa van.
“Obviously, ate. Hindi mo na kailangan sumigaw.”
“Ay, teka. Bakit parang bad mood ka? Inggit ka ba dahil ako ang tinabihan ni Van?”
I deadpanned. “Pake ko sa inyo?”
“Oooh! Confirmed. No worries my dear sister. May jowa na ako kaya hindi ko papatulan si Van kahit na manligaw sya sakin.”
“Ewan ko sayo.”
Iyon na lang ang sinabi ko kaysa humaba pa ang asaran namin. Bumaba na ako sa van at binitbit ang gamit ko. Hindi pa man din ako nakakahakbang nung may bigla nang tumabi sa gilid ko.
“Anong trip mo? Doon ka nga!”
“Arte mo! Napapano ka ba ha?”
“Wala ka na don.”
“Wala talaga ako doon kasi nandito ako sa tabi mo.”
Napakurap ako dahil sa sinabi ni Van. Parang may kung ano sa dibdib at tyan ko. Para akong mauutot na ewan.
“Kailan ka pa naging pilosopo?”
“Nung bigla kang nagsungit. Ano bang problema mo, ha?”
“Tsk, wala. Tara na nga! Iniwan na nila tayo!”
Pumasok na kami sa loob at halos bumalik ulit ako sa loob ng van at magkulong na lang doon nung makita ko ang ilang anak ng mga kabatchmates nila mama.
Shems! They're already wearing their bikinis under their beach dress!
Napalunok naman ako at tiningnan ang suot na damit. Plain white shirt at not so short cotton shorts. Mukha akong nakapangbahay kang compare sa kanila! Maski yung magaling kong ate prepared!
“Iha, naliligaw ka yata?”
Tiningnan ko nang masama si Van dahil sa naging komento nya. Does he really need to rub it off on my face?
“Hi! You must be Vander Esquival? My name’s Chloe Gil and–”
“Let’s go, Pippay.”
“Eh?”
Tiningnan ko si Van at nakatingin lang din sya sa akin.
“Ano bang tinatanga-tanga mo pa dyan? Gusto mo bang iwan kita?” sabi nya. Magsasalita pa sana ako nung hinila nya ako mula sa likod ng tshirt ko.
“Who’s that girl?”
“I don’t know..”
“Must be his chimay..”
Ouch. Chimay talaga? Hindi ba muna pwedeng pinsan, kaibigan o kaklase? Dahil ba ganto lang itsura ko chimay na kagad ako?
“Oh, yung nguso mo maaapakan ko na.”
Tiningnan ko ng masama si Van.
“Bitawan mo nga ako!” sabi ko at inalis ang kamay nya sa likod ng damit ko at iniwan sya doon para pumunta sa kwarto namin ni mama.
“Oh, anak, magpalit ka na ng damit mo.”
“Nasaan si ate, ma?”
“Nauna na. Maglilibot daw muna sya sa resort.”
Si ate talaga masyadong excited. Hindi man lang ako hinintay. Gusto ko pa naman maglibot din.
Nagpunta na ako sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko sa banyo ay nilapag ko lang ang bag sa sofa at kinuha ang camera ko. Mas gusto ko pang magkuha ng mga pictures kaysa maligo.
“Di ba sabi ko magpalit ka na..” sabi ni mama sabay tingin sa suot ko.
“Ma, nagpalit nako.”
Nagpameywang si mama sa harap ko. And that's the sign that I need to listen to her or else..
“Bakit ganyan suot mo, Pippa? Magpalit ka ng dress! May nilagay ako dyan sa bag mo.”
“Pero ma..”
“Magpalit ka na. Mukha kang nasa bahay sa suot mo.”
I sighed. Kinuha ko na ang dress sa bag ko kahit na labag sa loob ko at pumasok ulit sa banyo para magpalit. Tinapat ko ang dress sa harap ko at pinagmasdan ang sarili sa full-length na salamin.
Well, it’s not bad actually. Cream colored knee length dress na halter top ang style. Manipis lang ito at presko sa pakiramdam.
Lumabas na ako sa banyo at rinig ko ang impit na tili ni mama.
“Ang ganda talaga ng anak ko!”
“Right,” sabi ko nalang at kinuha ulit ang dslr camera at sinabit sa leeg ko. “Maglilibot lang din ako ma.”
“Sige, bring your phone.”
“Ok. Be back at 11.”
Lumabas na ako sa kwarto namin habang sinisipat ang dslr camera ko. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutang i-charge ‘to.
“Hoy!”
“Ay kabayo!”
Tiningnan ko ng masama si Van na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. Tulad ko ay nakapagpalit na rin sya ng damit nya.
“Bakit ka ba nanggugulat, ha?”
“Saan ka pupunta?” he asked instead.
“Mamamasyal lang,” sagot ko at tiningnan sya, “Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa kwarto namin?”
“Oh? Kwarto nyo pala ‘to? What a coincidence!”
I deadpanned. “Really, Van?”
He tsked. “Ok, fine. Wala akong kasama kaya pinuntahan kita.”
There it is again. Yung biglang mahihirapan akong huminga na parang may something sa tyan ko na ewan.
“Well, gusto mo bang mamasyal?”
“Sige na nga. Tutal nagmamakaawa ka.”
I scoffed. “Am not.”
“Whatever you say, Pippay.”
Something's really wrong with him. Definitely. I can sense it.
BINABASA MO ANG
SWITCH
Humor"Ayon na nga. Ang sabi ni Lola ay hindi na raw nya pwedeng bawiin ang sumpa nya. At ang tanging paraan na lang na natitira ay ang paghigpit ng turnilyo mo sa utak! Hindi tayo makakabalik sa dati hangga't hindi ka nagiging santo! It all depends on yo...