CHAPTER 24: PHILIPPA

1K 61 7
                                    


PHILIPPA’s POV

“DAMN!”

Napapikit ako dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Van sa isang monobloc chair pagkapasok nya sa locker room para sa mga players ng basketball. Buti na lang at kaming tatlo lang ang nandito ngayon.

Halatang galit si Van at wala sya sa mood kaya hindi ko sya magawang pagsabihan sa mala-action star na ge-up na naman nya. Seriously? Saan nya nakukuha yung mga leather jackets eh wala naman akong ganon?

“Hey, dude! What the fuck?” gulat na tanong ni Mico dahil muntik na rin syang tamaan ng upuan na sinipa ni Van.

“That fucking Oliver and his group will play today! Something shitty happened to the original players and Oliver's group will have to pitch the fuck in!” Galit na galit na sabi ni Van.

“Shit!” Mico hissed.

Okay. Am I missing something here? Ano bang ang meron sa Oliver na ‘yon at parang kinakabahan silang dalawa?

“What’s the plan, Van?” Seryosong tanong ni Mico.

“Fuck!” napapikit si Van sa inis at gigil na kinuyom ang kanyang kamao, “We don’t have a choice. We can’t let her play.” He said.

Wait, her? Her as in me?

“Are you sure?” Mico asked pero bago pa makasagot si Van ay sumingit na ako.

“Teka! Ano bang nangyayari? Who’s Oliver?” Naguguluhang tanong ko.

“You don’t need to know. You’re not gonna play, Pippay.” Seryosong sabi ni Van.

“What?! Why?”

Hindi sa gustong-gusto kong maglaro pero sayang naman ang effort, ang pagod at hirap namin nitong nakaraang linggo para lang matuto akong maglaro ng basketball.

At isa pa.. alam ko kung gaano kaimportante ang basketball kay Van. Kaya nakakapagtaka na ayaw na nya akong paglaruin ngayon samantalang sya itong nagpupumilit sa akin nung una.

“Hindi mo kayang labanan sila Oliver, Pippa. They’re rogues inside the court.” Mico said.

Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”

“Those fuckers don’t know how to play fair inside the court. No rules exist in their play. They play dirty and they play it well.” Van said.

“May referee naman, ‘di ba?”

Van smirked, “They are useless. I told you. Magaling silang mangdaya kaya hindi napapansin ng referee ang mga pandadaya.”

Shems. Problema nga ito.. but I don’t want to give up..

“I still wanna try.” Determinadong sabi ko.

Van gritted his teeth, “You can’t! Alam kong tanga ka at hindi mo kakayanin ang laro nila! They play street basketball, Pippay! Baka mamaya sa sobrang lampa mo dyan ay sumabog ang utak ko sa court!”

“But this game is important to you, right?”

Natigilan si Van sa sinabi ko at tinitigan ako ng ilang segundo bago nag-iwas ng tingin.

“But my body is much more important, idiot. I don’t want my body to end up like a freaking rag doll.” Masungit na sagot nya habang hindi nakatingin sakin.

Magsasalita pa sana ako nung may biglang pumasok sa locker room. Mukhang nagulat pa sya nung makakita sya ng babae dito. Well, nothing can stop Van—kahit pa nasa katawan ko sya.

“What?” Maangas na tanong ni Mico.

“Pinapasabi ni coach na delay ang laro ng isang oras. Mamayang 5:30 na lang daw ang laro.” Pagkasabi ng lalaki ng balita ay umalis na sya kagad. Nagkatinginan bigla si Van at Mico.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon