“Aray! Puta!” daing nya nung nilagyan ko ng gamot ang sugat nya.“Baby.” Asar ko sa kanya dahil sa kaartehan nya pero mukhang iba yata ang naging dating sa kanya.
“Ba.. Baby? Are we on that terms now? Teka.. masyado ka namang mabilis Pippay. Alam ko gwapo ako pero—”
“Shut up! Hindi yon ang ibig kong sabihin!” inis na sabi ko at hindi sinasadyang nadiinan ko ang sugat nya kaya napadaing na naman sya ng pagkalakas na may kasamang mura.
“Napakabigat ng kamay mo! Ganyan ka ba manggamot? Iyan na nga lang trabaho ko hindi mo pa ayusin!”
“Sino ba kasing may kasalanan ha?”
“Yung Nik syempre! Duwag na nga sumbungero pa si gago.”
Nahinto ako sa paggamot kay Van at tinitigan sya na halatang ikina-concious naman nya.
“Wh.. What? Stop staring!”
“Totoo ba ‘yon?” tanong ko.
“Ang alin?”
“Yung sinabi mo.. na gusto lang akong paglaruan ni Nik.”
He sighed. “Alam kong gago ako pero never akong naging sinungaling.”
“Pano mo nalaman?”
“Mico and I hang out in a bowling center the other night.. tapos narinig na lang namin na pinaguusapan kayo nung isang grupo nung mga lalaki. Akala namin kapangalan mo lang but I heard someone called him Nik.. Naalala ko yung nagtext sayo ng good morning.. then..” he trailed off before looking at me, “Basta yun na yon!”
“That’s why you punched him.”
“Damn straight.”
“Once?” I asked.
“Yeah?”
Tinitigan ko ng maigi si Van.
“Well, ok fine, twice. That guy pissed me off!”
“But you shoul–”
“Shouldn’t do it? I already did, Pippay. Wala ka nang magagawa–”
“Should have told me. Look, wala na akong pake kung sinuntok mo si Nik. He deserved it! Pero sana sinabi mo pa rin sa akin..”
I really hate it when someone do me a favor without me knowing it.. I mean, nakokonsensya ako..
“Kapag sinabi ko sayo alam kong mag-ooverthink ka na naman. Hanggang sa kung saan na mapupunta yung iniisip mo tapos ikaw lang tong masstress sa huli..”
“Sorry..”
“It should be thank you not sorry.”
He tsked.
Napanguso ako. “Kaya pala hindi na sya nagtetext sakin.”
“The hell?”
“Joke lang.”
“Idelete mo na number nung unggoy na ‘yon!”
“Oo na!”
“Kapag ‘yan nakita ko pang naka-save sa cellphone mo yari ka sakin!”
“Tsk!”
****
“Pippa, anak, bumangon ka na. Mayamaya lang ay aalis na tayo.”
You’ve.. got to be kidding me..
“Hoy, Pippa! Bumangon ka na dyan! 6:30 na!”
Shems! Hindi ulit kami nagkapalit ni Van!! Anong nangyayari? Tapos nung nakaraan naman wala pang 6pm nagkapalit na kagad kami.
BINABASA MO ANG
SWITCH
Humor"Ayon na nga. Ang sabi ni Lola ay hindi na raw nya pwedeng bawiin ang sumpa nya. At ang tanging paraan na lang na natitira ay ang paghigpit ng turnilyo mo sa utak! Hindi tayo makakabalik sa dati hangga't hindi ka nagiging santo! It all depends on yo...