CHAPTER 25: PHILIPPA

956 56 14
                                    

PHILIPPA’s POV

“If something happened, I’m subbing you out.” Seryosong sabi ni Mico. Tumango lang ako sa kanya. I know this is not my game but I still want to try my best. Ayoko namang lumabas na duwag si Van sa mata ng lahat lalo na sa Oliver na ‘to na nag-uumapaw sa kayabangan.

Kung siguro ay nasa katawan ko lang ako tapos nagpacute ‘tong si Oliver sakin—which alam ko namang imposibleng mangyari—ay nako super bagsak na sya sa standards ko. Ayoko pa naman sa lahat ‘yung mga mayayabang. Para sakin kasi may dalawang klase ng mayabang; ‘yung mayabang na basagulero na kaiinisan mo talaga at saka mayabang na hindi ka maiinis.. ‘yung tipong alam mong totoo sa sarili nila. Ah! Ewan! Basta ganon!

“You got your back ups, huh? Scared that I might beat you in a minute?” Mapang-inis na sabi ni Oliver nung lumapit sya sakin. May ilang minuto pa bago magsimula ang laban kaya malayang nakakagalaw itong si Oliver.

“How’s your suspension, Oilyver? Care to talk about it over a cup of tea?” Biglang singit naman ni Frey. Naningkit ang mga mata ni Oliver at masamang tumingin kay Frey bago nagpakawala ng isang nakakainis na tawa.

“Sure, how about later after we wipe this court using your face?”

“How about we do the wiping of the court and.. naah, not your faces, it might leave scratches on the court! How about your bloody ass instead?”

I almost let out a low whistle on what Frey said. The dude’s good at witty comebacks!

Nakita kong napakuyom ng kanyang kamao si Oliver at tiim bagang na tinitigan si Frey.

Tsk, tsk. Boys and their immaculate prides.

Bago pa mauwi sa suntukan ang bangayan nila Frey at Oliver ay pumito na ang referee hudyat na magsisimula na ang laban. Agad na gumapang pabalik sa dibdib ko ang kaba.

Shems. You can do it, Pippa! Sayang lahat ng efforts mo kung magpapasindak ka lang sa mga kalaban!

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at pumwesto sa gitna ng court. Napalingon ako sa bandang taas ng mga bleachers at nagtama ang tingin namin ni Van. He nodded in my direction and for some unknown reason I calmed down.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa gitna kung saan nakapwesto sila Frey at Oliver. They’re both waiting for the referee to throw the ball in the air. Seconds later the referee threw the ball up in the air. Parang nagslow motion ang paligid habang nakatingin ang lahat kung kanino mapupunta ang bola.

Ang akala ko ay makukuha na ni Oliver ang bola pero sa huli ay si Frey ang naunang tapikin ang bola papunta sa side namin. Naging mabilis ang kilos ng lahat sa gitna ng court. All of them are alert. All of them has this determined look on their faces. Para akong nasa gitna ng isang laban na wala akong kaalam-alam kung ano ba ang pinaglalabanan.

“Van!”

Freak! I snapped back to reality when I heard Mico. Mabilis akong gumalaw at nakipagsabayan sa mga galaw nila.

This is the real deal, Pippa. Stay focus!

Binantayan ko ng maigi ang nakaassign sakin. I am determined to not let him pass me. Ang akala ko ay maayos na ang ginagawa ko hanggang sa biglang syang ngumisi ng nakakaloko at sa ilang segundo lang ay napalitan ang lalaking binabatayan ko.

“Esquival.”

Nakakaloko na ngumiti si Oliver sakin. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan pero hindi ko ito pinahalata. Hindi sya nagpupumilit na lagpasan ako dahilan para mas lalo akong magtaka.

“Oliver!”

May tumawag sa kanya sabay hagis ng bola. Oliver’s now lazily dribbling the ball with an annoying smirk on his face. It’s official: I really hate this guy.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon