CHAPTER 40: VANDER&PHILIPPA

817 57 12
                                    

Vander's POV

I think I should have taken the other one. But damn, all the pictures are beautiful.

"Vander, yohooo!"

As expected to me, kahit panget ay napapaganda ko dahil sa mga kuha ko. Tsk, tsk, Vander Esquival, you are really the epitome of perfection.

"HOY!"

"ARAY! POTAENA!"

Tiningnan ko ng ubod ng sama si Mico matapos nya akong batukan ng malakas.

"Oops, sorry?" he meekly said.

"Tss, pasalamat ka at wala ako sa mood gantihan ka, Delfin."

"Ano ba kasi yang tinitingnan mo at kanina ka pa parang wala sa sarili?"

"Wala kang pake."

Mico feigns a shock look on his face as he pointed at me. "Don't tell me you're watching porn, Esquival?!"

"Gago!"

Abnoy din 'tong Delfin na 'to. Palibhasa gawain nya lagi. Itutulad nya pa ako sa kanya, tss.

"Eh, ano ba kasi yang tinitingnan mo sa cellphone mo? Patingin nga!"

At inagaw na nga ng hudas kong kaibigan ang aking cellphone. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa akin at sa cellphone ko bago sumilay ang nakakagagong ngiti sa mukha nya.

"You sly jerk," he said with the most annoying grin on his face. Sa inis ko ay binatukan ko sya bago agawin pabalik ang cellphone ko at binalik sa bag ko. "Aww! Masakit 'yon!" daing nya.

"Hindi lang iyan ang mangyayari sayo kapag nakialam ka pa ng cellphone ko."

"Tch! So, ano na? What's the deal with you two? Kayo na ba?"

Bigla namang kumabog ang dibdib ko dahil sa naging tanong nya. And for some reason I can't find the right words to say.

"Ba..Baliw ka ba?!"

"Hala sya. Bakit ka nauutal? In love ka na sa kanya 'no? Well, I'm not surprised anymore. Alam ko namang tatamaan ka rin sa kanya. So, kailan mo naramdaman? Paano? Sigurado ka na ba?"

Sunod-sunod na tanong ni Mico kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Magsasalita na sana ako nung biglang makita ko si Pippay na papasok sa pinto.

"But, damn, hindi ko ma-imagine na magiging kayo. Para kayong aso't pusa na dalawa."

Patuloy pa rin sa pagsasalita si Mico. Pakshet. Baka marinig sya ni Pippay!

"Parang nung dati lang ay lagi kayong nag-aaway. Sabagay ngayon pa rin naman. So, balak mo ba manligaw?"

My heart almost dropped on the floor when our eyes met and smiled at me. Sa kaba ko ay nahampas ko ng malakas ang bibig ni Mico bago pa sya marinig ni Pippay.

"Aw! Taena!" daing ni Mico. 

Damn, this may sound so gay but I nearly peeped on my pants!

Plus this damn heart! Bakit ba ako kinakabahan? It's just Pippay for Pete's sake!

"Pst!"

Tiningnan ko ng masama si Mico. Nakaharang ang kamay nya sa gilid ng bibig nya at mahinang sinabi, "Gusto mo na sya, 'no?"

"Aish," inambahan ko ng kamao si Mico bago tumayo at lumabas ng room. I need air. Fresh air. The room's kinda suffocating when she came. Tumambay na lang muna ako sa hallway. Since nasa third floor naman kami kaya pwedeng magpahangin dito.

Pumikit ako at huminga ng malalim at isinandal ang mga braso sa pasilyo. Kung hindi lang ako ginagago ni Delfin sa loob..

"Gusto mo na sya, 'no?"

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon