VANDER's POV
Nag-init ang ulo ko nang makita ko ang sariling katawan ko na parang tangang naglalakad habang nakayuko sa tapat ng school at pinagtitinginan ng mga ibang studyante.
Fuck!
Sa inis ko ay mas pinaharurot ko ng mabilis ang motor na kinuha ko sa bahay nila Pippay kanina. Naagaw ko naman kagad ang atensyon nila dahil sa ingay ng motor na pinapatakbo ko. Palibhasa kasi bulok na ang tambutso ng motor kaya grabe na sa ingay.
Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin maliban sa mata kong nakatingin sakin. Pakshet! Ang weird na makitang nakatingin amg sarili kong mata sa akin!
Hininto ko ang motor sa harap ng katawan ko at tinanggal ang helmet. Pakshet na buhok! Sobrang haba! Nakakairita! Pagkababa ko sa motor ay dumiretso kagad ako sa sarili ko at kinuwelyuhan ito. Halata namang natakot sya sa ginawa ko. Pakshet! Mukha akong bakla!
"You're fucking Pippay, right?" Pigil ang galit na tanong ko.
"Va..Vander?" Mahinhin na sabi ko—este, 'yung taong nasa loob ng katawan ko.
"Fuck!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa inis. What the fuck is happening? Why did we switch bodies?
"Ba..Bakit tayo nagkapalit ng katawan?" Nauutal na tanong nya.
"Tangina! Hindi ko alam kaya 'wag mo akong tanongin!" Sigaw ko sa kanya.
"Hala! Bakit sinisigawan ni Philippa si Vander?"
"Ang kapal naman ng mukha nyang kwelyuhan si Van!"
"Waaah! Look, parang natatakot si Van!"
"Hala! Kawawa naman si Van!"
"Ano ba ang nangyayari?"
"Bakit sinisigawan ni Pippa si Van?"
Tangina! Tiningnan ko ng masama si Pippay na kanina pa nakayuko at halata ngang natatakot. Meaning ako ang lumalabas na natatakot dahil katawan ko 'yon!
"Pre, ang astig pala ni Pippa.."
"Wow, akalain mo may ganyang side pala si Pippa.."
"Tatahimik-tahimik sya pero ibang klase pala syang magalit."
"Wala syang suot na salamin, dude! Mas bagay sa kanya!"
"Ang ganda pala ni Pippa!"
"Tsaka ang sexy nya! Ganda ng legs shet!"
"Ang hot nya!"
Nanlaki ang mata ni Pippay nang marinig nya ang huling sinabi nung mga lalaki. Nagulat ako nang bigla syang lumapit sakin at takpan ang legs ko gamit ang kamay nya!
"What the fuck are you doing?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Bakit ba lumabas ka ng ganyan ang suot?! Hindi ka man kang nagpalit ng damit! Nakakahiya!" Namumulang sabi nya habang pilit na tinatakpan ang legs ko, "Shems! Nakikita 'yung strap ng bra ko!" Inayos naman nya ang malaking tshirt dahil lumalabas na ang strap ng bra na suot ko. Pulang-pula ang mukha nya at sobrang hiyang-hiya sya.
Pakshet! Mukha akong bakla dahil kay Pippay!
PHILIPPA's POV
Pilit kong tinatakpan ang legs ko na expose na expose! Shems! Nakakahiya! Katawan ko ang nae-expose sa ginagawa nya! Samantalang ako nag-abala pa akong dumampot ng damit na nakakalat sa kwarto nya at sinuot ito.
"What the fuck are you doing?!" Inis na tanong ni Vander sakin na syang nasa katawan ko.
"Bakit ba lumabas ka ng ganyan ang suot?! Hindi ka man kang nagpalit ng damit! Nakakahiya!" Namumulang sabi ko habang pilit na tinatakpan ang legs nya. Napatingin naman ako damit nya na wala sa ayos kaya lumalabas ang strap ng bra ko! Kainis! Bakit hindi man lang nagpalit ng damit si Vander bago lumabas?! "Shems! Nakikita 'yung strap ng bra ko!" Sabi ko habang inaayos ang damit nya. Ah, shems! Ang gulo na ng nangyayari!
"Hoy! Bakit 'yan ang suot mong damit?!" turo nya sa damit na sinuot ko, "Hindi mo ba alam na marumi na 'yan! Nung isang araw ko pang nasuot 'yan tapos isusuot mo ngayon! Hubarin mo 'yan ngayon din! Kadiri ka! Katawan ko 'yang binababoy mo!" Singhal nya sakin.
"Pa..Pasalamat ka nga at naisipan kong magsuot ng damit! Ikaw nga hindi mo man lang naisipang magsuot ng mas mahabang damit! Katawan ko ang ine-expose mo!" Sagot ko naman.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Hubarin mo 'yang damit na 'yan! Ang dumi na nyan paano kung magka-rashes ang katawan ko!" Sigaw nya at nagulat ako nang subukan nyang hilahin ang damit ko at pilit na hubarin sakin.
"Ano ba! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko pero sige pa rin sya sa pagtanggal ng damit ko kahit na pinipigilan ko sya.
"Oh my god! Anong ginagawa nila?!"
"Holy crab! Bakit hinuhubaran ni Pippa si Van?"
"Shet, ang aggressive pala ni Philippa!"
"May relasyon ba sila? May balak ba silang mag-live action sa tapat ng school?"
"Grabe, ganyang babae pala si Philippa!"
"Pero friend, nakita mo naman ang ginawa ni Van kanina kay Pippa, 'di ba? Hinahawakan nya ang legs ni Pippa tapos pati 'yung strap ng bra nya!"
Parehas kaming nanigas sa pwesto namin ni Van dahil sa mga bulungan na rinig na rinig naman namin. Shems! Nasa tapat nga pala kami ng school! Sabay kaming napatingin sa kanila at ganoon na lang ang gulat namin nang makitang mas dumami pa ang studyante kumapra kanina. Para silang mga timang na nakanganha habang pinapanood kami ni Van!
"Fuck! Let's go!" Hinila ni Van ang kamay ko at dinala sa motor na dala nya kanina. Teka, kay papa ang motor na 'to!
"Sakay na!" Sigaw nya sakin pagkasakay nya sa motor ni papa. Atubili naman akong sumakay sa likod, "Kumapit ka sakin! Tangna! Kapag ikaw nalaglag katawan ko ang madidisgrasya!"
Napangiwi ako sa sigaw nya at kumapit nalang sa baywang nya—which is baywang ko. Ang weird sa feeling na nahahawakan mo ang sarili mong katawan gamit ang ibang katawan.
***DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! THANK YOU! :)
BINABASA MO ANG
SWITCH
Humor"Ayon na nga. Ang sabi ni Lola ay hindi na raw nya pwedeng bawiin ang sumpa nya. At ang tanging paraan na lang na natitira ay ang paghigpit ng turnilyo mo sa utak! Hindi tayo makakabalik sa dati hangga't hindi ka nagiging santo! It all depends on yo...