Origami

1.4K 27 21
                                    


Angst
kinda sad

————

Mingyu found himself staring at the white origami carefully placed on his table. Tuwing pagpasok niya, may nakikita siyang bagong origami sa mesa niya. Kada araw ay iba't ibang hugis at kulay. Napailing na lang siya at itinabi ang origami sa loob ng kanyang bag.

"Meron na naman?" Tanong ni Jeonghan na kararating lang. Inilapag nito ang bag sa upuan sa tabi ni Mingyu at lumapit sa huli.

Mingyu nodded and sighed. Hindi niya alam kung kanino nanggagaling ang mga origami na nakukuha niya. Pumasok na nga siya ng maaga e, baka sakali ay maabutan niya ang taong nasa likod ng mga makukulay na origami. But unfortunately, he wasn't early enough. Mas maaga pa rin yung nagiiwan ng origami. Maybe he should try earlier tomorrow.

"Baka naman secret admirer mo yung nagiiwan ng origami sa desk mo?" Tanong ni Jeonghan at umupo sa desk ni Mingyu. Pinaalis naman siya ng huli at inirapan niya lang ito biglang ganti.

"Ewan ko, hyung. Gusto ko siyang makilala, gusto kong malaman kung bakit niya to ginagawa." Sagot ni Mingyu.

Nagkibit balikat na lamang si Jeonghan at bumalik na sa sarili niyang upuan. Nagsimula na rin kasing dumami ang mga kaklase nilang nasa room. Di nagtagal ay dumating na ang guro nila at nagsimula na ang klase.

——

"Mingyu!" Napalingon si Mingyu sa taong tumawag sa kanya. Nakita niya si Jeonghan na papalapit sa kinauupuan niya. Kasalukuyan siyang kumakain ng lunch na inistorbo na ni Jeonghan ngayon.

"Bakit, hyung?" Tanong niya.

Jeonghan sat at the vacant seat in front of Mingyu and drew his face closer.

"Nakikita mo yun?" Tanong niya at itinuro ang mesa na mga dalawang metro ang layo sa kanila.

"S-si Wonwoo hyung?" Tanong ni Mingyu ng makita niya doon ang dati niyang kaklase na kumakain ng lunch.

"Hindi, yung kasama niya!" Jeonghan whispered and smacked Mingyu's head

Napakamot na lamang si Mingyu sa ulo habang tinatanaw ang kabilang mesa. Nakita niya si Wen Junhui na gumagawa ng origami habang nakikipagtawanan kay Wonwoo. Napakunot ang noo niya.

"Diba fuckboy yan si Junhui? Si Wonwoo hyung na ba ang bago niyang target? Tsk, hindi na naawa! Ang bait kaya ni Wonwoo hyung tsaka—"

"Hoy, Mingyu, may feelings ka pa rin ba para kay Wonwoo?" Jeonghan suddenly asked, cutting Mingyu's rants.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mingyu at lumikot ang mga mata.

"A-ano ba, hyung?! Wala na yun. Tsaka, gusto ko magfocus dun sa nagiiwan ng origami sa desk ko."

"Sabi ko kasi, si Junhui ang tingnan mo. Ayun o, tingnan mo yung ginagawa niya." Muling itinuro ni Jeonghan ang mesa nila Wonwoo.

"Nagtutupi siya ng mga papel."

"O, anong tawag sa mga tinupi-tuping papel para makagawa ng mga figures?"

"Origam—Hala, hyung! Gumagawa siya ng origami!"

Jeonghan snapped his fingers and smirked at Mingyu. Tumaas-baba ang mga kilay nito na siyang ikinakunot ng noo ni Mingyu.

"Solved na ang origami mystery case mo. Si Junhui ang nagiiwan niyan sa desk mo." Nakangising sambit ni Jeonghan na animo'y nakaresolba siya ng isang napakahirap na problema. Sumandal pa siya sa upuan at ipinagkrus ang mga braso. Samantalang common sense lang naman ang kanyang ginamit.

Umiling si Mingyu at tinitigan si Junhui.

"Feeling ko, hindi siya." Mingyu stated.

Napailing si Jeonghan sa narining at muling inilapit ang mukha kay Mingyu upang bumulong.

"Bulag ka ba?! Siya lang yung gumagawa niyan dito o! Wag ka na kasing umasa na si Wonwoo ang gagawa niyan." Sambit ni Jeonghan. Umiling-iling si Jeonghan at tinitigan sila Junhui.

Napayuko na lang uli si Mingyu at tinitigan ang taong katabi nito na ngiting-ngiti habang pinapanuod na gumawa ng origami si Jun.

———

Because Mingyu wasn't yet convinced that Junhui is really the one behind this origamis, nagdesisyon sila ni Jeonghan na pumasok na maaga para mahuli kung sino man ang nagiiwan nun sa desk. Nagtago sila sa ilalim ng teacher's table habang naghihintay.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mingyu nang may marinig silang mga hakbang na papalapit sa classroom nila. He was nervous as hell. Nagkatinginan muna sila ni Jeonghan bago binantayan ng tingin ang pinto.

Sana hindi siya. Sana hindi siya. Sana hindi siya. Paulit ulit na sabi ni Mingyu sa isip. Napapikit siya at hinintay ang mangyayari. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng bumukas ang pinto ng classroom.

"Ohmygosh, Mingyu!" Bulong ni Jeonghan sa kanya. Napatingin siya dito at nakita niya kung pano manlaki ang mga mata nito habang nakatakip sa bibig ang palad.

Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo at pati siya ay nanlaki ang mga mata sa nakita.

B-bakit siya?

He felt his heart going wild inside his chest, but he was sure it wasn't because of nervousness anymore. Namawis ang noo at mga palad niya. Napakapit siya sa kamay ni Jeonghan.

"Mingyuuuuuu! Si Wonwoo ang secret admirer mo!" Mahinang sigaw ni Jeonghan na narinig ni Wonwoo kaya napabaling ang tingin nito sa direksyon nila. Agad na nagtago si Jeonghan at Mingyu.

Napaangat uli ng tingin ang dalawa ng may marinig silang kausap ni Wonwoo.

Muli ay bumagsak ang mga balikat ni Mingyu at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng pumasok si Junhui dala-dala ang isang kulay rosas na origami at iniwan ito sa kanyang desk. Jeonghan can only gasp for air.

Tinapik ni Wonwoo sa balikat si Junhui at magkasamang lumabas ang dalawa.

Yun na din ang naging cue ni Jeonghan at Mingyu upang lumabas sa pinagtataguan nila. Mingyu walked to his table and held the origami with his shaking hands. Tinapik naman ni Jeonghan si Mingyu sa likod at ngumiti dito.

"At least alam mo na, no? Hindi ka na aasa, kasi alam mo na yung totoo."

Mingyu sighed.

"Akala ko kasi, siya talaga e."

≈★

JuvenileWhere stories live. Discover now