→ Completely safe for innocent (at painosente) audiences——————
"Wonwoo, hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Jisoo kay Wonwoo. Napalingon naman sa kanya si Wonwoo.
"Huh? Saan?" Naguguluhang tanong ni Wonwoo, pero hindi pa rin maalis sa labi ang maliit na ngiti. Napabuntong hininga si Jisoo.
"Diyan. Sa pagtingin mo lang kay Mingyu sa malayo. Sa pagngiti na lang sa sarili mo habang pinapanuod mo siya. Sa pagtatago mo ng nararamdaman mo." Sabi ni Jisoo at tinapunan ng mabilis na tingin si Mingyu na naglalaro ng basketball at ibinalik ang malungkot na tingin kay Wonwoo.
Ngumiti lang si Wonwoo ng mapait. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Mingyu.
"Jisoo, alam mo, sapat na para sa akin ang titigan siya mula sa malayo. Alam ko namang hindi kami bagay, tanggap ko na. Kaya masaya na ako sa pagtingin lang sa kanya." Sagot ni Wonwoo nang hindi inaalis ang tingin kay Mingyu.
"Alam mo namang may chance, diba? Bat kaya hindi mo subukan? Wala namang mawawala, diba?" Pangungulit ni Jisoo.
Umiling iling si Wonwoo at bumalik na naman ang mapait na ngiti.
"Kaibigan ko siya. Yun na lang ang meron kami. Ayokong masira yun." Sagot ni Wonwoo. Bumaba ang tingin niya sa mga daliri niyang kanina niya pa pinaglalaruan. Sa hinliliit niya ay may hugis kwadradong singsing na may nakaukit na 'MW'. Hinipo niya yun ng mga dulo ng kanyang daliri. Ang mapait na ngiti ay napalitan ng matamis na ngiti.
"Tsaka, masaya naman kung anong meron kami e. Ramdam kong mahal niya ako, kahit bilang kaibigan lang," Inangat ni Wonwoo ang tingin kay Jisoo at ngumiti ng marahan dito. "Sabi nga nila diba, ang pagibig ay hindi para magmayari. Love is to appreciate." Dagdag niya pa.
Napangiti na lang din si Jisoo sa pagiging position ng kaibigan. Pero alam niyang nasasaktan pa rin ito sa loob loob nito. Alam niyang gusto rin nitong maging higit pa sa kaibigan si Mingyu. Alam niya, dahil naririnig niya ang pagiyak nito sa hatinggabi kung kailan akala nito ay mahimbing na natutulog na ang lahat.
———
"Goodnight, Wonwoo." Sabi ni Jisoo.
"Goodnight." Huling sabi ni Wonwoo bago pinatay ang ilaw at humiga sa kama niya. Magkaroommate silang dalawa sa inuupahan nilang dorm. Napatitig muna si Wonwoo sa mga madilim na langit bago unti-unting kinain ng antok ang kanyang sistema. Pero bago pa niya tuluyang maipikit ang mata, dumaan ang isang bulalakaw.
"M-mingyu?!" Gulat na sabi ni Wonwoo ng makita niya kung sino ang papalapit sa kanya. Napaikot ang tingin niya sa paligid at nalaman niyang nasa kwarto niya pa rin sila. Nakaupo siya sa kama niya, alam niyang nakatulog siya matapos panuorin ang mga bituin, pero hindi niya matandaang nagising siya.
Ngumiti si Mingyu sa kanya.
"T-teka, gabi na a! Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Wonwoo. Hindi sumagot si Mingyu at naglakad lang papalapit sa kanya. Napakunot ang noo ni Wonwoo ng umupo ito sa tabi niya at makita niya ng nalapitan ang mga mata nito. Wala yung kislap, parang patay ang mga mata nito. Napasandal si Wonwoo sa headboard ng kama niya ng inilapit ni Mingyu sa kanya ang mukha nito.