ILYSM

389 19 26
                                    

fluff
medyo mahaba

—————

"Hyung, anong ibig sabihin ng TTYL?" Nagtatakang tanong ni Mingyu kay Seungcheol habang nakatitig sa phone niya.

"Talk to you later." Sagot ni Seungcheol na hindi man lang siya tingingnan. Busy kasi itong naglalaro ng slither.io sa phone ni Jeonghan.

"Eh, hyung naman. Ngayon na."

"Yun nga yung meaning nun. Talk to you later." Sagot ni Seungcheol na hindi pa rin siya tinitingnan.

"Ah. E, itong SKLWMP?" Tanong uli ni Mingyu.

"Share ko lang, walang may pake." Sagot ni Seungcheol.

"Ah, itong Lol?"

Dito na nainis si Seungcheol. Natalo kasi yung ahas niya, yung sa slither.io at hindi niya nabeat ang high score ni Jeonghan. Padabog niyang inilapag ang phone niya sa desk at masamang tiningnan si Mingyu.

"Hoy, Seungcheol, yung phone ko naman!"

"Pati ba naman yun, Mingyu, hindi mo alam?" Inis na sabi ni Seungcheol. Napakamot na lang sa ulo si Mingyu at nahihiyang nginitian si Seungcheol.

"Hindi e." Sagot niya.

"LOL. Laugh Out Loud."

Naiinis na kinuha ni Jeonghan yung cellphone niya at sinamaan ng tingin si Seungcheol. Lalo din namang nainis si Seungcheol kasi wala na siyang mapaglalaruan.

"Ah, salamat hyung. E, yung Lmao—"

"LMAO?! ANO MEANING NG LMAO?! HAH?! KAMAO GUSTO MO?!"

Mabilis na umiling si Mingyu.

"Sabi ko nga hindi na e. Hehe salamat hyung." Mabilis niyang sagot at lumayo na sa pwesto nila Seungcheol. Bumalik na siya sa sarili niyang upuan. Nagbabangayan na naman si Seungcheol at Jeonghan kaya umingay ang klase. Buti na lang ay hindi pa dumadating ang teacher nila.

Tinitigan niya pa rin ang mga kakaibang combinations ng letter na sinend sa kanya ng classmate niya na si Minghao nang maramdaman niya ang  kalabit ni Seungkwan.

"Bakit?"

"Peram ako ng class pass." Sabi nito habang kumakain ng Choco Mucho.

Umiling si Mingyu.

"Wala sakin, na kay Jihoon hyung ata e." Sagot niya. Tumango na lang si Seungkwan. Pinagpatuloy ni Mingyu ang pagtitig sa phone niya, hinihintay na may ideang kusang pumasok sa isip niya na makakadecode ng apat na letra na yun. LMAO.

Ligo muna ako, okay?

Laging maganda ang orasan?

Lah mukha akong orangutan?

Napailing na lang si Mingyu.
Ibinalik niya na lang ang cellphone niya sa bulsa niya ng dumating na ang teacher nila.

—————

"Okay, nakanino daw yung class pass?" Tanong ng teacher nila, napaangat ng tingin si Mingyu at nakita niya si Wonwoo, ang class president nila na nakatayo sa tabi ng teacher nila.

"Mingyu? Diba ikaw ang tagahawak no'n?" Tanong ng teacher nila. Medyo kinabahan siya. Dahil sa pagtawag sa kanya ng teacher niya, natuon din sa kanya ang atensyon ng isang pares ng mga matang yun. Tumaas ang balahibo niya at namula ang kanyang mukha. Nakatingin kasi sa kanya si Wonwoo.

JuvenileWhere stories live. Discover now