Our Box of Dreams

278 10 0
                                    


trigger warning: mentions of depression + depressive thoughts
so naisip ko 'to habang nanunuod ng meanie vids and I thought why fucking not?????

------

"Hindi mo kasalanan, Mingyu." Napabuntong hininga si Wonwoo habang kausap sa telepono si Mingyu.

"Kasalanan ko, hyung. Ngayon, galit na sa akin si Papa kasi tumigil na ako sa pagaaral." Malungkot na sagot nito sa kabilang linya.

"Hindi ka tumigil, nagpahinga ka lang. Babalik ka pa rin naman, e. Tsaka hindi mo kasalanan kasi karamihan ng nasa edad natin, nakakaranas din niyan." Paliwanag ni Wonwoo sa kausap sa kabilang linya. Narinig niya pa ang pagsinghot nito.

"Pero hyung, parang nawala lahat 'yung mga pangarap ko, 'yung mga plano ko sa future pati na rin 'yung inspirasyon ko. P-pakiramdam ko nga e, wala na akong d-dahilan para mabuhay..." Narinig ni Wonwoo ang pagkabasag ng boses nito na lalong nagpasikip sa dibdib niya.

"Mingyu, marami ka pang dahilan. Siguro hindi mo pa lang nakikita kasi nabubulag ka ng lungkot mo. Ayaw mo na bang makasama ang magulang mo, ang mga kaibigan mo... Ako?" Sabi ng nakakatanda. Hindi niya hahayaan na maging suicidal si Mingyu dahil alam niya ang pakiramdam no'n. Napatingin si Wonwoo sa pulso niyang hindi pa rin iniiwanan ng mga peklat na nagawa niya dati sa sarili. Natatakot siya na baka magaya si Mingyu sa kanya kaya pinipilit niyang huwag nitong maisip na kitilin ang sariling buhay.

"G-gusto... Pero kasi pakiramdam ko, kapag tinapos ko na ang lahat, wala ng sakit, wala ng lungkot. M-magiging masaya naman kayo kapag wala na ako-"

"Hindi ako magiging masaya, Mingyu. Iiwan mo na lang ba ako? Y-yung pamilya mo? Alam mong ikaw lang ang kaibigan ko diba? Hahayaan mo na lang ba akong mag-isa?" Malungkot na tanong ni Wonwoo.

"H-hindi..."

"Mingyu, makinig ka. Alam mong nandito lang ako diba? Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, wag lang-wag lang y-yun... Kasangga mo ako diba? Hindi mabubuo ang Meanie kung wala ka diba? Mingyu, please-please wag ka munang gumawa ng desisyon." Halos magmakaawa na si Wonwoo para lang hindi gawin ni Kingyu ang bagay na muntik niya na ring gawin dati.

"H-hyung..."

"H-hintayin mo ako, okay? Pupuntahan kita diyan."

"Mm."

Dali-daling ibinaba ni Wonwoo ang telepono at tumakbo paakyat ng hagdan at papasok ng kwarto niya para kumuha ng sweater pagkatapos ay agad na lumabas ng bahay. Pinahid niya ang isang patak ng luhang tumulo galing sa kanan niyang mata bago tumakbo papunta sa bahay nila Mingyu na ilang kanto lang mula sa kanila. Kumatok siya sa pinto at pinagbuksan siya ng nagaalalang mukha ni Mrs. Kim.

JuvenileWhere stories live. Discover now