Flowers And It's Meanings

317 8 21
                                        

angst
I rlly suck at making titles I'm so sorry

——————

"People tend to give different things different meanings. Tulad ng mga kulay, white represents innocence and purity. The color yellow represents joy and positiveness. Red represents strength, power, and passionate love.

Kahit mga numero ay may kahulugan din. Swerte daw ang number 7 at 9, while 13 is considered as unlucky number.

Para sakin? Malas ang 0 at swerte ang 100, dahil kapag nakazero ka lalo na sa test niyo, siguradong latay ang abot mo mula sa mga magulang mo.

Teka nga,

Bakit nga ba binibigyan ng mga tao ang bawat bagay ng kahulugan? Bakit kapag may gusto silang sabihin ay kailangan pang idaan sa mga bagay na ganito? Bakit hindi na lang sila magsalita? Mahirap ba talagang i-voice out na lang yung nararamdaman o iniiisip nila?

Kaya ako, hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Nakakatawa sila."

—————

"Mingyu! Naiwan na naman tayo ng bus! Ang bagal mo kasi e!" Naiinis na sabi ni Seungcheol at pumadyak padyak pa ang mga paa. Nag sorry na lang ako at nginitian siya.

Pumara na lang kami ng taxi para makapunta dun sa Zoo na papasyalan namin. Ewan ko ba, kung kailan tumanda tong si hyung, tsaka naman gustong magpasyal sa zoo.

"May balat ka sa pwet no? Minamalas ako pag kasama kita." Tanong niya.

"Grabe ka na naman, hyung. Tsaka wala akong balat sa pwet. Teka nga, bakit ba pag may balat ang tao sa pwet, malas agad ang sinasabi? Hays, ewan ko ba sa inyo." Naiiling kong sagot.

"Hoy, Mingyu, ayan ka naman! Oo na, oo na, hindi ka na naniniwala sa mga ganyan, please lang wag ka nang manermon uli."

Natawa na lang ako at ibinaling ang tingin ko sa bintana. Umuulan na. Pinanuod ko na lang ang mga butil ng tubig na dumausdos pababa sa salamin na bintana ng sasakyan.

JuvenileWhere stories live. Discover now