→ fluff
→ married!meanie
------
"Mingyu." Mahinang bulong ni Wonwoo sa asawa niyang si Mingyu. Bahagya niya itong inalog sa balikat para gisingin.
"Hmmm." Tanging sagot nito at sumiksik pa sa dibdib ni Wonwoo. Lalo nitong hinigpitan ang yakap sa bewang ni Wonwoo. Napailing na lang ang huli. Narinig na naman niya ang mahinang iyak ng bata sa kabilang kwarto.
"Mingyu, si Minwoo, gising na naman." Bulong niya uli kay Mingyu. Napatingin ito sa kanya ng nakapikit pa ang isang mata.
"Hmm?"
"Si Minwoo, gising na naman." Ulit ni Wonwoo at hinaplos ang buhok ng asawa. Pumikit pikit muna si Mingyu bago inalis ang kumot at tumayo mula sa kama. Nagsuot muna ito ng robe para matakpan ang hubad na katawan. Napatingin si Wonwoo sa orasan sa bed side table nila. 2am pa lang.
Napabuntong hininga na lang siya at hinintay na makabalik si Mingyu. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin bumabalik ang asawa kaya napagdesisyunan niyang sumunod dito. Tumayo siya sa kama at sinuot ang boxer shorts na nakakalat sa sahig at kulay blue na robe.
Naglakad siya papunta sa kabilang kwarto at nakita niyang karga karga ni Mingyu ang bata habang isinasayaw. Hindi pa rin kasi ito tumitigil sa pag iyak.
Tuluyan ng lumapit si Wonwoo sa kanila. Hinaplos niya ang likod ng bata.
"Tinimplahan mo na ba ng gatas?" Tanong ni Wonwoo.
Tumango si Mingyu.
"Oo, hyung. Ayaw pa ring tumigil e." Sagot niya at humikab. Naawa naman si Wonwoo sa asawa. Pagod pa si Mingyu, buong araw itong nasa trabaho at nung kinagabihan ay si Wonwoo naman ang trinabaho nito. Wala pang pahinga si Mingyu pero ito siya at nagaalaga ng bata.
"Ako nang bahala, matulog ka na." Sabi ni Wonwoo sa asawa. Akmang kukunin ni Wonwoo ang bata mula kay Mingyu nang ilayo ito ng huli.
"Wag na, hyung. Di naman ako makakatulog pag hindi kita katabi."
Natawa si Wonwoo sa sinabi ni Mingyu. Tumatawa siya, pero yung tibok ng puso niya ay di niya na mahabol sa bilis.
Niyakap na lang ni Wonwoo ang asawa at sumabay sa galaw ng katawan nito. Ipinatong niya ang baba sa balikat nito at pumikit. Kinain sila ng katahimikan at tanging mga kuliglig lang at ang mahinang tunog na nagmumula sa aircon ang maririnig. Tumigil na rin sa pagiyak ang bata.
"Mingyu, tulog na ata." Bulong ni Wonwoo kay Mingyu.
Tumango lang si Mingyu sa asawa at inilapag na ang bata sa crib nito. Pagkatapos ay humarap siya sa asawa at nginitian ito. Inakbayan niya si Wonwoo at sabay silang naglakad palabas. Hindi pa man nakakarating sa kwarto nila ay narinig na naman nila ang pagiyak ni Minwoo. Nagkatinginan muna silang dalawa, napabuntong hininga at sabay na bumalik sa loob ng kwarto ng bata. Muli itong kinarga ni Mingyu at isinayaw ng marahan.
"Mingyu, ako nang bahala. Magpahinga ka na lang." Sabi ni Wonwoo sa asawa.
Umiling si Mingyu.
"Ayoko nga, hyung. Gusto ko katabi kita." Sagot niya.
"Dalhin na lang natin sa kwarto si Minwoo." Sabi ni Wonwoo. Tumango na lang si Mingyu at magkasabay silang lumabas ng kwarto ni Wonwoo.
Pagkapasok sa sarili nilang kwarto, umupo si Mingyu sa kama habang karga-karga si Minwoo. Umupo sa tabi niya si Wonwoo.
"Ako naman, gyu." Sabi ni Wonwoo at kinuha ang bata kay Mingyu. Wala nang nagawa pa ang huli.
Umakyat si Mingyu sa kama at yumakap sa likod ni Wonwoo. Ipinatong niya ang baba sa balikat ni Wonwoo. Napangiti naman si Wonwoo. Alam niyang inaantok na si Mingyu dahil sa pagbigat ng paghinga nito.
"Hyung." Bulong ni Mingyu sa tenga ng asawa.
"Hmm?"
"Sing me a lullaby." Sabi ni Mingyu. Napalingon si Wonwoo dito.
"Matagal na akong tumigil sa pagkanta, Mingyu." Sagot ni Wonwoo at napabuntong hininga. Ibinalik ni Wonwoo ang tingin sa bata ng makita niyang nakapikit lang si Mingyu.
"I want to hear you singing again." Sagot ni Mingyu.
Napabuntong hininga na lang uli si Wonwoo. Gusto niya mang kumanta uli, gusto niya mang pagbigyan ang asawa, ay hindi niya magawa. Simula ng madisband sila ilang taon na ang nakaraan, sobra siyang nalungkot at hindi na kumanta pa. Pero naisip ni Wonwoo na hindi siya dapat magpakalunod sa lungkot niya. Kaya napagdesisyunan niyang pagbigyan ang asawa.
Tumikhim muna si Wonwoo. Inalala niya ang liriko ng mga dati nilang kanta bago nagsimulang kantahan ang magama niya. Sa simula ay nanibago siya, pero kalaunan ay nasanay na din siya.
Isiniksik ni Mingyu ang mukha sa leeg ni Wonwoo. Naramdaman niyang nagustuhan ng asawa niya ang pagkanta at mahimbing na itong natutulog. Napangiti siya sa sarili at tiningnan ang mukha ng anak.
Si Minwoo ay adopted child nila. Pero kahit ganon ay may konting pagkakahawig ito kay Mingyu. Sabi din ng ilan ay kamukha ng mata nito ang mga mata ni Wonwoo. Napangiti siya sa sarili.
"Mingyu." Paggising niya sa asawa.
"Hyung?"
"Ilalapag ko na itong bata."
"Dito na lang sa tabi natin." Sagot ni Mingyu. Bahagya muna itong tumayo para mailapag ni Wonwoo ang bata sa gitna ng kama. Pagkatapos ay humiga sila sa mag kabilang gilid nito. Nginitian ni Mingyu ang asawa.
"I love you, hyung."
"I love you too, Gyu."
Mabilis na hinalikan ni Mingyu si Wonwoo bago hinila ang kumot nila.
"Kantahan mo uli ako, hyung." Sabi ni Mingyu.
Ngumiti lang si Wonwoo at hinaplos ang buhok ng asawa. Nagsimula na siyang kumanta hanggang sa makatulog na silang dalawa na parehong may matamis na ngiti sa labi.
≈★
