→ Fantasy
→Angst
→ concept (empathy) isn't mine so ctto.———————
Ever since Wonwoo reached his teenage days, he became aware of the fact that he is different from those people around him. Meron siyang highly-developed sense of empathy. Empathy is a psychic ability to manipulate and understand people's feelings. Pwede rin niyang maiparamdam sa iba ang nararamdaman niya. Dahil doon, he became distant to the people around him, thinking that he, himself, is a freak that should never have been born.
Nagsimula siyang magalit sa sarili niyang kakayahan noong mamatay ang mga magulang niya. He was only 7 that time, at wala pang ni isang tao ang nakakaalam ng kakayahan niya. Not even his parents. Magkasama noon ang magulang niya sa opisina at iniwan siya sa kanyang mapagmalupit na Tiyuhin. Tinakot siya nitong papatayin ang kanyang mga magulang kapag nagsumbong siya na sinasaktan siya nito. Wonwoo was treated badly, his uncle would always beat him until he can't breathe anymore. Ang hindi niya alam ay nagawa niyang itransmit ang nararamdaman niya sa mga magulang niya. Inatake sa puso ang kanyang ama, and his mother was caught in a car accident while driving his dad to the nearest hospital.
Wonwoo sighed when the memories of his lonely days came rushing to his consciousness again. Napailing siya at muling itinuon sa binabasa niyang libro ang atensyon.
Di nagtagal ay lumabas na rin siya ng library at piniling mag stay magisa sa open space ng campus nila. Umupo siya sa Bermuda grass sa ilalim ng lilim at pinanuod ang mga grupo ng estudyante na nagtatawanan.
Don't get him wrong, hindi naman sa naiinggit siya sa mga taong maraming kaibigan, pero minsan ay nakakasawa na din ang magisa. He managed to live alone after his parents died, he's sure he could live the rest of his life alone.
Nakikita niya, kahit ang mga tao sa grupong iyon ay may mga negative na aura pa rin ang bumabalot sa kanila. Wala pa siyang nakilala, o nakitang tao na walang kinikimkim na negatibong damdamin. Everyone has their lonely sides after all. Kaya mas pipiliin niya na lang na magisa, kaysa magpanggap na masaya para lang sa iba.
Naramdaman na naman niya ang mga itim na sinulid na gumagapang palabas ng katawan niya. Agad niya itong pinigil at pinabalik uli sa loob ng katawan niya. Ayaw niyang maipasa ang hinanakit na dala niya. Last time he let those thread take over him, he lost his parents.
Ilang minuto pa ay napagdesisyunan niya na lang na bumalik sa library. Mas tahimik pa do'n at makakapagreview pa siya para sa quiz nila mamaya. He was about to walk when a soccer ball made contact with his forehead, and he felt like he was just strucked by a lighting.
Nabitawan niya ang mga dala niya at napaupo sa lupa. Napapikit siya at napahawak sa noo ang mga kamay.
"Hala! Sorry!" Naramdaman ni Wonwoo na may humawak sa braso niya kaya agad niya itong iwinasiwas bago pa magkaron ng koneksyon dito ang itim na sinulid.
"O-okay ka lang ba?" That deep voice made Wonwoo shiver. Medyo natulala siya.
Kakaiba ang nararamdaman niya sa taong to, ibang-iba sa lahat ng taong nakasalamuha niya. Kaya agad siyang napatingala dito.
A tall, dark man is standing in front of him, eyeing him with so much worry.Bukod sa pagaalala nito, ay wala na siyang nakita pang negatibong aura dito. Napakunot ang noo ni Wonwoo at agad na tumayo.
"I-ikaw," Wonwoo pointed a finger at him. "Bakit napakasaya mo?"
Nakita niyang tumawa ang lalaki at napakamot sa ulo.
"Nahihilo ka pa ata. Gusto mo dalhin kita sa clinic?"