Warning : Subject for editing.
Un-reviewed
Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.
Hehehe. 😅
Enjoy reading !
---------
" Nica! Lumabas ka diyan! Huwag mo akong pagtaguan. Limang buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta! Buksan mo itong pinto. "
Naalimpungatan ako dahil sa sigaw na nanggagaling sa labas ng inuupahan kong bahay. Sumakit bigla ang ulo ko dahil sa ingay ng bunganga ng landlady ko. Kinakalampag din ang bakal na gate sa labas.
" Harapin mo ko! Alam kong nandiyan ka sa loob. Huwag mong pagtaguan ang utang mo. " dinig kong sigaw niya pa na parang may kaaway sa labas.
" Labas diyan! Pinagpapasensyahan na kita nang ilang buwan sagad na sagad na ang pasensya ko sayo. "
Napatakip ako sa magkabilang tenga. Siguradong nagpipyesta na ang mga chismosang kapitbahay sa labas.
" Babalikan kita mamaya, kapag wala ka pang maibigay ipapatapon ko palabas lahat ng mga gamit mo! Sa kalye ka pupulutin." narinig ko pang banta ni Aling Tasing.
Napakagandang pambungad sa umaga, hindi paman ako nakakalabas ng bahay ay malas na agad ang umaga ko. Nakaka-sira ng araw. Bwesit talagang buhay to!
Napamura ako nang tumingin sa mumurahing wristwatch na nasa labi ng unan ko. Ang aga namang mam-bwesit ng matandang tigang na iyon, alas-syete palang nang umaga. Hula ko hindi na naman iyon nadiligan ng disi-sais anyos na dyowa niya kaya mainit ang ulo.
Kahit gusto ko pang matulog dahil madaling araw na akong nakatulog ay pinilit ko nalang bumangon para maligo. Kailangan kong mang-hagilap ng pera para maipambayad kay Aling Tasing, paniguradong babalik siya mamaya para maningil.
May oras pa naman ako para umalis at maghanap ng mahihiraman ng pera. Mamayang alas-onse pa naman ang pasok ko sa department store na pinagta-trabahuan ko bilang saleslady.
Ang hirap talaga ng buhay ko. Ulila na nga ako sa mga magulang nilayasan pa ako ng nag-iisa kong kapatid. Sad life talaga.
" Iking! Bruha ka talaga tantanan mo nga ako diyan sa Morality issue mo! Kaluka ka talagang pukengkeng ka. Mamamatay kana sa gutom at lahat nag-iinarte ka pa. Hmp! " napatakip ako sa tenga.
Sarap tampalin sa bunganga para kasi itong may gamit na megaphone kapag nagsasalita. Palaging high pitch dinig ng buong Bgry. San Ildefonso.
" Grabe ka! Mamamatay agad? May kinakain pa naman po ako. "
" Huwag ka nga. Baka isang araw mabalitaan ko nalang na patay kana. News flash babaeng virgin namatay dahil sa gutom. Tapos nakadilat pa ang mga mata mo. Ewww. Nakakahiya! I-de-deny talaga kita bilang kaibigan. " eksaheradang sabi niya.
" Over ka ha. " kumento ko. Pero alam kong nagbibiro lang siya.
" Huwag kasi puro prinsipyo ang pinapairal hindi ka makakakain niyan. Utak din paminsan-minsan Iking, paano ka aasenso niyan kung hindi ka magpa-praktikal? Alalahain mo hindi ka nakapagtapos ng kolehiyo. Mahirap maghanap ng trabaho na malaki ang sweldo. " dagdag pa niya.
Na-award na naman ako ni Angelina Ganda, ang bestfriend forever/kapitbahay kong bakla. Actually, hindi siya mukhang lalaki. Transwoman siya, yung hitsura niya parang yung mga contestant sa Miss Q and A ng noontime show na pinapanood ko. Maganda siya at sexy, kasi nauubos ang pera niya sa pagpapaganda.
Sa kanya ako lumapit para manghiram ng pera, gaya nang dati. Nagkataon naman na walang-wala rin siya, kaya ito naungkat na naman yung offer niyang sideline.. ang maging escort.
BINABASA MO ANG
The Marriage Proposal
Ficțiune generală" The very moment na tumapak ang mga paa mo sa loob ng teritoryo ko ay --- Pag-aari na kita. " - Luis Alexander Fuentabella.
