5

882 32 2
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
 
 
Malamig ang loob ng kwarto na pinasukan ko. Maganda ang pagkaka-arranged ng mga kagamitan sa bawat sulok at napakalinis ng paligid. Napansin ko rin na dalawang combination lang ng kulay ng pintura ang ginamit dito, black and white.

Malulungkutin ba ang taong gumagamit dito? I asked myself.

Wala kasing kabuhay-buhay at parang napaka-tahimik ng aura ng silid. In short sobrang boring!

Napalingon ako sa gawing bintana na nasa bandang kaliwa ko. Doon naka-pwesto ang mesa ng kung sino mang Daniel Fuentabella na iyon.

Nakatungo ang ulo ng lalaking nakaupo sa swivel chair kaya hindi ko maaninag ang buong mukha niya. Pero mahahalatang malaking bulas siya dahil sa lapad ng balikat at nahihinuha ko ring matangkad siya base narin sa pag-oobserba ko.

Nakatitig siya sa velvet box na ibinigay ko sa secretary niya. He was playing with it. Ipinapa-ikot-ikot niya iyon sa mga daliri niya. Nag-alis ako ng bara sa lalamunan, para narin tawagin ang pansin niya.

Nag-angat siya ng mukha at ganun nalang ang pagkatulala ko. Parang pamilyar siya sakin.. ang mukha niya.. ang mga labi niya.. lalong lalo na ang mga mata niya.

Parang siya iyong--- Natutop ko ang bibig. Natulos ako sa pagkakatayo at parang nanghina ang tuhod ko.

It's him...
  
 
FLASHBACK -- THREE YEARS AGO.
 
  
"It's a baby girl." narinig kong deklara ng doktor na kalalabas palang galing sa delivery room ng ospital na pinagdalhan ko kay Grace.

"Ay! May dalaga na tayo, Iking." Tuwang-tuwa na saad ni Angelina.

"Yung kapatid ko po, kumusta?" Kinakabahan na tanong ko.

Parang lumungkot ang bukas ng mukha ng doktor, biglang may kung anong matigas na bagay ang bumundol sa dibdib ko.

"I'm sorry, Miss... but your sister didn't make it. Sinubukan kong i-revive siya pero sumuko na talaga ang katawan niya."

"Diyos ko!" Bulalas ni Angelina, napatakip siya ng bibig.

Hindi ako nakapagsalita, parang walang boses na gustong lumabas sa bibig ko. Biglang sumikip ang dibdib at parang umikot ang paligid. Naramdaman kong hinawakan ako ni Angelina at bahagyang pinisil ang braso ko pero parang manhid ang katawan ko.

"Sorry, Miss. Ginawa po namin ang lahat..."

Iyon lang at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
 

 
"Anong plano mo ngayon? Hanggang kailan ang burol?"

Bumalik ako sa reyalidad nang tapikin ako sa balikat ni Angelina. Nakatitig kasi ako sa nakapikit na mga mata ni Grace. Nasa loob siya ng kabaong. Kung titingnan mo siya ay para lang siyang natutulog ng mahimbing.

Humikbi ako."Ang bata pa niya para mamatay..." usal ko. "napakarami pa siyang dapat gagawin sa buhay. Hindi manlang niya nasilayan ang anak niya. Bakit ganon? Bakit ako iniiwan ng mga taong mahal ko? Bakit maaga silang kinukuha ng Diyos sakin?"

Niyakap niya ako. "Iking, huwag ka namang ganyan. May dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Panahon na siguro ni Grace, talagang hanggang dito lang ang misyon niya sa mundo."

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon