7

1K 32 6
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
 

"Aray!" Napasigaw ako dahil sa pagpitik ni Angelina sa noo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign naman siya pabalik.

"Bakit, mukha kang byernes santo? Hindi ba dapat ay masaya ka dahil successful ang operation ni Baby Zhanea?" Takang tanong niya.

"Paano naman ako magiging masaya kung ang kapalit ng pag-galing niya ay pagkasunog ko naman sa empyerno? Aber! Parang isinanla ko ang kaluluwa ko sa dyablo."

"Empyerno daw? Plastic ka talaga." Tumaas ang kilay niya. "Huwag mo nga akong eni-echus! Ang gwapo kaya ni Alex tapos ang yaman-yaman, pasalamat ka nga na inalok ka niya ng kasal. Kasi ako kahit wala ng kasal-kasal bubukaka agad ako sa harap niya. Sa sobrang gwapo at ganda ng katawan niya siguradong langit ang mararating mo kapag natikman mo. Tapos ikaw pabebe! Hmp. Ipokrita." Humalukipkip siya sa harap ko.

Pinalo ko siya sa tiyan at sinabunutan.

Napahiyaw siya sa sakit daw ng pagpalo ko. OA lang talaga, hindi naman kasi iyon malakas. Tinampal ko siya sa bibig. Baka kasi magising si Zhanea.

Angel na angel ang tingin niya kay Luis Alexander F. Fuentabella palibhasa puro pakitang tao ang ginagawa ng lalaking iyon kapag magkaharap sila. Pero kapag kaming dalawa nalang ay parang nagme-menopause na dragon.

Palibhasa rin kasi hindi niya alam na ubod ng sama ang ugali ni Alex sagad hanggang body cells niya.

"Eh ba't hindi nalang kayo ang magpakasal?" Irap ko.

"Sino ba ang inalok?"

"Eh kasi naman.. masama ang kutob ko sa kanya. Basta mabigat ang loob ko sa lalaking iyon. Parang may mali sa kanya na hindi ko mapin-point. Tapos ang bilis pa ng mga pangyayari. Two weeks ago single ako as in NBSB tapos biglang ikakasal na ako."

Napahinga ako ng malalim. No boyfriend since birth naman talaga ako, wala akong alam tungkol sa pagbo-boyfriend. I'm innocent pagdating sa pakikipag-relasyon tapos magpapakasal pa ako sa isang total stranger.

"Wow ha! So iniisip mong liligawan ka muna ni Alex bago kayo magpakasal? Feeler lang te."

Hinampas ko siya sa braso."Hindi naman iyon yung punto ko. Kainis ka talaga! Kontrabida ka. Ang sinasabi ko lang hindi ko manlang siya boyfriend! Hindi ko siya kilala."

"Ouch ha. Brutal ka talagang babae ka!"

"Tapos pakialamero pa siya. Pinapakialaman pa niya ang buhay ko. Okay lang sana kung si Zhanea lang ang concern niya. Isipin mo yun pinag-resign pa niya ako sa trabaho!" gigil na dagdag ko.

" Wala kang choice, Iking. Gusto mo bang mamulubi ang may-ari ng boutique na pinagta-trabahuan mo?"

" Ang sama niya talaga! Ginamit pa niyang pang-blackmail ang trabahong tumaguyod sa pangangailangan naming mag-ina nang napakatagal na panahon."

" Ang sweet nga niya e. Ibig sabihin lang nun gusto niyang nasa bahay kalang aalagaan si Zhanea pati pagsisilbihan siya." Kumindat siya.

Napakagat ako sa labi.

" Think positive kasi. Ginugulo mo lang ang isip mo, mukhang mabait naman si Alex. Sabi mo nga diba ginagawa mo ito para sa anak mo--- tika alam na ba niya na hindi ikaw ang ina ni Zhanea kundi si Grace?"

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon