Chap 8

924 34 1
                                        

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------

Walang silbi ang lambot ng kamang hinihigaan ko at lamig ng aircon sa kwarto dahil hindi naman ako dinadalaw ng antok.

Naninibago marahil ang katawan ko dahil hindi ako komportable sa bagong kong environment... sa maganda at malaking kwarto, mabango, at sobrang tahimik na paligid.

Totoo naman, nasanay ako sa matigas na papag at maingay na mga kapitbahay. At higit sa lahat nasanay akong katabi sa pagtulog ang anak ko.

Nandoon siya sa kabilang silid, sa sarili niyang silid na ibinigay ni Alex para sa kanya.

Naisipan kong lumabas sa veranda para magpahangin iba parin kasi ang natural na lamig sa labas kesa sa lamig na nanggagaling sa aircon.

Sumalubong sakin ang preskong simoy ng hangin. Napahugot ng malalim na buntong hininga at nailing.

Ako na kaya ang mangyayari sakin bukas?

Wala sa sariling napayakap ako sa sarili. Pakiramdam ko kasi ay nawalan ng direksyon ang buhay ko na para bang nag-uumpisa na naman ako mula sa simula. Yung parang naputulan ako ng pakpak at hindi na makalipad. Nawalan na ako ng kalayaan.

Anong mangyayari bukas? Paano ko ba dapat harapin ang hinaharap na kasama ang lalaking kinaiinisan ko? May asawa nga ako pero hindi naman ganun ang turing namin sa isa't-isa. Para lang kaming estranghero kung pakitunguhan ang bawat isa at hindi ko alam kung tatagal ako sa ganoong sitwasyon.

I sighed deeply. Ang drama ko grabe.

Bahala na, pinili ko na ito. Wala ng atrasan, isa pa naniniwala akong.... mangyayari ang dapat mangyari. Sabi nga nila everything happens for a reason. Kahit hindi ko pa alam ang rason kung bakit ako napunta sa sitwasyon ko ngayon ay naniniwala akong kakayanin ko ito! Laban lang!
 
 

Kinaumagahan naabutan ko na naghahanda ng almusal sa kusina ang isang may-edad na babae. Tapos nagpi-prito naman ng kung ano ang isang pang babae na hula ko ay kasing-edad ko lang.

Hindi ko maiwasang magtaka sa nakita kong suot nila. Paano naman kasi'y iba na naman ang kulay ng suot nilang uniform.

Color coding lang?

"Good morning po, Maam." Bati sakin nung Julie nang sa wakas ay napansin niya na ako.

Ngumiti lang ako sa kanila. "May maitutulong po ba ako?"

"Naku, Maam matulog lang po muna kayo. Kakatukin ko nalang po kayo mamaya kapag handa na ang agahan niyo." magalang na saad ng May-edad.

Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya.

"Eh sanay po akong nagigising ng ganitong oras, Nay. At tsaka hindi narin po ako makakatulog ulit." nahihiyang sagot ko. " Tika, ano po bang pangalan niyo, Nay?"

"Ason, tawagin mo nalang akong Manang Ason." Mukha siyang mabait.

"Nanay Ason, nalang po masyado kasing pangmatanda yung manang. At huwag niyo po akong tawaging Maam. Veronica po ang pangalan ko, pwede narin ang Nica kung nahahabaan kayo." Nakangiti paring sabi ko.

"Ang akala ko ay Thea ang pangalan mo?" Naguguluhang tanong niya.

"Thea Veronica po kasi iyon. Masyado po bang mahaba? Actually, po pinaikli na iyon. Dapat nga raw e Dorothea Veronica iyon pero nahabaan masyado si Nanay kaya iniklian nalang." Mahabang paliwanag ko.

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon