2

1K 27 0
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------


" Grasiang, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. May bigas diyan sa lalagyan tapos may ulam pa tayo initin mo nalang. " paalam ko kay Grace.

Nakatalukbong parin siya ng kumot sa papag. Hindi siya sumagot as in no reaction or whatever.

" Kumain ka ha, huwag magpapalipas ng gutom. Naririnig mo ba ako?"

Nakakaawa talaga siya ilang linggo na siyang ganyan. Hindi siya lumalabas ng bahay, ni ang magpaaraw ay hindi niya ginagawa. Wala rin siyang ganang kumain, nakahiga lang siya buong maghapon. Mas lalo siyang nangayayat at namumutla pa siya.

Para na siyang bampera, ganyan ba talaga kapag brokenhearted?

Napabuntong hininga ako. " Sige aalis na ako. May iniwan akong konting pera sa ibabaw ng mesa baka lang kasi may kailangan kang bilhin. "

Nailing nalang ako at lumabas na ng bahay.

-
-

" Miss, patingin nga ako ng size 8 nito. " sabi ng customer.

Naka-assign kasi ako sa shoe section. Ibinigay ko naman agad. Tapos nang maisukat na niya ito, kulay beige naman ang hiningi niya.

" Ay ang panget naman, hindi bagay sa paa ko. " maarteng sabi niya.

" Panget kamo yang paa mo, hindi yung sapatos. " bulong ko.

Nilingon niya ako. " Anong sabi mo? "

" Sabi ko po panget nga po sa paa niyo, hindi bagay sa kulay niyo Maam. Mas maganda yung gray, mas bagay sa inyo. "

Tinaasan niya ako ng kilay, " Sige try ko yung gray. "

Paulit-ulit siyang nag-utos at nagsukat pero wala siyang magustuhan.

" Hayyy. Ano ba iyan! Wala ba kayong new designs? Asan yung mga new arrivals niyo? Lahat hindi bagay sakin. "

Nanggigigil na ako pero pinilit ko paring ngumiti part of the job. Tiis tiis din paminsan-minsan.

" Ay ito nalang, Miss. " lumapit siya sa isang estante at itinuro ang red stellito.

" Ito po, Maam? "

" Yup. Yung ganyang style pero gusto ko yung four inches, hindi ako sanay na mababa ang heels. "

" Same color po ba maam? " magalang na tanong ko.

Pero deep inside kumukulo na ang dugo ko. Tusukin ko kaya siya sa mata ng takong ng sapatos.

" Patingin ako ng color black, beige, at yellow. "

Huminga ako ng malalim at ngumiti ulit. Mabibigat ang mga paa na humakbang ako papunta sa stock room.

Ang arte-arte tapos hindi naman bibili! Naku alam ko na iyang mga style na iyan. Nag-fe-feeling rich e halata naman na social climber siya. Lagyan ko kaya ng bubog ang loob ng sapatos, tingnan ko lang kung hindi siya duguin! Bwesit na babaeng iyon panira ng mood. Ang dami-daming demand tapos ---

Bumangga ako sa isang pader-- mali tao pala. Likod ng isang lalaki ang nabangga ko, matangkad ito at mabango. Amoy mayaman, ang sarap sa ilong hindi kagaya ng mga pabango na mumurahin.

Halos malaglag ang panga ko nang lumingon yung pader este yung lalaking may -- Gosh! Napakaganda ng mata niya, kulay blue. Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata at hindi siya contact lens.. tunay siya.

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon