6

869 34 4
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
 
 
"Ikaw?!" shocked na bulalas ko.

Kumunot naman ang noo niya. Para bang hindi ma-process ng utak niya kung sino ako. Sabagay wala namang dahilan para maalala niya pa ako. It's been what? Three years for heaven's sake.

Napakatagal na panahon na ang lumipas pero malinaw na malinaw parin sa alaala ko lahat ng pagpapahiya niya sakin noon. Kung hindi lang niya ako iniligtas ng gabing iyon ay baka napatay ko na siya kinabukasan. Isipin niyo iyon sinabihan na nga niya akong pick-up girl at nilait-lait niya pa ako.

"Excuse me, but you really looked familiar. Have we met before?" Takang tanong niya.

Pinamulahan ako ng mukha. Ouch! Hindi niya talaga ako matandaan. Batuhin ko kaya siya ng lampshade nang matauhan siya.

"I don't want to sound rude or something but.. are you one of those women that I bedded?"

Napanganga ako sa tanong niya. Grabe siya! Ibilang ba naman ako sa mga naging babae niya. Kahit crush ko siya- DATI ay hindi ako papayag na maka-churva siya no! Kapal!

Nakatitig siya sakin tila hinihintay ang sagot ko."Miss?"

Umiling ako."Hindi. Ngayon palang tayo nagkita."

Napatuwid siya ng upo."So, who are you then?"

Nag-alis ako ng bara."A-ako si Veronica. Sakin iyang box na hawak m---"

"Sa pagkaka-alam ko, this ring doesn't belongs to you. This is my mother's ring. Family hierlom ito at nag-iisa lang ito sa mundo." Putol niya sa sasabihin ko.

"Pero ibinigay iyan sa---"

"Great! Binigay sayo ng magaling kong kapatid." Sabi niya sa matigas na boses.

"Kapatid?" maang na tanong ko.

Tinitigan ko siya. Kaya pala parang pamilyar ang mukha ni Daniel, magkapatid pala sila. Magkapareho ang kulay ng mga mata nila, same prominent nose at kulay ng balat.

Umangat ang sulok ng bibig niya. "Yes, kapatid as in brother." Tila bored na sagot niya.

Naumid ang dila ko. Nakaka-intimidate siyang kausap. Supladong-suplado parin ang dating niya, tapos hindi siya ngumingiti. Bahagya ding nagmature ang mukha niya. Pero mas lalo yata siyang gumwapo, mas nakadagdag pa nga sa appeal niya ang maturity na nangyari sa hitsura niya at ---

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Pasimple akong lumunok. Hula ko mas lalong gumanda ang built ng katawan niya ngayon kesa dati. Alaga marahil sa gym.

"Done checking me out?" Nakataas ang kilay niya. "Anyways, my secretary told me that you want to talk to me because of my ... " blangko ang mukha niya. "daughter?" Parang nang-aaliw na tanong niya.

Napakagat ako sa labi. "A-ano kasi.. a-akala ko si Daniel ang CEO." nauutal na paliwagan ko.

Hindi ko alam kung namula ba ako o namulta. Bloopers naman kasi. Ang akala ko ay si Daniel ang CEO, siya pala. Mali ako dun, sorry naman tao lang.

Pumalatak siya.

"S-si Daniel ang gusto kong makausap."

Amused na napatitig siya sakin."Hindi ka ba nanonood ng news? How about newspaper? Social media? Radio?"

Nahihiyang umiling ako.

"God. Taong gubat ka ba?" Fascinated na tanong niya.

"Grabe ka naman! Wala lang akong panahon para sa mga ganyan. Busy akong tao." Sinimangutan ko siya.

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon