chap 9

1.9K 76 19
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------

 
" Oo nga pala honey, kumuha ako ng private tutor ni Zhanea. Bukas siya mag-uumpisa." Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob ng kwarto ko at nilingon siya. Kagagaling lang namin pareho sa kwarto ni Zhanea.

" Bakit kailangan pa niya ng private tutor nandito naman ako? Ako nalang ang magtuturo sa kanya." nakataas ang kilay na tanong ko.

Lahat nalang talaga pinapakialaman niya tapos siya ang nagpapasya. Puro nalang siya.. siya.. siya.. Hindi manlang siya nagtanong muna kung okay sakin o hindi. Nakakapanggigil talaga!

" Mas matututo siya sa private tutor." Casual na sagot niya at nagkibit-balikat.

Uminit bigla ang ulo ko sa sagot niya.

" So, gusto mo bang palabasin na bobo ako? Na wala akong alam?" Tinitigan ko siya ng masama." For your information nakatungtong din ako ng college!"

" I did'nt say that, honey." Amused na sagot niya na para bang nagpipigil ng tawa.

Grabe! Mapanglait!

" Tika nga bakit ba kanina ka pa honey ng honey diyan? Huwag mo nga akong tinatawag ng ganyan! Masakit sa tenga!" Gigil na singhal ko sa kanya.

Kanina pa siya honey ng honey sakin mula sa ospital hanggang sa hapunan at pagpapatulog sa anak ko. Naalibadbaran ako sa totoo lang hindi bagay sa kanya ang maging sweet, halatang pilit na pilit.

Tumikwas ang isang sulok ng labi niya. " Bakit ayaw mo? If I know kanina ka pa kinikilig diyan."

" Wow ha! Ang kapal mo naman." Pinandilatan ko siya ng mata.

Pumalatak siya pagkuway ngumiti." Ayaw pang umamin ng honey ko." Tudyo pa niya, aaminin ko ang cute niya. Tss.

" Tumigil kana nga diyan!" Singhal ko, nakakainis talaga siya. Huhuhu...

Nakakainis ang kagwapuhan niya.

Tumawa siya. " Fine. Fine. Titigil na ako baka kasi hindi kana makatulog sa sobrang kilig." Sabi niya at lumapit sa kinatatayuan ko.

" Hoy bakit ka lumalapit?! Hanggang diyan kalang! Sasapakin talaga kita." Banta ko nang makitang masyado na siyang lumalapit sakin.

Ngumisi siya at nagpatuloy sa paghakbang. Naalarma ako. " A-ano ba! U-umatras ka nga."

" Pulang-pula yang mukha mo kinikilig ka ano? Naaapektuhan ka sa presence ko? " Parang kinilabutan ako nang tumama ang hininga niya sa leeg ko, looks like nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Tinulak ko siya sa dibdib. " Hindi! Feeling ka talaga."

Grabe ang tigas! Parang bato. Sabi ng isang bahagi sa isip ko.

Natigilan kaming pareho at sabay na bumaba ang tingin namin sa kamay ko na nakalapat sa dibdib niya. Parang napasong tinanggal ko iyon at bahagyang umatras.

Ngumisi siya." Maganda iyan. Huwag kang paaapekto, dahil baka isang araw magising ka nalang na inlove kana sakin. I'm telling you now, masasaktan kalang." Biglang sabi niya.

" Ako maiinlove sayo?" Tinuro ang sarili at tumawa ako." Patawa ka! Kahit ikaw na ang pinakahuling tao sa mundo hindi kita magugustuhan. As in never! Magpapakamatay nalang ako."

Natigilan siya at matiim akong tinitigan. "Siguraduhin mo lang na hindi mo kakainin yang sinabi mo."

Hindi ko mapigilang mapalunok ng iwanan niya ako.

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon