3

978 32 0
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------

"B-buntis ka?! " nanginginig ang kamay ko habang hawak ang PT na may dalawang pulang guhit.

Humagulgol siya ng iyak. Para akong nauupos na kandila, nanghihina ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"S-sorry ate. Hindi ko sinabi sayo, tatlong buwan na akong buntis." Emosyunal na sagot niya.

"So alam mo pala na buntis ka?! Tapos hindi mo inaalagaan ang sarili mo! Iresponsable ka talaga. Bakit ka nagpapabaya? Gusto mo na bang mamatay?!" Galit na sigaw ko.

"Gusto kong mawala ang batang ito sa tiyan ko! Pero hindi ko kayang pumatay. Kaya mas mabuti pang mamatay nalang kaming dalawa. Wala narin namang kwenta ang buhay ko. Iniwan na ako ng taong mahal ko. Pabigat nalang ako sayo. Puro nalang problema at kahihiyan ang binibigay ko sayo!"

Napatigalgal ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na yelo. Gusto na niyang mamatay? Diyos ko!

"Ano ba iyang ipagsasasabi mo? Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi -- hindi ka pabigat sakin! Kapatid kita.. mahal kita! Huwag mong iisiping magpakamatay paano nalang ako? Iiwan mo rin ba ako?" Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Hindi siya sumagot. Iyak lang siya ng iyak.

"Huwag kang sumuko sa buhay, Grace. Nandito ako, tutulungan kita. Kahit gaano kahirap ang buhay at kahit gaano kalupit ang tadhana ay huwag kang susuko. Hindi lahat ng araw at panahon ay nasa ibaba tayo."

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Humihikbi siya, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang awa at sakit.

"Sorry talaga ate. Hindi ako naging mabuting kapatid. Patawarin mo ako."

Hinaplos ko siya sa likod. Kailangan niya ako ngayon, kailangan ako ng baby sa loob ng tiyan niya. Kailangan ko ring maging malakas para sa kanila. Hindi ako pwedeng maging mahina.

"Sino ang ama ng bata?" Matigas na tanong ko.

Lumayo siya sakin at naglakad sa tabi ng bintana. Huminga siya ng malalim at napapikit. Gusto kong malaman kung sino ang lalaking nanloko sa kanya, kung sino ang nakabuntis sa kanya.

"Huwag mo ng alamin ate. Ayoko na siya maalala, ayoko ng banggitin o marinig ang pangalan niya! Kinamumuhian ko siya. Isinusumpa ko siya. Pinagsisisihan ko ang araw nakilala ko siya." Puno ng pout na sabi niya.

"Pero kailangan niyang malaman na magkakaanak na kayo. Na nabuntis ka niya!"

Mapait na napatitig siya sakin."Hindi niya kailangang malaman! Magpapakasal na siya, ayoko na siyang guluhin. H-hindi niya ako minahal ate, ginamit niya lang ako."

"Pero--"

"Please.. ate. " putol niya sa sasabihin ko.

"S-sige, hindi na kita pipilitin. Pero gusto kong mangako ka na aalagaan mo na ang sarili mo. Kakain ka ng mabuti at huwag ka ng magmukmok." Pinilit kong ngumiti.

Napatungo siya. "O-o. "

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Ngumiti ako. Nakaka-awa ang hitsura niya ngayon. Tinitigan ko siya sa mukha. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang hitsura niya dahil palagi niya akong iniiwasan at palagi akong wala dito sa bahay.

Ibang iba na talaga ang hitsura niya ngayon, nawala na ang dating Grace na kapatid ko. Yung Grace na palaging pinagagalitan at inaaway ko. Yung Grace na madaldal, maporma, lakwatsera at maarte.

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon