4

926 32 1
                                    

Warning : Subject for editing.
Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

---------
 
 
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Shit! As in fvcking shit!

Daniel Alexander Fuentabella

Mayaman, taga-pagmana, edukado, may-ari ng pinaka-malaking construction firm sa buong asia, hotel magnate, sobrang gwapo at numero-unong chickboy. Hinahabol ng mga babae mapa-socialite at kolehiyala.

Kasalukuyan akong nakatitig sa page niya sa facebook. Wala kasi kaming ma-search na ibang account niya. Ito lang ang lumabas sa search engine at mukhang hindi pa updated. Alam kong siya ang lalaking nasa picture dahil kamukha niya yung lalaki sa litrato ni Grace.

Napatitig ako sa information na nakalagay sa "about" niya. Ito ba talaga ang lalaking minahal ng kapatid ko?

Kaya naman pala.. ngayon malinaw na sakin ang lahat. Wala talaga sa histura niya ang magsi-seryoso at ma-iinlove sa katulad ni Grace. Mayaman siya at edukado, kaya imposibleng tutuhanin niya ang kapatid ko.

Ang kawawa kong kapatid nabiktima ng lalaking mapagsamantala. Siguro ay ayaw niya ng eskandalo o takot sa obligasyon kaya iniwan niya ang kapatid ko nang mabuntis ito.

Maaring nagsinungaling rin si Grace sakin nang sinabi niyang walang alam ang lalaki na nagbunga ang relasyon nila. Alam nito pero tumalikod ito sa responsabilidad.

"So pukengkeng, ano na ang plano mo ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Angelina.

"Wala. " seryosong sagot ko.

"Anong wala? Nabasa mo naman diba? Mayaman ang father-so ni Zhanea, ipagkakait mo ba sa kanya ang magandang buhay na dapat ay para sa kanya? " umiinit bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Angelo? Gusto mong ibigay ko sa kanila ang anak ko? Alam mo naman diba pinabayaan niya ang kapatid ko! Namatay siya dahil sa panloloko niya. " galit na sagot ko.

"Veronica, hindi natin alam kung ano ang totoong nangyari. Sabi mo nga maaaring nagsinungaling si Grace sayo. Malay mo may mabigat na dahilan iyang Daniel na iyan kaya iniwan niya si Grace." Depensa niya sa mahinahon na boses.

I sarcastically laughed. "Hindi.-- ayokong ipakilala si Zhanea sa pamilya nila. Kaya ko siyang buhayin kahit walang tulong na kahit ano mula sa kanila." Matigas na sabi ko."Anong malay ko baka itatwa pa nila si Zhanea, at ayokong mangyari iyon. Ayoko siyang masaktan!"

Buo na sa desisyon ko na huwag ng ipaalam o magkaroon manlang ng kahit na anong koneksyon sa walang kwentang lalaking iyon!

Hindi niya malalaman na may anak siyang inabandona at may babae siyang pinatay. Oo, siya ang dahilan kung bakit namatay si Grace. Pinatay niya ang kapatid ko!

"Hindi ko alam kung hanggang saan ka dadalhin ng pagmamatigas mo." Naiiling na sabi niya.

--
 
 
"Anak, ready na ba iyong mga gamit mo? Iyong pamalit mo mamaya? feeding bottle mo nasa loob na ba ni Hello Kitty?"

"Opo, Nanay. " malambing na sagot niya.

Ihahatid ko siya ngayon kina Aling Tasing, wala kasi si Angelina. Umekstra sa Dagupan, handler kasi siya ng isang contestant sa pageant na gaganapin sa isang fiesta.

"Huwag kang magpasaway kay Aling Tasing, huh?"

"Opo."

"Promise? Cross your heart?"

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon