Day 2

21 1 0
                                    

Tuesday

Nandito ako ngayon sa classroom nagsusulat. Nagsusulat ng liham para sakanya. Naisipan ko kagabi na gawin ito. Cheesy man kung sabihin pero, natotorpe talaga ako pagdating sakanya.

"Hoy Ivan linisin mo yang kalat mo! Balak mo bang ubusin yang papel?!" Sigaw nung kaklase kong si Ben.

"Aish! Oo at ipapakain ko sayo!" Naiinis na tugon ko. Naiinis ako kasi wala akong maisip na isulat dito.

"Aba't-" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita, inilagay ko sa bibig niya ang isang kumpol na papel tsaka ako umalis doon.

Kamot ulo akong palakad-lakad sa hallway. Frustated sa sarili. Anubanaman kasiiiii, ba't di ako makagawa ng letter!!

Sa pagiging frustated ko nakabangga nalang ako ng tao.

"Ay sorry miss." Paumanhin ko.

"Okay lang." Boses niya yun. Hinarap ko kaagad upang makumpirma. Siya nga. Letse naduduwag ako.

"A-ah s-sige, s-sorry ulit." Sabi ko sabay takbo.

Letseee!


Uwian na wala parin akong naisusulat na liham para sakanya. Nakauwi na ang lahat at narito parin  ako. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ulit.

Binasa ko ng paulit-ulit yung liham na gawa ko hanggang sa na-satisfy ako. Nilinisan ko muna yung mga kalat ko tsaka ako lumabas ng classroom.

Dumiretso ako sa locker area at pumunta sa locker niya saka sinipit yung liham ko para sakanya. Gabi na pala kailangan kong bilisan bago ako mahuli ng guard dito.

Habol hininga akong lumabas sa gate. Sinulyapan ko ang guard na humahabol ngayon sakin. Napahawak siya sakanyang tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga. Binelatan ko siya tsaka ako tumakbo palayo.

7 Days Of Being Torpe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon