Nandito ako ngayon sa garden ng school namin kahit sunday ngayon. I don't know why pero itong lugar na 'to ang naging takbuhan ko sa lahat ng problema ko.
Magdidilim na pero di pa rin ako umuuwi.
"Ivan.." napalingon ako sa nagtawag ng pangalan ko.
Kilala ko siya, isa siya sa mga kaibigan ni Lily.
Tumango lang ako sakanya.
"Pinapabigay pala ni Lily.." malungkot na sambit niya. Inabot niya sakin gamit ang nanginginig na kamay ang isang sulat.
"Maging matatag ka, Ivan. Ayaw ni Lily ang ganyan." Nakangiting sambit niya. May mga namumuong luha na sa gilid ng mga mata niya. "Mauna na ako."
Binasa ko yung sulat niya.
Dear: Ivan
Alam kong by this time na binabasa mo 'to wala na ako. Sorry kung iniwan kita. Alam mo ba noong unang sulat mo sa'kin ay nawierduhan ako sayo? Ikaw lang kasi ang kilala kong admirer na magbibigay nalang ng letter may pangalan pang nakalagay sa taas ng papel. Ano yun quiz lang? Hahahaha. Yung pangalawa naman ang aga mo pa nun tanda ko para ipuslit yung letter. 'Di mo ako nakita nun dahil nagtago ako sa isang sulok. Noong isang araw naman hinandugan mo ako ng isang kanta. Kinilig ako nun. Tapos nung nagtama ang tingin natin natuwa ako kasi ngumiti ka, palagi ka nalang kasing umiiwas eh. Pero pagkatapos ng lahat ng yun ay nahimatay ako. Natatandaan mo ba nung nakita mo akong umiiyak sa garden? Doon ko nalaman na may sakit pala ako at malala na. Iyak lang ako ng iyak nun. Kaya ako nahimatay sa oras na yun ng dahil sa sakit ko pero pag-gising ko sinabi sakin ni Trina (yung nagbigay sayo nitong letter na 'to) na ikaw daw yung nagbuhat sa'kin, natuwa ako dun. Tapos nagpasalamat ako diba? Gusto pa sana kitang makausap nun kaso nahihiya ako. Binigyan mo pa ulit ako ng letter. Lumelevel up ka hahahaha may roses na ehh.
Alam mo ba,yung mga roses na yun ay nasa bahay lang.
Sinabi rin sa'kin ni Fred na makikipagkita ka na raw sa'kin. Sabik na sabik akong makaharap ka. Hinihiling ko na sana makakapunta pa ako sa ating magaganap na tagpuan. Pero humihingi ako ng tawad kung hindi man.
Hindi ko man lang nasabi sa'yo na gusto rin kita. Mas mabuti na siguro yun para hindi na mas lalong masaktan. Sana mahanap mo ang babaeng susuklian ang pag-ibig mo. Hinahangad ko ang kaligayahan mo. Patawad kung hindi ko iyon maibibigay. Gustuhin ko man ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Salamat. Salamat dahil pinapahalagahan mo ako. Salamat sa mga masasayang ala-ala. Salamat sa panandaliang kilig. Salamat ng marami Ivan. Paalam.Nagmamahal,
Lily.Sa pagpatak ng luha ko ay kasabay rin pumatak ang mga ulan.
Unti-unting nababasa ang liham habang yakapyakap ko ito.Salamat Lily.. salamat..
Kundi dahil sayo, hindi ko matututunan ang mga dapat kong matutunan. Sana maging masaya ka.At sana marinig mo ang mga salitang ito na ibubulong ko nalang sa hangin..
Mahal kita.
Paalam Lily.
End.