Thursday
Maaga akong pumasok sa eskwelahan kahit na mukhang uulan para ipuslit itong liham na 'to sa locker niya.
Isa nanamang masamang tingin ang ipinukol ni guard sakin. Natawa nalang ako. Dumiretso ako sa locker area. Wala pang masayadong tao dahil early pa nga. Hinanap ko ang locker niya at inilibot ang tingin baka may makakakita. Nang masiguro ko na wala agad ko iyong pinasok at tumakbo palayo.
Nagsimula ang klase at sinubukan kong mag concentrate sa itinuturo ni sir.
"Tsk..tsk mukhang may bagyo ata." Bulong ng katabi kong si Kenneth.
"Oo nga." Sagot ko tsaka sumulyap sa bintana.
Nasulyapan ko ang entrance ng canteen kung saan papasok sila ngayon. Mas lalong kumabog ang aking dibdib nung lumapit sila isang table na mas malapit saamin. Natataranta ako. Sa kakataranta ko nahulog nanaman ang juice pero di na ako tumakbo.
"'Nu banamanyan preeee!!" Sigaw ni Fred. Nakita ko naman ang pagtinginan ng ibang naroon dahil sa sigaw ni Fred kasama na sina Lily.
"Sensya na.." pagpaumanhin ko.
"Porket-" isinubo ko sakanya ang isang buong mamon para matigil ang pagdadaldal niya. Nakita ko naman na natawa sila Lily dahil sa ginawa ko. Nagtama ang tingin namin. Ngumiti siya, umiwas ako.
"Our dear students, today's class is suspended due to the heavy rain. Thank you." Napatigil ang lahat sa narinig sa speaker at natuwa sa huli dahil walang klase.
"Wohoooo yessssss!! Tara magdotaaa!" Sigaw ni Fred. Binatukan naman siya ni Cedric. Natawa nalang ako.
"Hoyyy Ivan! San punta mo???? Tara dota tayyyyoo!" Sigaw ulit ni Fred dahilan kung bakit nagtama ulit ang tingin namin ni Lily. Eto naman si gago umiwas.
"Uwi na ako." Sabi ko sabay lakad palayo. Kailangan ko pang maghanda para sa bago kong move.
