Day 5

13 0 0
                                    

Friday

May klase na ngayon dahil tumila na ang ulan.

Sinabi ko kay Fred ang plano ko para sa next move ko. Si gago tawa ng tawa dahil ang cheesy daw. Pero wala na siyang nagawa dahil nagpumilit ako kaysa naman sa wala akong nagawa diba?

"Oh Lily may sulat nanaman ba yung secret admirer mo?" Narinig kong tanong ng isa sa mga kaibigan niya. Agad akong napalingon at naistatwa sa kinakatayuan ko.

"Wala." Nanghihinang sagot nito. Wait. Nanghihina? Bakit?

"Uy preee, tara naaa!" Aya sakin ni Fred dahilan kung bakit napatingin sila saamin. Kahit kailan talaga tong mokong na 'to agaw sa pansin eh. Hinila ko nalang siya at nagmamadaling umalis doon.

Dumating ang lunch at oras na para sa plano ko.

Umupo na kami sa usual spot naming magbabarkada. Nakita ko namang umupo sa tabing lamesa namin sina Lily. Napalingon naman siya kaya agad akong umiwas at muntikan nanamang mahulog ang juice buti nalang nasalo ni Fred.

"Tsk..tsk." asik ni Fred.

Pinandilatan ko naman siya.

"Good day students! To make your eating happy, here is a song for you. Especially for you Lily Santiago. Happy Eating!" Announce nito.

Napalingon naman ako sakanya. Nakangiti ito habang panay tukso ng mga kaibigan niya sakanya.

I never dreamed
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game..

"Uyyyy nagba-blush si Lilyyyy." Tukso sa kanya ng kaibigan niya pero pinalo lang nito sa braso.

'Till I met you
I never knew what love was
'Till I met you
This feelings seems to grow more every day
I love you more each day...

"Success?" Bulong ni Fred at napangiti naman ako. "Told ya. Kailangan mo lang gumawa ng move eh. Torpe."

"Gago." Nakangiting sambit ko sabay tingin kay Lily na nakatingin ngayon sakin. This time di na ako umiwas. Ngumiti ako. Ngumiti siya. Tangina nakakabakla pero kinikilig ako.

Tumayo na sila. Di parin mabura sa labi ko ang mga ngiti ko.

"Lily!" Bigla akong napatingin sa banda nila at nakita kong nakahandusay si Lily sa sahig. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.

Binuhat ko siya at agad tumakbo papuntang clinic. Sinalubong kami ng nurse tsaka ko siya nilapag sa clinic bed.

Di nagtagal dumating na ang mga kaibigan niya kasama si Fred at Cedric.

"Lily!" Agad siyang dinaluhan ng mga kaibigan niya.

"Tara na pre. Sila na ang bahala diyan." Wika ni Fred.

"Pero-" pinutol agad ni Cedric ang sasabihin ko.

"Tama si Fred, Ivan. Sila na ang bahala dito." Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi sumunod sakanila. Sumulyap ako sa huling pagkakataon.

7 Days Of Being Torpe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon