Day 1

40 0 3
                                    

It all started on monday when I saw her walking with her friends near our classroom. Hindi ko na matanggal ang mga mata ko sakanya. Kumabaga 'love at first sight' sabi nga nila.

Simula noong araw na yun ay palihim ko na siyang sinusulyapan.Napag-alaman ko na isa siyang 3rd year highschool student. Sabihin na nilang child abuse ako, isang senior high student na nagkakagusto sa 3rd year highschool student. Walang nakakaalam na humahanga ako sakanya. Natatakot akong malaman niya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ako magustuhan. Tangina nakakabakla pero wala eh.

Nasa canteen kami nung nakita ko siyang papasok kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti ako ng patago habang tinitignan siyang tumatawa.

"Uy, Ivan! Crush mo yun no???" Bigla akong napabaling sa sinabi ng katropa ko na si Fred, "uyyyy nagbibinata na si juniorrrr!!" Umiling nalang ako sa tukso niya.

"Baliw." Naiiling na sabi ko sabay tingin ulit sakanya, pero di ko inaasahan na nakatingin siya sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin dahilan kung bakit nahulog ang juice.

Agad akong napatayo at lumisan sa lugar na yun kahit pa panay tawag sakin ng mga kaibigan ko. Shit nakakahiya.

Di ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay gusto kong umalis sa lugar na yun. Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Tahimik. Umupo ako sa isa sa mga bench doon.

Tahimik akong nakatingala sa langit ng may narinig akong humihikbi. Napalingon ako sa kaliwa't kanan at doon ko nakita kung sino yun. Siya. Umiiyak. Mag-isa.

Tatayo na sana ako at lalapitan siya pero bigla nalang dumating ang mga kaibigan niya para aluin siya. Wala akong nagawa. Pinanood ko lang siya habang umiiyak hanggang sa umalis sila sa lugar na iyon. Anong nangyari?

Did she broke up with someone?
Family problem?
Di ko alam.
I hope she'll be fine.

Pauwi na ako at nakita ko siya ulit. Sinundan ko siya. Nagmumukha akong stalker dito eh, which is true.

Tahimik siyang naglalakad hanggang sa matumba siya sa daan at napahawak sa ulo niya. Tatakbo na sana ako at lalapitan siya ngunit may dumating na isang sasakyan at agad siyang pinasok doon. Pinanood ko lang ito hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Wala nanaman akong nagawa.

7 Days Of Being Torpe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon