Day 7

15 0 0
                                        

The Last day

(Tuesday)

Napagisip-isip ko na kailangan ko ng magpakilala sakanya.

Sinabihan ko ulit si Fred sa plano. Suportado niya naman ito.

"Tama yan pre! Tama na ang pagiging torpe!" Sabi pa niya.

Tama. Makikipagkita na ako sakanya.

Habang palapit ng palapit ang oras ay kinakabahan ako.

Paano kung hindi niya ako magustuhan?
Paano kung di niya ako sisiputin?

Ang daming negatibong tanong ang pumapasok sa isip ko.

Pumasok si miss. May mug pa siyang hawak. Nagsimula na siyang maglesson. Kinuha niya ang kanyang mug para uminom ng ibinalik niya iyon ng hindi tumitingin kung kaya ay nahulog ito.

Parang slow motion ang pagkahulog nito hanggang sa mabasag ito. Tulala ko itong tinitigan.

"Huy okay ka lang?" Tanong ni Giselle.

Natauhan naman ako. Nakita ko na lumabas ang isa sa mga kaklase ko para tumawag ng janitor.

"Cr lang po ako." Paalam ko kay miss. Tumango naman ito.

Humarap ako sa salamin ng CR tsaka naghugas ng kamay. Nanlalamig ako. Sana magtagumpay ako mamaya.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago umalis sa Cr. Paglabas ko saktong nag ring ang bell. Hudyat na uwian na. Oras na.

"Paging miss Lily Santiago. Please proceed at the rooftop now."

Dumiretso na ako sa rooftop kung saan nakahanda ang lahat.

Simple lang ang inihanda ko. Isang table na para sa dalawang tao at may pagkain din doon na inihanda ni Fred. May mga palamuti rin doon. Hawak hawak ko ngayon ang isang bouqet na bulaklak.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Pinagmasdan ko galing dito sa itaas ang mga taong lumalabas sa gate ng eskwelahan umaasa na hindi siya isa doon.

Hinanap ko ang phone ko sa bag ko para sana tignan ang oras. Sa kaba ko hindi ako nakapag suot ng relo kanina.

30 minutes na hindi parin siya dumadating. Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Nakangiting binaling ko doon ang tingin ngunit bigla nalang ito napawi dahil hindi siya ang nakita ko.

Nagmamadaling tumakbo papunta sakin si Fred.

Hindi ko gusto ang timpla ng mukha niya.

"Ivan! Si Lily sinugod sa hospital!" Tarantang sabi niya.

Nabitawan ko ang bulaklak at agad tumakbo pababa.

"Teka! Ivan! Huminahon ka!" Sigaw nito pero di ko siya pinansin.

"Putangina! Ivan!" Sigaw pa nito. Nakasunod pala siya saakin.

Pumara ako ng isang taxi at pumasok doon. Sasaraduhin ko na sana ang pinto pero agad pumasok si Fred.

"Gago ka ba ha?!" Galit na tanong nito. Di ko siya pinansin tsaka bumaling sa driver.

"Sa pinakamalapit na hospital po." Sabi ko. Di ko alam kung ano ang hospital na pinagdalhan sakanya pero nasisiguro ko sa pinakamalapit iyon.

"Hoy Ivan! Ano ba?!" Sigaw nung katabi ko. Di ko parin siya pinansin.

"Pakibilisan po."

"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa katabi ko.

"Bigla nalang siyang nagsusuka ng dugo at nahimatay, nangyari lahat ng yun nung tumatakbo siya.... papuntang rooftop." Hindi tulad kanina mahinahon na siya.

"Ano?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Sir, mukhang may nagbanggaan po sa unahan natin eh. Matatagalan ata tayo bago makarating ng hospital." Sabi bigla ni manong.

Sinulyapan ko ang unahan. Meron nga. Pero hindi ko namalayan na lumabas nalang ako bigla at nakiusisa doon.

Isang truck at kotse.

Pamilyar ang kotse na iyan.

Pabigat ng pabigat ang hakbang ko.

Halos mawalan ako ng hininga.

"Pre.." bigla nalang ako napalingon kay... Cedric. May benda ang ulo niya may mga sugat siya sa kamay.

Anong ibig sabihin nito?
Bakit siya nandito?

"Sorry.."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Napayuko siya.

What the hell is happening?!

Napabaling ulit ako sa kotse na yun.

No..no

Basag na basag ang front seat.

Bumaling ulit ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Anong nangyari?" Halos pumiyok ako.

"Sorry.. I'm trying to save her but-"

"Putangina Cedric!" Sigaw ko.

"Pre, di yun kasalanan ni Cedric. Nakausap ko ang pulis,kasalanan iyon ng truck." Paliwanag ni Fred.

"Fuck!" Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.

"Asan siya?" Kalmadong tanong ko. Di siya sumagot. Nakayuko lang siya.

"What the hell Cedric! I'm asking you where the fuck she is?!" Galit na sigaw ko.

"I'm...sorry."

Fuck.

7 Days Of Being Torpe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon