Day 6

13 0 0
                                        

Monday

Nag-aalala ako sakanya. Ano kayang nangyari sakanya?

Napabuntong hininga nalang ako. Naghihintay akong dumaan siya dito sa hallway para mapanatag ang loob ko na okay lang siya.

Pero wala.

Kanina may sulat ulit ako sakanya na nagpapahayag na magpagaling siya. Kasama ng liham na iyon ang tatlong pulang rosas.

Naglakad akong patungong classroom at nakasalubong ko siya. Ngayon, napanatag na ang loob ko na okay na siya.

Lalagpasan ko na sana siya pero nagsalita siya.

"Uh-salamat pala kahapon." Sabi niya.

"W-walang anuman." Sabi ko sabay ngiti. Ginantihan niya ako ng ngiti.

"Mauna na ako." Paalam niya tumango nalang ako.

Patuloy akong naglakad patungong classroom ng may ngiti sa labi. That was our first conversation.

"Para kang baliw pre!" Bungad sakin ni Fred.

"Baliw sakanya." Sabi ko tsaka umupo sa upuan ko.

"Corny mo pre!" Sabi niya sabay tawa. Napailing nalang ako sabay tingin sa bintana.

Andun siya. Masayang naglalaro ng volleyball. Ang sarap niyang titigan. Yung tipong hindi ka magsasawa sa kakatitig sakanya.

Every time I look at her, I fall in love all over again.

Matagal-tagal din akong nakatitig sakanya. Nahulog ang ballpen ko kaya pinulot ko yun tsaka ako tumingin ulit sa bintana. Pero nagkakagulo sila. Anong nangyari?

Nakita ko nalang na buhat buhat siya ng kaklase niyang lalake habang tumatakbo. Napatayo ako bigla.

"Yes, mr. Torres?" Napabaling ako kay miss. Nilingon ko lahat ng mga kaklase ko na ngayon ay nagtataka kung bakit ako biglang napatayo.

"Nothing, miss, sorry." Paumanhin tsaka umupo ulit.

"Problema mo pre?" Tanong ni Fred sa likod ko.

"Wala."

Nagaalala ako. Ano bang nangyari?
Natamaan ba siya ng bola o ano?
Pagod na akong manghula, palagi nalang ako nanghuhula.

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpunta ng clinic at sumilip doon. Nakita ko siyang nakahiga. Walang malay. May mantsa rin ng dugo ang kanyang puting P.E t-shirt. Dugo? Anong nangyari?

Sinara ko yung pinto tsaka ako napasandal doon at napapikit.

"Excuse me." Napamulat ako agad at napabaling sa nagsalita.

Isang babae sa mid'30 ata ang edad. Mapapansin mo ang kagandahan nito noong panahon.

"Sorry po." Pagpapaumanhin ko at agad na tumabi para makadaan siya.

"I'll take my daughter home." Aniya sa nurse. Nanay iyon ni Lily?

Umalis na ako sa lugar na iyon at pumunta sa garden.





Anong nangyayari?

7 Days Of Being Torpe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon