Wednesday
Pagpasok ko sa gate, isang masamang tingin ang pinukol ni guard sakin. Ngumisi lang ako tsaka tuluyang pumasok.
Napatingin ako sa harap nang marinig ko ang boses niya.
Sinundan ko sila. Doon ko napagtanto na sa mga locker pala sila papunta. Shit. Kinakabahan ako. Pagbukas ng locker niya nakita kong napakunot ang noo niya at lumingon sa paligid. Tumakbo ako. Nakakahiya.
Nakarating ako sa classroom na hingal na hingal.
"Oh Ivan san ka galing at parang tumakbo ka ng marathon?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko na si Junie.
"Ah wala." Sagot ko nalang at dumiretso sa upuan ko.
Ano kaya ang nangyari pagkatapos niya mabasa ang sulat ko?
Nagustuhan ba niya?
Tinapon ba niya?
Di ko alam.Naglesson na ang guro ngunit di ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Lumilipad nanaman ang diwa ko.
Lunch na. Naglalakad ako kasama ng mga katropa ko papunta sa canteen.
"Ay sorry miss." Ani ng kaibigan ko na si Cedric.
"Okay lang." Nang narinig ko ang boses niya agad akong napalingon.
Hawak hawak ngayon ni Cedric ang braso niya. Naiinis ako. Naiinis ako dahil nagseselos ako. Tangina. Mabilis akong umalis doon at imbes na dumiretso sa canteen ay dumiretso ako sa garden at umupo sa isang bench.
"Ang torpe mo kasi." Bigla akong napalingon sa pamilyar na boses na yun.
"Tch. Ba't ka nandito?" Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo pre, di makakatulong ang pagiging torpe mo. Lapitan mo siya, ligawan. Ganun! Wag kang matakot na ma-reject, parte yun sa buhay natin. Di mo naman kasi sinusubukan eh, pinapangunahan mo agad." Seryosong tugon niya, "Tumulad ka sakin, tignan mo, dami kong chix."
Napangiti nalang ako sa kalokohan ni Fred.
"Make a move pre. Dyan ka nalang gutom na ako." Aniya sabay tapik sa braso ko. Tumango nalang ako sakanya bilang sagot.
Napabuntong hininga nalang ako. Siguro tama nga si Fred, di makakatulong ang pagiging torpe ko. I should make a move. Pero paano? Natatakot nga ako na baka ma-reject ako.
Pag-uwi ko agad akong nagsimula na sumulat ulit para sakanya. Bahala na.
