Celestine
"Shine, celestine apo tara na dito at mag-aalmusal na." Tawag saamin ni grandma pangalawang araw palang namin dito sa U.S. at ipinasok kami ni lola sa hospital na pag mamay-ari ni tita lyn kapatid ni daddy, wala siyang asawa, wala ring anak pero mabait siya dedicated kasi siya sa pagpapatakbo ng ospital tulad namin ni shine doctor din siya.
"Celestine, pupunta tayo sa o.b mamaya." Anas ni tita lyn. Alam na nila ang tungkol kay nate sa batang dinadala ko. Nagalit kasi sila nung nakita nila akong puro pasa maging si lolobay galit na galit din gusto pa nilang idimanda si nate. Matapos kami kumain ay nakatanggap kami ng tawag galing sa hospital na dati kong pinagtatrabahuhan.
"Ms. Celestine, may naghahanap po sainyo rito." Batid kong na reception ito galing.
"Sino raw?"
"Nate collins po. Dalawang araw na po siyang pabalik-balik rito kaya naisipan naming tawagan nalang kayo." Napapikit ako. Ano pa bang kailangan niya?
"Hand the phone to him."
"Tine babe, asan ka na dalawang araw na kitang hinahanap." Boses ni nate ito.
"Nate, hindi pa ba malinaw ang lahat sayo? Wala na tayo palayain mo na ako."
"Ayoko hindi ko kayang wala ka."
"Nate, ayo---" hindi ko na natuloy ng hablutin ni lolo ang phone.
"Can you please leave celestine alone, nahihirapan na sayo si celestine. Parang awa mo na pabayaan mo na ang apo ko." Sabay baba ni lolo ng tawag. Humarap naman saakin si lolo.
"Apo, alam kong siya ang ama ng magiging anak mo, sana maawa ka sa sarili mo at sa batang yan."
"Opo lo." Tumango nalang saakin si lolo.
"Oh siya magbihis ka na at pupunta kayo ngayon sa o.b." nagtungo ako sa kwarto at nagbihis. Matapos ay sumunod na ako kay tita sa kotse niya. Nagpaiwan si shine tutulungan niya daw sila lola sa bahay. Itinuring narin nila lola at tita si shine bilang isang tunay na kapamilya.
"Mamaya pagpasok mo sa hospital ikaw nga ang tumingin kay mr. Slade, ikaw kasi ang nirecomend kong maging doctor niya." Tumango naman ako kay tita. Tahimik lang ang biyahe namin tsaka nagsisimula narin ang pagsusuka ko at pagkahilo. Medyo kinakabahan pa ako nung nakarating kami sa o.b. baka kasi kung ano nang nangyare sa baby ko itinulak pa naman ako ni nate sa hagdan.
"Thank God walang nangyaring masama sa baby mo iha, malakas ang kapit niya at ayaw niyang bumitaw sayo. You are one month pregnant so kailangang doble ingat ahh. Kumain ka rin ng healthy foods. You're a doctor alam mo na ang dapat mong gawin at yung mga bawal." Tumango ako. Matapos ang check-up ay dumiretso na kami sa hospital karating lang din ni shine.
"Ma'am celestine, mr. Slade is in your office." Anas saakin ng secretary saakin.
"I'll be there in a bit." Nakangiti kong sabi. Saglit pa akong nagbilin sa mga nurse sa station bago pumunta sa office ko. Pagpasok ko sa office ay may nakita akong isang gwapong nilala na naka-upo sa sofa ko.
"Good morning, mr. Slade." Bati ko ngumiti siya saakin.
"Doctor blair right?" Naka kunot noong tanong niya.
"Ah yes." Pinaupo ko siya sa upuan sa harap ng table ko.
"Monthly check up?" Tumango siya. Inuna kong icheck ang blood pressure niya at iba pang dapat icheck.
"You're pretty well mr. Slade."
"Thank you doctor. Call me gabriel or jade. Masyado kang formal." Halos kuryentehin ako nung ngumiti siya. Grabe ang gwapo niya sobrang gwapo niya.
"Okay, call me celestine mag kasing edad lang naman tayo ehh." Natawa kami. Magaan ang loob ko kay jade mukhang mabait naman siya ehh. Paano ko nalaman na nagkasing edad lang kami nakita ko duon sa papel na nakalapag sa table ko.
*knock*knock*
Bumukas ang pinto at iniluwa non si shine na nagche-check ng chart.
"Oh another beautiful doctor." Napahawi tuloy ng buhok si shine.
"Tine, icheck mo nga tong chart nitong patient na to mukhang may kulanh eh." Kinuha ko naman yung chart at tinignan yung sinasabi niyang kulang.
"Kulang ng x-ray result tsaka yung mri kunin mo nalang sa station dun sa ward." Tumango naman siya.
"Tine, alis na ako ah." Tumango ako at bumaling siya kay jade.
"Excuse me sir." Tumango si jade sakanya.
"Maybe doctor shine and my cousin will be great couple." Wow ah.
"Oww hahaha maybe." Ngumiti ako.
"Celestine, are you free tomorrow night?" Tinignan ko ang schedule ko, wala namang gagawin bukas mag rarounds lang ako.
"Yes why?" Tanong ko.
"There's a little celebration at our house maybe that pretty doctor and you may come."
"Ay wag na nakakahiya naman. Wala naman akong kakilala dun eh." Medyo natawa siya.
"Okay lang yun birthday lang naman yun ng anak nung maid namin ehh." Eh? Ang bait naman pala niya ehh.
"So are you coming?"
"Yeah sure." Ngumiti siya ng malawak.
"Okay I'll fetch you at your house. Ms. Lyn blair gave me your address." Grabe naman pala si tita eh.
"So, see you later?" Anas niya nang may ngiti sa labi.
"See you later." Sabay alis niya. Grabe kinikilig ako sakanya ewan ko ba pero pakiramdam ko mahuhulog ako sakanya.
Gabriel jade
Hindi maalis sa isip ko ang ngiti niya. Pakiramdam ko na love at first ako sakanya. Mabilis akong nagtungo sa bahay at tinawag si rayver. Rayver is my trusted secretary, dati na siyang secretary ni daddy bago siya mamatay silang dalawa ni mommy.
"Rayver, I want you to investigate doctor celestine blair's background. Ibigay mo saakin lahat ng resulta sa friday I want it right away."
"No problem sir."
Ewan ko pero bigla nalang akong tinamaan sakanya kanina nung hinawakan niya ako halos mangisay ako sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
"What a wide smile jade?" Asar ni gabby na kararating lang.
"Is it that wide?"
"Obviously yes." Tumango-tango pa siya.
"Hey gabby, I met a pretty doctor named shine, and I bet you must be a great couple." Napangiti siya at umiling.
"Whatever you say jade." Sabay alis niya at umakyat.
***********
Mahuhulog kaya si doktora celestine kay mr. Slade? Matatanggap naman kaya ni mr. Slade and buong pagkatao at kwento ni celestine?
Tunghayan sa mga susunod na yugto.
TO BE CONTINUED
Ps: sorry po sa mga typo, kulang, wrong grammar, at wrong spellings.
Hope you read it.
BINABASA MO ANG
SWEET LIES
RomanceAno nga ba ang SWEET LIES? In tagalog matatamis na kasinungalingan. Pero para sainyo ano nga ba ang sweet lies? Para saan ba ang sweet lies? Para mahulog ang taong gusto mo sayo? Kung sweet lies bakit kailangang kasinungalingan pa pwede namang tot...