CHAPTER 9

29 0 0
                                    

CELESTINE

Kamusta na kaya si nate? Yan ang tanong sa isip ko ngayon wala na kasi akong balita sakanya mula nung huli kaming magkausap, syempre kahit na wala na kami meron parin akong care para sakanya siya kaya ang ama ng anak ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Reception calling...

Ano nanaman kayang meron? Kinuha ko ang cellphone ko sinagot ang tawag.

"Hello?" Panimula ko.

"Hello po doc celestine?"

"Yes speaking."

"Ma'am andami na pong naghahanap sainyo rito sa ospital ayaw po nilang maniwala na wala na kayo rito pati po si sir nate laging bumabalik rito." Nasapo ko ang noo ko talagang hindi ako tinigilan ni nate ahh.

"Sabihin niyo nalang sa guard."

"Ayaw talaga nilang umalis ma'am. Ito po kasi yung pinatrend ni sir nate at yung reward na 50k sa makakahanap saiyo."

"Sabihin niyo sa management para hindi na kayo mahirapan." Sabay baba ng tawag. Bahala ka na sa buhay mo nate, ayoko na nakakapagod na.

Nandito ako ngayon sa mall gusto ko lang magchill day off ko naman sa hospital ngayon ehh kaya time ko to para sa sarili ko. Hindi ko na aasahan si shine na sumama saakin dahil bantay sarado sakanya ang pinakamamahal niyang boyfriend. Speaking of boyfriend hanggang ngayon wala parin ako two months na ang tiyan ko at nagsisimula ng umumbok iyon. Si jade busy sa office kaya hindi ko kasama ngayon.

Nandito ako ngayon sa isang cafe nagbabasa ng dyaryo, bigla nalang naagaw ang atensyon ko nung mabasa ko ang pangalan ni jade, nakasaad dito na nakatanggap nanaman siya ng award? Nanaman? So ibig sabihin marami na siyang natanggap dati at siya pa ang nangunguna sa lahat, medyo nagulat lang ako kasi wala naman siyang sinasabi saakin eh but I'm proud of him, he deserve that award. Nung matapos ako sa cafe ay namili ako, namili lang ng gamit ng baby mga lampin, milk bottles etc saka na siguro ako bibili ng crib pag malapit na siyang lumabas.

*vibrates*

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag si shine lang naman yun ehh.

"Bruha ka asan ka?!" Natatarantang anas niya eh ano nanaman kayang problema nito?

"Sa mall teka nga ano bang nangyayari maka-sigaw wagas ah."

"Umalis ka jan!"

"Bakit?!" Medyo tumaas na rin yung boses ko.

"Nandiyan si nate may project sila jan hindi ka niya pwedeng makita. Sabi ni gabby nandiyan daw si jade sa second floor sa Oakley." Eh? Saan nanaman nahagilap ni shine yan? Magtatanong pa sana ako pero ibinaba na niya. Maya-maya ay may narinig akong pamilyar na boses at kilalang-kilala ko ang boses na yun, boses lang naman kasi ni nate yun.

"Tine?" Ayan na patay na. Naglakad ako papuntang escalator papuntang second floor, nandito kasi ako sa department store mabuti nalang paglabas ko ay stall na ng Oakley.

"Celestine?" Rinig ko parin si nate pero pinilit kong wag siyang pansinin. Saktong paglabas ko ay nakalabas na siya ng stall pero medyo malayo parin ako.

"Jade," tawag ko pero hindi niya ako narinig, patuloy parin siya sa paglalakad habang ako ay hinahabol siya, alam kong buntis ako pero kailangan kong takasan si nate baka pagnaabutan ako niyan patay na balik pilipinas nanaman ako.

"Gabriel jade," tawag ko napahinto siya at luminga sa paligid pero hindi niya ako nakita nagpatuloy parin siya sa paglalakad habang ako ay humahabol parin.

"Celestine, ikaw ba yan?" Mas malapit na ang boses niya ngayon mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Gabriel jade," medyo malakas na yung pakakatawag ko kaya huminto siya at lumingon sa likuran niya, may kasama siyang bodyguard kaya hindi niya ako nakita agad.

"Jade," muling tawag ko at sa wakas nakita na niya ako.

"Tine," mabilis ko siyang niyakap at medyo napahikbi.

"Tine, why are you crying? Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"Jade," mas napahikbi pa ako.

"Jade, his here, he's after me."

"Who?"

"Nate. Nate is here." Niyakap ako pabalik ni jade.

Dug... dug... dug...

Yan ang puso ko ngayon nung yakapin ako pabalik ni jade.

"Alright, stop crying." Umalis ako sa pagkakayakap sakanya at mabilis naman niyang pinahid ang mga luha.

"Stop crying, come on." Hinawakan niya ang kamay ko at tumigil naman ako sa pag-iyak.

"Come on let's go." Bumaba kami ng building at nagtungo sa parking lot.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nung makitang mag-iba kami ng dereksyon pahiwalay sa mga body guard niya.

"Sa kotse ko." Maya-maya ay bumungad saamin ang isang lykan hypersport, edi siya na talaga ang mayaman.

"Sa susunod wag kang tatakbo ah baka mamaya madulas ka o kaya mapano ka ay nako mahirap na." Anas niya ng umandar ang kotse at lumabas ng mall.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Bumili lang ako ng salamin pang regalo, birthday kasi ni rayver sa saturday." Sino si rayver?

"Who's that?"

"My trusted secretary."

"Are you that rich?" Yun nalang ang naitanong ko.

"I don't know trabaho lang ako ng trabaho at pinapalago ang sinimulan ng parents ko."

"Asan ba ang parents mo?"

"They both die at a plane crush going to japan to attend some business meeting but suddenly an engine failure strikes and at the end they didn't survive. Sa mga araw na yun nag simula na akong mag training kaming dalawa ni gabby and so on ako na ang nagmanage ng lahat." Napatango ako.

"You are lucky then," ngumiti siya saakin.

"Then you are blessed." Me? Blessed? Impossible.

"No I'm not."

"Yes you are. You are bearing a child and that's a blessing." Oo nga naman tine blessing kaya yang anak mo kahit na gaano pa kasama ang ama niyan.

"Take a sleep tine medyo mahaba pa ang byahe natin."

-----------------

Nagising nalang ako nung naramdaman kong huminto ang kotse, pagmulat ng mga mata ko ay tumambad saakin ang napakagandang tanawin sea side siya tumingin ako sa tabi ko pero wala si jade, napagisipan kong bumaba at maupo sana sa harapan ng kotse niya nung mapansin ko siyang nakaupo sa buhangin sa gilid ng driver's seat. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya.

***************

TO BE CONTINUED

SWEET LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon