CHAPTER 10

33 0 0
                                    

CELESTINE

"Bakit jan ka umupo?" Nagkibit balikat siya.

"Pag nandito ako mas gusto ko dito ako nakaupo."

"Bakit?" Nagkibit balikat lang siya saka tumayo, inilahad niya ang kamay saakin na agad ko namang tinanggap.

"Saan tayo pupunta?"

"Jan lang sa harap ng kotse ko." Tumango naman ako at lumakad patungo sa harap ng kotse saka naupo duon.

"Ang ganda dito noh." Tumango ako. Totoong maganda ang lugar na to mga alon na tumatama sa mga bato at yung papalubog na araw at kulay yellow orange na kalangitan.

"Have you ever experience this kind of moment." Umiling ako. Hindi pa naman kasi talaga, noong kami pa ni nate never niyang ginawa saakin ang dalhin dito and yung masurpresa at mabigyan ng bulaklak, kay jade ko lang naranasan ang ganito at kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon, I never felt this kind of feeling before and I think I'm falling for jade even more.

"Hindi ka ba dinadala ni nate sa ganitong lugar noon?"

"No, ikaw palang ang nagdadala saakin sa ganitong lugar thank you jade." Ngumiti siya, yung magandang ngiti.

"You're welcome." Nagkatitigan kami ni jade sa mata ng isa't-isa. Sa mata palang niya nakikita kong masaya siya. Lumapit siya saakin ang claim my lips, nabigla ako sa ginawa niya, pumikit ako at ginantihan siya ng halik hinapit niya ako papalapit sakanya at mas hinalikan pa. And again my heart is beating fast and I never felt this feeling.

Naghiwalay ang labi namin at nagka-ilangan nag-iwas siya ng tingin at pinanood na lamang ang papalubog na araw.

"I'm sorry." Hindi siya makatingin saakin.

"It's okay, nothing to worry about." Ngumiti siya saakin yung magandang ngiti, nagiwas siya ng tingin at napahawak naman ako sa labi ko. Oh my g a kiss for the person I love hihihi pabebe lang.

"Are you hungry?" Tumango ako medyo nag rurumble na kasi ang sikmura ko kanina mukhang gutom na ata si baby.

"What do you want to eat?"

"Siguro bumalik na lang tayo sa mall."

"Baka nanduon pa si nate."

"Okay lang nandiyan ka naman eh, kampante ako pag kasama kita feeling ko no one can hurt me." Ngumiti ulit siya, yung ngiting nakakalusaw. Sumakay kami ng kotse at muling nagtungo sa mall, medyo mahaba din ang naging byahe namin pero hindi nakakaboring. Nung makarating kami sa mall ay pinagsuot niya ako ng face mask at pinagbuksan narin ng pinto mas kinilig ako nung ikinawit niya sa braso niya ang kamay ko nakaramdam ako ng pag-init ng mukha na pilit kong itinatago.

"Jade, wag tayo jan." Napaatras kasi ako nung makita ko si nate sa loob nun kumakain at may kasamang mga katrabaho.

"It's okay, hindi ka naman nila makikilala ehh." Sabay hawak niya sa kamay ko. Habang papasok kami ay pinagtitinginan si jade at ako siguro dahil sa hitsura ni jade at sa suot kong face mask.

"Are you nervous?" Tumango ako. Pinaupo kami dun sa bandang likod nila nate pero sa right side sa left side kasi sila nakaupo.

"Wait right here." Tumango ako kay jade at umalis naman siya nagtungo siya sa banyo, napatingin ako sa table nila nate at laking gulat ko nung nakatingin silang lahat saakin, agad akong binalot ng kaba at pinagpawisan.

"Diba si celestine yun?" Rinig kong sabi ng kaibigan ba niyo to o kaopisina?

"Oo nga tol so celestine yan." Ang tatalim ng tingin nila saakin.

"Tol lapitan mo bilis si celestine yan." Tumayo naman yung isang kasama niya at hinila-hila siya. Jade ang tagal mo naman asan ka na ba?
Maya maya ay nilapitan ako nung kasama niya at naglahad ng kamay.

"Hi miss, pwedeng maki-upo?" Tumango ako.

"Is your name is celestine blair?" Umiling ako. Jade asan ka na ba?

"Are you kidding me?" Umiling ako. I'm totally out of words right now ano namang sasabihin ko sa mga tukmol nato?

"Tine," para akong kinuryente ng marinig ang boses ni jade ano bang trip neto at tinawag akong tine?

"Celestine," boses naman ni nate. Tumabi saakin si jade at inakbayan ako.

"Her name is kristine." Nakahinga ako ng maluwag sabay napayakap nanaman kay jade, kinakabahan talaga ako ehh natatakot din.

"Here's your order sir." Naramdaman kong tumango si jade at narinig ko naman ang kalukos ng upuan siguro ay umalis na yung kasama ni nate.

"Jade, I'm scared." Bulong ko sakanya.

"Don't be scared I'm here right beside you." Nakahinga ako ng maluwag. Umalis ako sa pagkakayakap sakanya at nagsimulang kumain habang sila nate ay nakatitig parin saakin.

"Ignore them." Simpleng sabi ni jade pero binabagabag parin ako ng kaba sa katotohanang makilala ako ni nate at sa takot na malaman niyang buntis ako at siya ang ama.

"Dessert?" Tanong niya nung matapos kaming kumain umiling lang ako.

"Bakit parang buntis siya?" Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay jade pero ngumiti lang siya saakin.

"Hindi si tine yun kamukha lang." Medyo tumaba kasi ang mukha ko kaya siguro ay hindi nila ako maalala. Ako lang naman yung pinagtulungan niyong bugbugin noon.

"Si tine yun promise."

"Eh ano naman kung si tine yun? What's the big deal? Basura lang si celestine, basurang binaboy pa ni nate." Hindi ko maiwasang hindi maluha. Biglang tumayo si jade at lumapit sa nagsalita kanina at mabilis na sinutok ito sa mukha. Napatayo ako at pinigilan siya.

"Kung basura si celestine ano ka pa?!" Sigaw ni jade na ikinagulat nilang lahat.

"Sino ka ba?!" Sigaw nung lalaki kay jade.

"It doesn't matter who I am." Nagulat ako nung hablutin ni nate yung mask ko.

"Celestine," agad niya akong niyakap at itinulak ko naman siya, umakap ako sa braso ni jade.

"Celestine, please bumalik ka na saakin hindi ko kayang wala ka." Lumuhod siya sa harapan ko habang ako ay lumuluha na at nasa likuran ni jade.

"Ayoko na nate, masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon please lang tigilan mo na ako." Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko iyon.

"I won't give up on you celestine."

"You have kate, you have all you wan't, you don't need me."

"I need you celestine. I'm sorry, I'm really really sorry." Umiiyak na rin si nate pero wala akong pake-alam na trauma na ako sakanya.

"You don't need me nate, you have kate, you have your friends, you have everything you want."

"Your all I want celestine."

"Someday, you will find the one for you but definitely not me." Hindi na siya nagsalita.

"Come on celestine," anas ni jade at inalalayan ako pabalik sa pwesto namin. Niyakap ko si jade at tsaka humagulgul sa balikat niya, wala akong pake-alam kung may makakita saamin ang gusto ko lang ay humagulgul.

*************

Paano na to? Nagkita na sila nate at celestine pero alam kaya ni nate na buntis si celestine sa anak nila?

TO BE CONTINUED

SWEET LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon