CHAPTER 8

27 0 0
                                    

CELESTINE

Two months na ang tiyan ko at medyo umuumbok na siya, nagsisimula narin ang cravings ko thank good at lagi akong binibisita ni jade at sa loob ng dalawang buwan na kasama ko siya ay hindi ko maitatangging nahulog ang loob ko sakanya. Paano ko nasabi? Kasi ito yung pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman noon even kay nate. Nandito ako ngayon sa office ko sa hospital hinihintay si jade para sa monthly check-up niya. Sa loob ng dalawang buwan ay ramdam kong binabago ako unti-unti ni jade, nakikita ko ang totoong mundo na kung saan ay lahat balanse, may mahirap may mayaman, may malungkot, may masaya, the world is fair, walang unfair pero minsan diba nagtatanong tayo na bakit ang sama-sama ng mundo saatin? Yun dahil fair siya dahil hindi lang naman ikaw ang nagtatanong niyan marami kayo.

*knock*knock*

Tumayo ako at pinagbukasan siya ng pinto, pagbukas ko bumungad saakin si jade na nakangiti bumeso siya saakin ganyan kami ni jade ngayon hehehe super close na.

"Dapat hindi ka na tumayo mapapagod ka pa ehh." Inalalayan niya ako papaupo sa sofa.

"Sus magbubukas lang ako ng pinto mapapagod na?"

"You are pregnant tine so kailangan doble ingat tayo ah." Tumango ako sakanya at sinimulan na ang checheck-up sakanya.

"How are you feeling this past few days?" Tanong ko.

"Fine, nothing strange." Tumango nalang ako at tinapos na ang check up dahil ako naman ang sunod na magpapa check up hehehe masyado kasing maingat si jade saakin ewan ko kung bakit? Hindi ko tuloy maiwasang maging assuming, feeling ko may gusto siya saakin hehehe.

"Jade, gusto ko ng ice cream yung melona." Tumango siya saakin. Nagtungo kami sa .o.b. gyne.

"Doc tine, ang alam ko bukas pa ang check up natin ah."

"Eh doc excited po kasi tong si jade kala mo siya ang manganganak." Ngumuso si jade.

"Eh magiging anak ko rin naman yang batang yan kaya excited ako." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya ganyan rin siya ngayon isip bata na assuming pa kala mo kanya to.

"Halika na nga doc ultrasound tayo." Natatawang sabi ni doc may, siya kasi ang .o.b. ko. Nahiga ako sa kama at itinaas ang blouse ko habang si jade ay hinawakan ang kamay ko at tumingin sa monitor. Nilagyan ng gel ang tiyan ko saka iminove sa taas noon ang machine. Napangiti ako ng makita ang baby ko sa monitor kahit na maliit palang siya ay excited na akong lumabas siya at masilayan ang mundo.

"Ayan si baby yung heart beat niya lumalakas na doble ingat tine ahh bawal mapagod at ma-istress kumain din ng mga health foods." Tumango ako. Nang matapos ang check-up inuwi na ako ni jade sa bahay, Nagulat pa kami kanina nung makita si gabby at shine sa baba.

"Ano nanaman? Saan nanaman kayo nang galing?" Nangunot ang noo ko ang sweet-sweet kasi nila.

"Sa park lang nag bonding." Don't me shine kitang-kita sa ngiti mong nagdate kayo ni gabby, mabilis ring gumalaw tong si gabby ah nakuha agad ang puso ni shine.

"Tigilan mo nga ako shine, asan sila lola?" Nagkibit balikat siya.

"Pagdating kasi namin kanina wala sila baka nagshopping lang o kaya nasa kompanya niyo." Naghikab si gabby at iniunat ang kamay saka iniakbay kay shine, aba aba hokage ahh.

"Inaantok na ako, tara na matulog na tayo baby shine." Paglalambing ni gabby something fishy is going around here huh.

"Alam mo gabby, imbis na mangbabae ka jan pumasok ka sa office at tambak na duon ang paper works mo." Siniko naman ni shine si gabby.

"Sinabi ko bang wag kang pumasok? Pasaway!" Anas ni shine sabay walk out.

"Ikaw talaga jade wala kang magawang matino, mag-asawa ka na nga." Natawa lang si jade sa inasta ni gabby. Umalis naman si gabby at sinundan si shine. Naupo kami ni jade sa sofa.

"Kailan mangsisimula ang maternity leave mo?" Tanong saakin ni jade.

"Pag five months na siguro si baby." Tumango siya. Maya-maya ay lumbas na sila shine at naupo sa kabilang sofa.

"Aba shine ang bilis mo naman atang bumigay ngayon? Hindi ka naman ganyan kay ace ah." Ex niya kasi si ace hahaha sumama tuloy yung mukha ni gabby, so hindi alam ni gabby ang tungkol kay ace?

"Sino naman si ace?" Pinandilatan ako ni shine.

"Sino sabi yun eh?!" Hala galit na si gabby hahaha ang epic ng mukha niya.

"Ex niya yun don't tell me hindi mo alam? Naging mag-on kayo tapos wala kayong sabihan ng past."

"Alam ko yung kay gabby pero hindi ko pa nasasabi yung akin." Palusot naman ni shine.

"Kailan mo balak sabihin saakin pagmalapit na tayong maghiwalay?" Inis na sabi ni gabby, umakap naman sakanya si shine at mabilis na hinalikan ito sa labi.

"Bakit ko pa sasabihin sayo eh ikaw na ang mahal ko hindi na siya." Lumambot naman ang ekspresyon ni gabby pero pinanindigan niya ang kunyaring pagtatampo niya hahaha gusto niya lang ng halik ehh.

"Ewan ko sayo." Sabay iwas ng tingin.

"Ano bang gusto ng baby ko para mawala na ang pagtatampo." Ngumisi si gabby at tumingin kay shine na nagpapacute.

"Anong gusto ko? Magkaroon na tayo ng baby para akin ka na talaga." Umalis si shine sa pagkakaakap sakanya at nagpunta sa tabi ko.

"Ayy sige magtampo ka nalang." Natawa kaming dalawa ni jade dahil sa sinabi niya at sa ekspresyon ni gabby ang hirap kasing ipaliwanag eh poker face na ewan.

"Ayoko pang magka-anak hangga't hindi pa ako kasal." Tumayo si gabby at hinila si shine palabas ng bahay, hay nako mag sosolo lang yung dalawang yun ehh.

"Speaking of baby anong ipapangalan mo sa baby mo paglabas?" Eh? Excited lang! Wala pa nga eh pero ano nga ba? Isusunod ko ba sa pangalan ko kay nate? Ay wag na kay nate baka makahalata pa ehh.

"Any suggestions?"

"Kung ako ang tatanungin gusto ko kasunod ng pangalan ko." Anak niya ba to? Yung totoo jade.

"Eh ano nga?"

"Gabriella jaydee."

---------------------------

Pangalan pa lang ng baby alam na hehehe ano naman kaya ang balita kay nate?

TO BE CONTINUED

SWEET LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon