CHAPTER 6

36 0 0
                                    

Celestine

"Bruha ka ahh mukhang tinamaan ka ata kay mr. Slade." Ay nako ka shine, ewan ko sayo hindi ko lang masabi na bagay sila nung pinsan ni jade.

"Pero pwera biro, kung manligaw siya sayo papayag ka ba? Sasabihin mo ba yung nakaraan mo at yung mga nangyari sayo?" Napatahimik ako.

"Depende kung kaya niya akong tanggapin." Nagkibit balikat nalang si shine at nagfacebook sa cellphone niya.

"Tine, trending ka na sa facebook si nate nag post hinahanap ka." Napatingin nalang ako sa phone niya at ganon nalang ang gulat ko nung makita yun.

"Burahin mo. As if naman kasing mahanap niya ako dito."

"Bruha ka may pabuyang 50k sa makakahanap sayo."

"Hayaan mo siya, hindi niya ako mahahanap. As if naman mahagilap niya ako sa pilipinas." Sabay iwas ko ng tingin. Asa naman siyang babalikan ko siya no way, ayoko ng maging punching bag.

"Tara na nga baka may kailangan pa tayong ayusin. Nga pala shine mag-ayos ka ahh inimbatahan tayo ni jade sa party nila mamaya." Nagkorteng puso ang mata niya.

"Talaga?"

"Oo nga kaya tumayo ka na jan tapusin na natin ang trabaho natin." Bumalik na kami sa kanya-kanyang mga office at tinapos na and dapat tapusin.

--------------------------

"Tine, shine, nandito na yung sundo niyo." Mabilis na tinapos ni shine ang pag-aayos ng marinig iyon. Naka simpleng dress lang ako at flats.

"Tine, bilisan mo naman."  Anas ni shine habang hinihintay ako nung matapos ay lumabas na rin kami. Pagbaba palang ng hagdan ay bumungad na saamin si jade at may kasamang lalaking kasing guwapo niya.

"Good evening ladies." Bati nilang pareho.

"Good evening din."

"By the way this is gabby my cousin." Bumaling kami sakanya.

"Hi," bati ko.

"You must be doctor celestine blair?" Formal niya naman.

"Ah yes. By the way this is shine." Nagkamay naman sila.

"You look beautiful doctor shine." Grabe parang titili na si shine grabe kung makakapit saakin ehh.

"So let's go?" Inilahad  saakin ni jade ang braso niya at agad ko namang tinanggap. Paglabas ng bahay ay bumungad sakin ang isang Mclaren P1 LM at isang ashton martin valkyrie ito yung mga bagong model ng mga sports car so mayaman pala sila?

Lumapit kami sa isang ashton martin, pinagbukasan ako ng pinto ni jade at medyo naghesitate pa akong pumasok pero sa huli ay pumasok rin ako heheheh pabebe lang.

Smooth lang yung takbo nung kotse at maingat din mag drive si jade medyo pinabagalan ko kasi nahihilo at medyo nasusuka ako.

"Okay ka lang?" Tumango ako.

"Ashton martin valkyrie 2017 model worth of $3 million."

"Do you love cars?"

"Not really but I do acknowledge them. The other one is mclaren P1 LM worth of 3.7 million dollars. The engine which the gold surrounds in 3.8-liter twin turbo v-8." Hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Na amaze ako sa magandang pagkakagawa nito mas malaki pa nga ito sa mansyon namin sa pilipinas eh mas malaki rin sa bahay nila lola. Pinagbuksan niya ako ulit at inalalayan ako pababa. Mas na amaze pa ako ng makita ang interior designs ng mansyon na yun. Ang ganda fully furnished pa.

Lumapit kami sa nagkukumpulan at duon nakita ko ang isang mahabang lamesa na punong puno ng pagkain at sa pinakadulo nito ay may batang nakaupo bigla ko tuloy na-alala ko yung magiging baby ko pero may napansin ako sa bata ubo ng ubo at parang nilalagnat pa. Naglean ako kay jade at bumulong.

"Jade, can I check her later?" Nagtatakang tumingin saakin si jade.

"She's not well."

"She's not really okay she has a fever and a cough." Pero hindi parin ako nakampante. Nagkantahan ang lahat at nung matapos ay nilapitan ko yung bata at chineck.

"Inhale, exhale." Sumusunod naman yung bata at dito ko napagtanto na mataas pala ang lagnat niya at malalang pag-ubo maybe it's pneumonia.

"Jade, kailangan niya ng x-ray baka lumala yung pneumonia niya." Tumango naman si jade. Hinawakan nung bata yung kamay ko, napatingin ako sakanya.

"Thank you, I feel like I'm dying days past." Mahina kong tinapik tapik nag ulo niya hanggang sa makatulog siya. Tumayo ako at nakipag kwentuhan kay jade when all of a sudden I felt something weird down to my stomach, that cause me to run to the bathroom. Ayan na nagsisimula na ang pagsusuka ko agad naman akong sinundan ni jade. Hinahagod niya ang likuran ko.

"Are you okay?" Tumango ako at hinugasan ang bibig ko at bigla nalang akong nakaramdam ng hilo buti nalang ay nasalo niya ako at binuhat patungo sa garden. Iniupo niya ako sa bench.

"How are you feeling? Wait a minute." Umalis siya at nung pagbalik meron ng baso ng tubig.

"Are you pregnant?" Napaluha ako at humikbi.

"Napaka-hirap jade sobrang hirap."

"I don't understand you." Kunot noo niyang anas.

"Pag sinabi ko ba sayo ang nakaraan ko matatanggap mo parin ako bilang kaibigan?" Hindi siya kumibo.

"I wan't to know." Bumuntong hininga ako at sinumulang mag kwento habang humihikbi habang siya ay patuloy lang sa paghagod ng likuran ko.

"Nagsimula ang lahat nung namatay ang daddy ko turned out to be pinapatay siya. Nung namatay siya sumama sa iba ang mommy ko kinuha nila ang lahat saakin the company, the property, my money everything that my father hardly built. Sabi ko sa sarili ko noon babawiin ko ang lahat sakanila pag nakaahon ako sa kahirapan but suddenly I met nate naging boyfriend ko siya pero sinasaktan niya ako itong mga pasang nakikita mo ngayon sa mukha, sa braso, sa katawan ko galing lahat sakanya before he got me pregnant binugbog nila ako silang lahat ng mga kabarkada niya at yung gabing yun pwersahan niya akong ginalaw lumaban ako pero mas malakas siya. Three days ago bago ako napapunta dito nagalit siya saakin at inihulog niya ako sa hagdan pero hindi niya alam na buntis ako. Ngayon jade tanggap mo pa ba ako?" Ngumiti siya saakin at niyakap ako. Sabay hagod sa likuran ko, nakaramdam ako nang kuryenteng dumaloy sa buonv katawan ko.

"Oo tine, tanggap na tanggap kita. Naging ano ka man, kahit na masyadong malalim ang nangyari sayo tanggap kita, tanggap na tanggap kita." Lalo akong napahikbi at niyakap siya pabalik.

******************

Tanggap naman pala ni jade si tine eh pero ang tanong jan magiging sila kaya?

TO BE CONTINUED

SWEET LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon