CHAPTER 15

25 0 0
                                    

CELESTINE

"Ang dami naman nito jade." Reklamo ko nung ipagawa niya saakin ang paper works na dapat ay gagawin ni gabby.

"You already accomplished you're training so what's bad for reviewing the results kung sa pag do-doctor na gawa mong pag-aralan ang napakaraming parte ng katawan, so what's wrong in reviewing some paper works." Nakangisi niyang anas habang ako ay naiinis na at inis na inumpisahan ang gabundok na folder.

"Okay, okay, so anong gagawin mo?" Mas lumapad ang ngisi niya.

"I'm going home and play with our jaydee." Aba talagang nang-asar pa ahh. Nandito ako sa napakataas na gusali at napaka laking opisina ni jade.

"Neoneun mid-eul su eobsda, hon." Nangunot ang noo ni jade. Ay nako napaka-bad influence talaga niyang si shine na-adik tuloy ako sa kdrama.
(Translation: you're unbelievable, hon.)

"Huh?"

"Nothing," umiling siya at kinuha ang coat sabay halik saakin at umalis. Mamaya kalang talaga sakin jade, five months na si jaydee, kakatapos lang ng fifth month celebration niya kahapon at saktong free day ko dahil bumait ata si jade at pinagbigyan akong makasama si jaydee.

*knock*knock*

Bumukas ang pinto at inuluwa nun ang malanding sekretarya ni gabby na may gusto kay jade! Huh! Akala mo kung sinong maganda kala mo naman papatulan ni jade, well sorry siya si jade lang naman ang ama ng anak ko kahit hindi naman talaga sakanya hihihi. Anyway bago pa ako malayo, teka nasaan na nga ba ako? Ay oo ayun. Well sorry ka ms. Higad na labas na ang singit ayaw sayo ni jade dahil sa simula't sapul akin na siya, ako ang first girlfriend at soon to be wife char! Assuming, wala feel ko lang matawag na wife. Kaya ateng sekretaryang higad wag kang assuming! Tsupe! I don't need a parasite in my boyfriend s life! Shoo!

"Well, pinapahirapan ka pala ng asawa ko." Kung maka-asawa naman to akala mo kung sino, well kung hindi mo alam ako lang naman ang ina ng anak niya.

"Why do care anyway?" Nakatuon ang tingin ko sa folder na nirereview ko.

"Cause someday, I'll be the one doing that." Eh? Siya daw sipain kita ehh.

"Do it, I'm not afraid of you." Hindi na siya nagsalita sa halip ay umalis nalang. Tahimik lang akong gumagawa ng paper works. Maya-maya ay may biglang kumatok, turned out to be rayver.

"Do you need anything ms. Blair?" Bigla ay naisip ko si jaydee gusto ko siyang makita at mahawakan malamang ay tuwang-tuwa na si jade duon ngayon halos minsan ko nalang kasama si jaydee dahil five consecutive months na akong nasa training at pinapahirapan ni jade but I need this balang araw ay makakasama ko si jaydee nang matagal pero sa ngayon kailangan ko munang tiisin ang pagkamiss sakanya.

"Maybe a cup of coffee," tumango naman si rayver at umalis nang makarinig ako ng atungal ng bata agad naman akong napatayo at lumapit sa pinto, dismayado ako dahil hindi pala si jaydee iyon kundi anak ng employee ni jade, malungkot akong bumalik sa upuan ko at muling nagpatuloy sa mga paper works. Maya-maya naman ay dumating si rayver at ibinigay ang kape ko, bigla ay napansin ko ang isang kontrata kinuha ko yun at dahan-dahan na binasa.

"Blair holdings?" Yun ang nabasa ko maybe contract ito nung dapat ay partnership nila jade, nakaimprinta ang pangalan ni mommy sa ibaba. Binasa ko ang terms and condition.

Habang nagbabasa ako ay iisang kondisyon ang naka-agaw ng pansin ko at yun ay ang pangsariling kondisyon ni mommy at iyon ang kondisyon niya na ipakasal si jade sa anak-anakan niya na anak ni tito jerry sa ibang babae, bigla ay kumulo na naman ang dugo ko, pabagsak kong inilapag sa mesa ang tasa ng kape, wala akong pakealam kahit na maramdaman ko ang init ang tanging nararamdaman ko lang ay kulo ng dugo.

"Ms. Celestine, are you okay?" Alalang tanong ni rayver, pilit kong pinakalma ang sarili ko bago siya hinarap.

"Rayver, can I keep this contract?"

"I'm sorry miss but it's too private." Umiling ako kay rayver.

"It's all about jade's future and my company." Saglit na nag-isip si rayver saka bumuntong hininga.

"Okay miss." Muli akong naupo at saglit na nag-isip. Muntik na, muntik ko nang maipahamak si jade, muntik na siyang mawala saakin. Dati gusto kong papirmahan sakanya ang contratang yun pero ngayon binabawi ko na.

------------------------

Gabi na at kakarating ko lang sa bahay, dito na kami nakatira sa bahay nila jade kaming dalawa ni shine, ito kasing si gabby halos ayaw ng pakawalan si shine kaya kinuha na kila lola pero si shine naman ang ayaw pumayag pag hindi ako kasama kaya ito nandito ako ngayon sa kwarto ko, hindi kami tabing matulog ni jade, ayaw niya daw baka daw kasi anong magawa niya saakin hihihi! May respeto siya saakin.

Paglabas ko ng kwarto ay nawala ang pagod ko dahil mula sa living room ay natanaw ko si jade at jaydee naglalaro, ang sarap nilang tignan para silang totoong mag-ama, ang sarap sa pakiramdam dahil tanggap ako ni jade at tanggap niya si jaydee kahit hindi niya ito totoong anak. Bumaba ako at makikisama sana sakanila pero nung natanaw ako ni jade eh mabilis niyang binuhat si jaydee at inakap ito sabay tayo.

"Wag kang lalapit, bad ka nag iinjection ka." Habang si jaydee tuwang-tuwa sa ginagawa ng ama niya.

"Jade, wag mo akong asarin ngayon ah." Natatawang anas ko lumapit sila saakin.

"How's you day hon?" Anas ni jade sabay halik sa labi ko, dampi lang.

"Jaydee, kiss mommy." Nagulat ako nung halikan ako ni jaydee eh hindi naman kasi siya marunong humalik kahapon.

"Galing ko diba?" Pagmamayabang ni jade, so siya ang nagturo kay jaydee para humalik.

"Definitely yes." Ibinigay naman saakin ni jade si jaydee. Nauoo kami sa sofa.

"How's you day with dad?" Tanong ko sa tumatawang si jaydee.

"Dada-ah!" Natatawang bigkas ni jaydee na ikinagulat ko, hinampas ko naman si jade sa tuwa.

"Aww ang galing ng baby ko."

"Syempre mana sa daddy eh." Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hangin na ah sobra.

"Ewan ko sayo jade." Sabay tayo at iniwan si jade sa living room.

**************
TO BE CONTINUED

Ps. This is not yet edited. Be aware of typo error or wrong grammar.

Thank you po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWEET LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon