It was raining. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng bus na aking sinasakyan, akap ang hindi kalakihang backpack na may laman ng iilan kong mga gamit.
Season ngayon ng tag-ulan. And it's very cold, even I'm wearing a jacket the coldness is just too hard to handle. Almost 9 hours na akong nakasakay sa bus na ito, papuntang Setherd ang lugar kung saan nakatayo ang mansyon ng pamilyang Avantre. I've never been there before, wala akong ideya kung anong meron dun.
Basta, after 2 months mula ng mawala si mama at papa sa car accident, nakatanggap ako ng tawag mula sa padre de pamilya ng mga Avantre. Na they're willing na alagaan ako, bilang pagbabayad nadin daw ng utang na loob nila kay papa.
Hindi kami ganun kayaman but we can have some of our needs, may luma din kaming kotse kung saan naaksidente ang mga magulang ko. Wala akong kilalang relatives namin. Hindi ako pinakilala nila mama sa mga magulang nila because their love is forbidden, hindi sila tanggap ng both sides ng family nila kaya nagtanan sila at nagpakalayo.
Sa kalagitnaan ng pagkatulala sa labas, nabalik lang ako sa ulirat ng biglang pumreno ang bus na sinasakyan ko.
"O Setherd na! Magsibabaan na kayo!" Malakas na sigaw ng bus driver sabay tingin sa salamin na nasa harapan niya.
Kayo? Mag isa lang naman akong nakasakay sa bus. Don't tell me he's seeing somebody?
Dali dali na akong bumaba karga ang backpack ko paharap.
Pagkababa ko humarurot na ang bus.
Hinawi ko ang mahaba kong umaalon na buhok ng matakpan nito ang mukha ko.Creepy. Yun ang unang pumasok sa isip ko ng nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang iilang kahoy na nasa paligid ay halos lagas na.
Ang iilang bahay ay halos gawa sa kahoy, at ang tahimik ng paligid.
Naglakad na ako sa isang silid hintayan na sira sira na ang bubong. Umupo ako sa bakal na upuan kahit na kinakalawang ito. Sabay akap sa sarili dahil sa lamig at para hindi mabasa sa tulo ng ulan na nagmumula sa butas ng bubong.
Asan na ang susundo saakin?
Hindi kaya baka nagkamali ako ng napuntahan?
Nag antay pa ako ng ilang minuto pero wala padin nadaan na kahit isang tao.
*Creeck*
Napalingon ako sa gilid ko ng may marinig akong mahina na tunog.
Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko ang uwak na sumilong sa sinisilungan ko. Nakatitig saakin ang uwak, and to be honest it really sent shiver down my spine. Napalunok ako at tumitig din sa kanya."Mag isa ka lang?" Napalingon ako sa kabilang gilid ko ng may magsalita.
Hindi kaputiang lalaki na siguro dalawang taon ang tanda saakin ang bumungad sa harap ko.
"Mag isa ka lang?" Ulit niya sabay naglakad palapit saakin.
Tumango na lang ako. Isn't it obvious?
"Bago ka rito hindi ba?" Tanong niya at nakapamulsa na nakatayo sa harapan ko.
Tumango lang ako ulit. I bet hindi siya yung sundo ko. 'Cause if he was, then he won't asked me if I'm a newbie here.
"Saan ang tuloy mo?" Tanong niya.
"Uhmm at my father's friend?" Patanong ko.
"English spokening dollars" ngisi niya "Baka matulungan kita? Saan ba?" tanong niya ulit.
"A-ah Avantre Residence" sagot ko "Actually, may susundo saakin dito. But I guess I was forgotten" sabi ko sabay kibit ng balikat.
"Jereth Avantre?" tanong niya sabay namutla.
Tumango na lang ako.
"Anong gagawin mo dun?" tanong niya.
"I'll live there." sabi ko.
"W-wag ka ng tumuloy dun. Bumalik ka na kung saan ka galing.'' sabi niya at hinila ako patayo.
''T-teka! Ano bang problema mo! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sabay hila ng kamay ko.
"Mapapahamak ka lang dun" sabi niya.
"No. I know I'll be safe with them" sabi ko at umupo na.
"Hindi mo naiintindihan" balisa niyang sabi.
"I can't understand because you won't let me understand." Sabi ko at inirapan siya.
"Mapanganib sila. Lalo na ang scientist na si Dr. Jereth Avantre" sabi niya. Pero inalis ko na ang paningin ko sa kanya at pinakitang hindi ako interesado. Napabuntong hininga na lamang siya "Okay. Masama sila. Mga halimaw. Tuwing kalagitnaan ng gabi, mula sa mansyon sa tuktok ng bundok bumababa ang halimaw dito sa bayan. Kita mo yan? Ang halimaw ang may gawa niyan'' sabi niya sabay turo sa isang gilid na wasak ang pader.
"Monsters isn't real." Sabi ko
"Totoo sila. Kaya umalis ka na, baka saktan ka lang nila" sabi niya
"I don't have a place to stay. I need them. And kung totoo man yang sinasabi mo I'm pretty sure that they won't hurt me. They owe my father a lot. And I guess their conscience won't stop chasing them if ever they'll lay a finger on me" sabi ko.
"Walang pinipili ang mga halimaw. Kaya habang maaga pa umalis ka na." Sabi niya.
"No. Just take me there, sa tingin ko nakalimutan nila akong sunduin. Or just give me the direction to get there" sabi ko at tumayo na sabay sakbit na ng bag sa likod.
"Miss. Maniwala ka." Sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
"Salamat sa concern. And I promise you that I'll be okay there. I won't let them hurt me. Now, can you lead me the way?" Tanong ko, napahinga na lamang siya ng maluwag.
"Hindi kita masasamahan sa mansyon ng mga Avantre, dahil natatakot ako sa kanila. At baka kainin lang nila ako ng buhay doon. Diretsuhin mo nalang yan, sabay liko ka sa kaliwa papuntang bundok. At matatanaw mo na ang mansyon nila" sabi niya kasabay ng pagduro niya sa kalsada.
"Salamat." Maikli kong sabi sabay ngiti.
"Mag iingat ka Miss. Raymond nga pala" sabi niya sabay lahad ng kamay.
"Sittieah Reese" sabi ko kasabay ng pagtanggap ng kamay niya.
Tumalikod na ako sa kanya at nag umpisa ng maglakad hawak ang itim na payong.
Sa paglalakad ko, nakita ko ang isang maliit na BarberShop. Maliit na bakery. Maliit na tindahan ng mga armas. Kahit may iilang nakatayong maliit na negosyo. Wala pading mga tao na nalibot sa paligid. Perhaps, because of the rain.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, till I reach the feet of the mountain.
At doon ko nakita ang mansion. It's like a haunted mansion.Haunted.

BINABASA MO ANG
Living with the Beast
FantasyRankings: #461 in Fantasy #857 in Fantasy Namatay ang magulang ko sa aksidente. Ulila. Walang matirahan. Walang kanlungan. Kinupkop ako ng kaibigan ni papa. He's a scientist. He invented such formulas. He turned he's son into a beast.And now, I'm l...