Chapter 1: Meeting him

82 2 0
                                    

"Ouch!"
Sigaw ko habang hawak ko ang ulo kong tumama sa isang matigas na bagay. Ramdam ko ang pag-ikot ng paningin ko at ang panginginig ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse at babagsak ang katawan ko sa matigas at malamig na semento. Napapikit na lang ako. Hinihintay ang pagbagsak ng katawan ko.

Ngunit nagkamali ako. Naramdaman kong may dalawang matitipunong mga braso ang sumalo sa akin.

"Are you okay?" Tanong ng isang napakalamig na boses.

"Ha?" Napamulagat ako. Kitang-kita ko ang pamilyar na tsokolateng pares niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong, mapupulang labi at mahahabang pilik mata na binagayan ng pangahan niyang mukha. Sa sobrang pagkakadikit naming dalawa ay amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. He smells of mint and aftershave. It so soothing to my nose that I just want to close my eyes and smell him more.

"Miss, are you okay?" Tanong niya ulit. Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya. Napakalamig. Nakakatakot.

"Ha?" Napatuwid ako ng tayo.

"Next time, watch where you're going. You are not at the mall." Sabi niya at mabilis na naglakad at iniwan akong nakatanga.

Nanigas ang buong katawan ko.
Kasabay ng pagkirot ng puso ko. Ang kaniyang mga mata nakapaganda subalit nababalot ng galit at lungkot.

Napailing na lang ako. Inayos ko ang sarili ko. Pilit kong inalala kung bakit ako narito sa lugar na ito.

"Kaya mo ito Alex." Bulong ko sa sarili ko.

Narito ako ngayon sa isa sa mga mga pinakamalaking building sa Makati. Alas nuebe ng umaga ang appointment ko. Napamura ako sa sarili ng tumingin ako sa aking orasan at napansin kong limang minuto na lagpas ng alas nuebe ng umaga. Late na ako. Napapikit ako ng muli kong maalala ang dahilan kung bakit narito ako. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ikaapat na palapag.

Pagkalabas ko ng elevator sa ikaapat na palapag ay naglakad ako at hinanap ang opisina ng Human Resources Department.
Napahanga ako sa hallway. Maganda at maayos ang lugar. Modern ang mga kagamitan at mapapansin mong elegante ang pagkakapili at pagkakagawa ng mga ito.

Huminto ako at kumatok ako sa pinto ng Human Resources Department. Isang may kaliitan at medyo may edad ng babae ang sumalubong sa akin at nagbukas ng pintuan. Maaliwas ang kaniyang mukha at nginitian niya ako.

"Good morning, Ma'am! My name is Alexandra Robles and I have an appointment with Mr. Villegas at 9:00 am." Sabi ko habang maluwang na nakangiti sa babaeng kausap ko.

"Good morning, Miss Robles. Ako nga pala si Mrs. Santos. I'll be taking you to the penthouse for your interview with Mr. Villegas. Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Villegas" Sabi niya habang inabot niya ang kamay ko para makipagkamay.

Magalang kong inabot ang kamay niya at nginitian siya.
"Pasensya na po kayo Mrs. Santos at medyo natraffic po ako papunta dito." Sagot ko. Nginitian niya ako ng pino at iginiya niya ako papasok sa elevator. Pinindot niya ang ikadalawampung palapag. Kaming dalawa lamang ang sakay ng elevator marahil busy na ang lahat sa kani-kanila mga trabaho.

Bumukas ang elevator at bumungad ang napakalinis napakaluwang na space. I saw a combination of white and black. The walls, the furnitures show elegance and masculinity. Sa isang sulok ay may isang desk kung saan nakaupo ang isang matandang babae. Marahil siya ang secretary ni Mr. Villegas. Binati ito ni Mrs. Santos at ipinabatid nito na narito ako para sa interview. Bahagya akong tumango at ngumiti sa kanya. Ipinakilala ako sa kanya ni Mrs. Santos. Napag-alaman kong siya si Mrs. Pascua at nalalapit na ang pagreretiro niya. Iginiya niya ako sa receiving area at pinaupo ako sa sofa habang pumasok siya sa isang malaking pintuan upang ipaalam marahil sa boss niya na narito na ako. Nagpaalam si Mrs Santos na babalik na sa kaniyang pwesto. Nagpasalamat ako sa kanya at tahimik na naghintay sa paglabas ni Mrs. Pascua.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako narito sa sitwasyong ito.
Pinipilit kong unawain subalit hirap na hirap ang kalooban ko. Napapikit ako. "I have to do this.
It's for the best." Bulong ko sa sarili. Kinalma ko ang sarili ko at inihanda ang aking sarili sa maaring kalabasan ng interbyong ito.

Napabalikwas ako ng bumukas ang pinto at iniluwa doon si Mrs. Pascua.

"Miss Robles, pwede ka ng pumasok." sabi niya.

"Salamat po." sagot ko.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad sa nakabukas ng pinto.
Kinakabahan ako. Ramdam ko ang tila pagririgodon ng puso ko. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok nito. Kinalma ko ang sarili ko at bahagyang tumikhim upang iparating ang presensya ko.

Nasa harapan ko ang isang napakagwapong nilalang. Habang nakatitig ako sa kanya ay ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko. Seryoso itong nagbabasa ng mga dokumento at hindi namalayan ang pagpasok ko. Malaya kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Ang maitim at maalon niyang buhok na bumagay sa gwapo niyang mukha. Matipuno ang pangangatawan niya na perpekto ang pagkakahubog sa suot niyang grey three piece suit. Bahagya akong napalundag ng bigla siyang magsalita.

"Do you like what you're seeing?"
Tanong niya habang matamang nakatitig siya akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

Naramdaman ko ang pag-iinit at pamumula ng aking mukha. Hindi ko mawari kung epekto ng aking pagkakapahiya o epekto ng matiim niyang pagtitig sa akin.

"Ikaw?" Gulat kong bigkas sa lalaking nasa harapan ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay ngumisi ito. Marahil naalala na nito na siya ang lalaking bumangga sa akin sa lobby ng building na ito.
Tumikhim ito at muling ibinalik ang seryoso nitong mukha.

"You're late." Malamig at maawtoridad na sabi niya.

Napasinghap ako. "I'm sorry." I said quietly while looking on the floor.

"Miss Robles, if you want to work in this company you should know that I don't tolerate tardiness of my employees." He said.

Napayuko ako sa sinabi niya.
Lumipas ang ilang minutong katahimikan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin at ang kaniyang mga buntong hininga. Pinilit kong iniangat ang aking mukha and tell him that I am sorry. But I ended up staring at him. Our eyes locked. I can feel my heart beats so fast. His stare is making me feel uneasy. Kinakabahan at kinikilig ako. Those beautiful brown eyes are enchanting. They're making me weak. I shook my head and looked away. I should not be feeling this. Get a grip Alexandra!

"You can leave, Miss Robles."
Malamig niyang Sabi.

"What?! No!" Sabi ko.

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Habang lumalapit siya ay nakatitig siya sa akin. Napaatras ako.

"Why not Miss Robles? You're late and I don't think I still be doing business with you. Not unless you have other in mind." Sabay ngisi niya sa akin.

Napaatras ako. Ramdam ko ang mabango niyang hininga fanning my face. Napalunok ako habang nakatitig sa mapupula niyang mga labi. Napapikit ako ng maramdaman ko ang malamig na dingding sa likod ko. Now I'm trapped with him. Those brown eyes intently looking at me. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko na nagdulot ng boltaboltaheng kuryente sa sistema ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa kinatatayuan ko.

Kinalma ko ang sarili ko at sinalubong ko ang mga titig niya at sinabi kong... "I think I deserve a second chance. I was just late for a couple of minutes for this interview...! I really need this job sir." I said

He just looked at me and stepped backward. Giving me enough space to calm myself. He went back to his desk and sat on his chair. Tumikhim siya to get my attention and said...

"What do you really want, Alexandra?"

Napapikit ako. It's been years since the last time he said my name. And it always feels special. I shook my head. Trying to ignore those memories that starting to flow in my mind.

"I...I need your help, Adam. Please, help me. I said.

He just gave me a poker face.
And there was a long silence.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon