Chapter 12: Where are you?

29 0 0
                                    

"Tulong! Tulong!" umiiyak na sigaw ko. Pinilit kong bumangon ngunit napasigaw ako sa sakit sa aking paa. Sinubukan ko ulit ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Tita Margaret.
"Iha are you okay? I think you're having a nightmare." sabi nito.
Muling pinikit ni ko ang aking mga mata. Sa muling pagbukas nito ay napagtanto kong nanaginip lamang ako. Inikot ko  ang aking mga mata at napagtanto kong nasa isang kwarto ako. Batid kong hindi ito ang kwarto ko.

"Paanong?..." nagtatakang tanong ko.
"Iha, you're in Adam's room. You had an accident yesterday habang sakay ka ni Majesty. Mabuti na lang at nakita ka ni Adam. Napilayan ka kaya nakacast ang isang paa mo. Kumusta na ang pakiramdam mo iha?" tanong nito sa akin.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili bago ako sumagot. "I'm a bit sore but other than that I think I'm ok."
"Great! May kailangan ka ba?
Umiling ako.
"Okay then, tatawagin ko si Manang para dalhan ka ng pagkain."
"Thank you po Ti- I mean Mommy. Nahihihiyang sagot ko. Uhmmm, si Adam po?" tanong ko.
"Umalis siya early this morning. May business meeting siya sa Singapore for three days. Then from there lilipad sila ni Cheska sa Italy to check the new location para sa new branch ng business niya. Mawawala siya ng mga dalawang linggo. Tamang-tama pagbalik niya tatanggalin na ang cast ng paa mo." Direretsong sabi nito.
"Ganun po ba." malungkot na sagot ko.
"Dito ka muna sa mansiyon habang nagpapagaling ka. Tatawaagin ko muna si manang nang makakain ka na at matulungan ka niyang maghanda dahil pupunta tayo sa ospital ngayon para masiguradong maayos ka." Paalam nito at lumabas na ng kwarto.
" Thank you po." Sagot ko
Pagkasara ng pinto ay parang ulang nagsipatakan ang mga luha ko. Masaya ako dahil ligtas na ako nalulungkot lang dahil wala yong taong hinahanap ng puso ko. Nalungkot lang ako nang paggising ko hindi ko nakita si Adam. Ano ka ba Alex? Nagtratrabaho ung tao kung anu-anong ang pumapasok sa isip mo. Sabi ng utak ko. I shook my head. I ignored the jealousy I'm feeling right now. My husband is with Cheska. Masaya ako nang malaman kong si Adam ang nagligtas sa akin. Takot na takot ako nang gabing yon. Akala ko ay katapusan ko na. Napadako ang mata ko sa suot kong damit. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong suot ko ang damit ni Adam. Mabuti na lang at napigilan kong huwag sumigaw. Namula ako ng maisip kong baka si Adam ang nagpalit ng aking damit. Ramdam ko ang pag-iinit ng akng mukha. Sana mali ang inaakala ko. Natigil ang aking pag-iisip nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Manang na may hawak na tray ng pagkain.
Binati niya ako at ibinaba ang pagkain sa mesa sa tabi ng kama. Sinabi rin nito na pagkatapos niyang kumain ayf tutulungan niya akong  maghanda bago magpunta sa ospital. Aalis na sana ito ng pinigilan ko.
"Manang, pwede po bang magtanong? Nahihiyang sabi ko
"Ano po iyon Ma'am?" Tanong niya
"Naku, Alex na lang po."
Napangiti si Manang.
"Uhmm manang, kayo po ba ang nagpalit ng mga damit ko? Gusto ko po sanang magthank you sa niyo. Thank you po manang."
"Naku iha, ang asawa mo ang nagpalit ng mga damit mo. Gusto ko sanang tumulong kaso tapos ka na niyang bihisan ng umakyat  ako." Sagot nito.
"Ano po?!! Si Adam po ang nagbihis sa akin? Gulat niyang tanong sa matanda.
"Oo, iha ang asawa mo ang nag-alaga sa'yo. Magdamag ka niyang binantayan at pinainom ng gamot. Ako sana ang magbabantay sa'yo pero hindi siya pumayag. Wala halos siyang tulog. Kung hindi pa siya pinilit ni ma'am Cheska ay hindi siya aalis para sa flight niya."
"Ganun po ba?" Tumaba ang puso ako sa mga kwento ni Manang. Kung kanina ay lungkot-lungkutan mode ako. Ngayon ay parang nakakita ako ng mga rainbow at butterflies. Ginanahan akong kumain ng almusal.
Nagpaalam si manang na aalis muna at babalik din pagkatapos niyang kumain para tulungan akong maligo. Para akong baliw na ngumingiti habang kumakain. Kinikilig ang puso ko. Does this mean Adam cared for her? Does Adam love me too? Or may be he was just being nice to me?
Biglang nawala ang ngiti ko sa huling naisip ko. I sighed. Maybe it's too soon to assume things. Mahirap umasa. Mahirap masaktan.

Tahimik kong inubos ang pagkain ko. Mas pinili ko na lang isipin na Adam is a nice guy. I will just enjoy the moment.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon