Bagamat ilang oras lang ang tulog ko ng nakaraang gabi ay gumising pa rin ako ng maaga. Pabiling-biling ako sa aking higaan at pilit kong iwinawaksi ang mainit na tagpo na pinagsaluhan namin ni Adam sa sala. Nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing naaalala ko kung paano ko tugunin ang mga haplos niya at mga halik. I shook my head and tried to ignore the feeling that is starting to grow in me.
"Don't be stupid Alex. Those were just kisses. And he was drunk!" Bulong ng isang bahagi ng utak ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay inaayos ko ang aking sarili. Pinili kong magsuot ng isang simpleng maong shorts at pink na t-shirt.
Bumaba ako mula sa aking kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal.
Sabado ngayon. Walang pasok si Adam. Madalas nagkukulong lang siya sa kaniyang study at inaaral ang mga dokumentong inuwi niya galing sa trabaho. Minsan pumupunta sa gym para magwork out.
Napabuntong hininga na lang ako ng maisip kong this is just another boring Saturday I need to spend with me, myself and I.
Kinuha ko ang kawali at sinindihan ang kalan at nagsimulang magluto. Hindi ko sigurado kong sasaluhan ako ni Adam kumain ng almusal.
"Syempre hindi. Asa ka pa" Bulong ng isang tinig sa isip ko. Napapailing na lang ako. Pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait.
Napagdesisyunan kong magluto ng pritong itlog at hotdog. Naglagay na rin ako ng tinapay sa toaster. Inihanda ko na rin ang mainit na kape para kay Adam. Ewan ko ba kung bakit ipinaghahanda ko pa rin siya palagi ng pagkain na kahit kailan ay hindi niya nagawang tingnan o tikman man lamang. Siguro umaasa ako na isang araw babalik din ang lahat sa dati. Sana.
Inilagay ko sa mesa ang mga pagkaing niluto ko. I was about to call Adam and ask him to join me for breakfast. Nagulat na lang ako ng nakita ko siya sa dulo ng mesa. He was staring at me intently. I saw no emotions in those beautiful brown eyes. Nalungkot ako sa isiping ako ang dahilan ng malulungkot niyang mga mata.
Napansin kong nakaligo na rin siya. Nakasuot siya ng asul na board shorts at puting sando. Lutang na lutang ang maganda niyang pangangatawan sa simpleng kasuotan niya.
Tumikhim ako upang mawala ang awkward moment sa pagitan naming dalawa.
"Breakfast is ready. Let's eat."
Nakatitig pa rin siya sa akin at hindi ko mabasa ang ekpresyon ng kaniyang gwapong mukha.
Napabaling ang tingin ko sa sahig. Inihahanda ko na ang sarili ko sa kung ano mang dahilan ang sasabihin niya upang tanggihan niya ang simpleng imbitasyon ko. Napakagat labi ako.
"Oh akala ko ba kakain tayo bakit nakatanga ka pa diyan?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Umupo siya sa harap ng hapag kainan at nagsimulang kumain. Umupo na rin ako sa pwesto ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti na kaharap ko ngayon si Adam habang tahimik kaming kumakain ng breakfast. Pakiramdam ko ito na ang pinakamasarap na pritong itlog at hotdog na natikman ko.
"Stop smiling." He said.
"Huh?"
"Just stop smiling and eat."
Napakagat labi ako at ipinagpatuloy namin ng tahimik ang aming almusal. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa hapag kainan.
"Adam, did you like the food?" I asked.
Napatigil siya sa pagsubo at bahagyang tumingin sa akin.
"Why? Is there something special about fried hotdogs and eggs?"
Sa tingin mo ba maglalasang kaldereta ang simpleng pritong itlog at hotdog?" Masungit niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Only You
Romance"I love you Adam. Ikaw lang noon hanggang ngayon. Sana mahalin mo rin ako. Sana ako na lang ulit." She is Alexandra Villegas. She is beautiful, smart, sexy and Adam's runaway wife. She left her husband for the sake of other man. After five long ye...