Chapter 10: Majesty

28 0 0
                                    

I was sitting on the bed reading my book when the washroom door opened. Iniluwa doon si Adam na nakatapi lamang ng tuwalya. Basa ang kaniyang buhok and the water still dripping from it. Kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kaniyang katawan. Ang kaniyang matipunong braso at Diyos ko Lord ang kaniyang abs! Kanin na lang ang kulang!

I know staring is rude but I can't help it.I quickly averted my gaze before he notice me.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong pumunta siya sa kaniyang walk in closet at nagsuot ng boxer shorts.

Naglakad siya palapit sa kama. Kinabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakabingi.
Napapikit ako ng maramdaman kong palapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang sabong ginamit niya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit. Naramdaman ko na lang na bahagyang papalayo ang mabangong amoy. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. I saw Adam walking to the couch hawak-hawak ang dalawang unan.

Get a grip Alexandra! You're thinking too much. Nakakahiya ka. Sabi ng isip ko.

I looked at Adam fixing himself at the couch. He put down the two pillows and lay down. Napangiwi ako sa kaniyang hitsura. Halos kalahati lang ng kaniyang katawan ang nakahiga sa couch. Nakalawit ang mahahaba niyang binti.

This is the first time that Adam and I will be spending the night in the same room together. Naguiguilty ako dahil kwarto niya ito yet ako ang nakahiga sa kama niya. Kahit gusto kong ishare ang kama sa kaniya, well kama naman niya talaga, I don't know how to approach him without making myself so low and cheap. Baka isipan niya inaakit ko na naman siya. Our situation is very awkward.

Pinatay ko ang ilaw sa bedside table at humiga na ako sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata para matulog na.

I felt bad that Adam needs to sleep on the couch. I can feel that he's not comfortable. Ramdam ko ang pagbiling-biling niya sa couch.

Nagdadalawang isip ako kung iooffer ko ang kama sa kaniya or pwede ko namang i-share sa kaniya. Huminga ako ng malalim at nagdesisyon. I opened my eyes and called his name.

"Adam?"

He didn't answer.

"Adam?" I called again

"Hmmm." He hummed

"A-Are you ok?

"Hmmm.. Yeah."

I bit my lips before talking to him again.

"I think I can sleep on the couch and you can have the bed." There I said it.

"No. Sleep now Alexandra. I'm fine here. Goodnight!"

"A-Are you sure?"

"Yeah."

"Ok."

Nakokonsensya talaga ako. Bahala na kung makukulitan siya sa akin. After couple of minutes I called him again.

"Adam? Gising ka pa?

"Yes?"

I took a deep breath before opening my mouth again.

"You know... y-your bed is quite big. W-we can share." I said.

He didn't answer.

"I mean you'll stay on your side I'll stay on mine."

"Be careful what you're asking for wife. I'm no saint."

Napakagat labi ako sa sinabi niya. Bagamat madilim sa kwarto ay ramdan na ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon