Excited ako pagsapit ng Linggo. Ngayon darating si Adam from Italy. Maaga akong gumising para maghanda sa pag-uwi niya. Sa lumipas na dalawag linggo ay namiss ko ng sobra ang asawa ko. Nakakamiss din pala ang kasungitan niya. Ang pagsusuplado niya. Ang biglang papalit-palit ng mood niya. Sa lumipas na mga araw habang wala siya ay wala akong naging balita sa kaniya. Umasa akong tatawagan niya ako o itetext man lang but it didn't happen. Maybe he was just busy. Maybe he's too preoccupied that he didn't want a distraction. Distraction? Am I a distraction? Pinilit kong balewalain ang anumang gumugulo sa isip ko, But every time I think of him with Cheska ay nadudurog ang puso ko sa sobrang selos. He didn't bother telling me about Cheska. Nahihiya din akong magtanong sa mga magulang niya.
Pagkatapos ng aksidente ko sa kabayo ay mas pinili kong umuwi at magpagaling sa bahay namin ni Adam. Ayaw kong maging pabigat sa mga magulang niya. Nahirapan akong kumbinsihin sila na kaya kong magpagaling sa bahay ng mag-isa. Pumayag lamang sila na umuwi ako kung isasama ko si Manang. Matatahimik lamang daw sila kung kasama ko si Manang. Pumayag na rin ako sa bandung huli. Ayoko ko rin namang mag-inarte dahil sa kalagayan ko kailangan ko ng tulong. Naging maayos naman ang lahat. Napakalaking tulong ni Manang sa akin. Nahihiya man ako pero I feel so helpless. Habang kasama ko si Manang sa bahay ay gustong-gusto kong magtanong sa kaniya tungkol kay Adam. Gusto kong malaman kung ano ang naging buhay niya sa nakalipas na limang taon. Kung paano dumating sa buhay niya si Cheska. Kung hinanap ba niya ako. Kung paanong nagpatuloy ang buhay niya ng wala ako. Just like Adam I have so many questions about him too. Sa tuwing susubukan kong tanungin si Manang ay inuunahan ako ng kaba at hiya. Mas pinili ko na lang sarilinin ang mga tanong ko. I feel like I don't have the right to know everything about him after what I did to him. Naguguilty ako for leaving him. Every time I think of what I did five years ago I always have this pain in my heart that will never go away.
Kahapon ay nakabalik na ng mansiyon si Manang. Ayaw pa sana nitong umuwi kung hindi ko lang ipinilit sa kaniya na maayos na ang kalagayan ko at kaya ko ng maglakad at kumilos ng mag-isa. Sa loob ng dalawang Linggo ay mayat-maya ang pangungumusta ni Tita Margaret sa akin. Madalas itong tumawag sa akin at inaalam ang kalagayan ko. Every other day din itong dumadaan sa bahay para masiguradong maayos ang sitwasyon ko. Sa loob ng lumipas na dalawang linggo ay hindi niya nabanggit si Adam. Ni hindi namin siya napag-usapan. Hindi ko alam kung umiiwas siyang banggitin man lang ang pangalan ng anak niya. Hindi ko na ring magawang magtanong dahil baka hindi pa ako handa sa mga malalaman ko.
Ngayong mag-isa na lang ako sa bahay ay pinili kong maging abala habang hinihintay ko ang pag-uwi ng asawa ko. Sinigurado kong malinis ang kwarto niya para maging komportable siya sa pagtulog niya. Pagkatapos kong maglinis ng bahay nagpakabusy naman ako sa kusina. Inisip kong magluto na lang para pagdating ni Adam ay matutuwa siyang may pagkain ng nakahanda para sa kaniya. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi niya. It's 5pm now. Maybe he will come home at dinner time. Kung late man siya dumating ay iinitin ko na lang ang pagkain niya. Binuksan ko ang ref at tiningnan ko kung anong masarap iluto. Laking pasalamat ko kay Manang at puno ng pagkain ang ref. Pinili kong magluto ng hipon. Magluluto ako ng buttered shrimp. Madali lang gawin ito at masarap pa. Gagawa rin ako ng leche flan para sa dessert. Hindi man ako sigurado kung magugustuhan niya pero bigla akong naexcite magluto.
Eksaktong ala-syete ng gabi ay natapos akong magluto. Nalinis ko na rin ang kusina at maayos kung inihain sa mesa ang mga niluto ko. I can't help but smile. I'm so proud of myself. I didn't realize I could do something especial for my husband. Satisfied of what I did. I felt even more excited to see him home. I went upstairs to take a quick shower and prepare myself.
I went downstairs and decided to wait for Adam in the living room. I checked the clock and it's already 7:30 pm. I wonder where he is now. Natutukso akong tawagan si Tita Margaret at tanungin kung anong oras siya darating. Sa huli mas pinili ko na lamang matiyagang maghintay sa kaniya. I turned on the TV and decided to watch kahit na wala doon ang atensyon ko. Lumipas ang isang oras but no sign of Adam yet. Nag-uumpisa ng magreklamo ang tiyan ko. I am getting hungry. I just had breakfast today and I ate a couple of cookies while I was busy cooking dinner for Adam. I was busy cleaning the house that I forgot to eat my lunch. My tummy started to rumble. I started to panic and horrible things started to cross my mind. Nasaan na kaya siya? I shook my head and held a deep breath. Relax Alexandra. Adam will be home soon. I calmed myself and started to watch another show. Despite being hungry and anxious I just decided to wait for Adam so we can have dinner together.
BINABASA MO ANG
Only You
Romansa"I love you Adam. Ikaw lang noon hanggang ngayon. Sana mahalin mo rin ako. Sana ako na lang ulit." She is Alexandra Villegas. She is beautiful, smart, sexy and Adam's runaway wife. She left her husband for the sake of other man. After five long ye...