Fire of Deception Chapter 1

21.7K 385 27
                                    


Nakaupo si Fire sa tabi ng pool ng kanyang bahay nang tumabi sa kanya si Adam de la Cuesta. Hindi niya alam kung sino ang nagpapasok dito. Pero dahil ito ang pinanggagalingan ng pambayad niya sa maintainance ng bahay ay hindi na siya nagprotesta sa pagsulpot nito nang walang pasabi. Bukod pa roon, si Adam ay tagapagdala ng magagandang pangyayari sa buhay niya kung kaya't welcome itong dumating doon kahit kailan nito gustuhin.

He had brought her things that had changed her life. Naalala pa ni Fire nang una niyang makita si Adam...

Nasa Boracay siya noon, walang permanenteng trabaho at nagpapalipat-lipat sa iba't ibang establishments,  gumagawa ng mga odd jobs – substitute waitress siya sa isang hotel, bartender sa isang beachfront restaurant, spa masseuse na rin kung minsan. Mabuti na lang at madali siyang matuto ng mga bagay-bagay. Sabi ng isang kakilala, physically gifted daw siya. Isang beses lamang ipakita sa kanya ang isang galaw na nangangailangan ng paggamit ng kanyang katawan ay nagagawa na niya iyon agad. She learned gymnastics when she was 3 years old, she took ballet when she was 6 at nagsisimula na siya ng lessons bilang acrobat sa China bago naaksidente ang kanyang daddy na isang ambassador doon.

Nang mamatay ang daddy niya ay napilitin siya at ang kanyang mommy na bumalik sa Pilipinas. Sugarol ang kanyang mommy. At nang mamatay ang kaniyang daddy ay lalo itong nalulong sa casino. Hindi nagtagal ay naubos lahat ang kabuhayang ipinundar ng kanyang ama. Noong 8 years old siya ay hindi na halo mabayaran ng mommy niya ang tuition sa private school na pinapasukan niya. Nahihiya na siya dahil tuwing exam date ay promissory note ang kanyang dala para makakuha ng examination permit. Nang maging 18 years old siya, they were dirt poor. Nakatira na sila sa isang one room appartment dahil iyon lang na tumutulo sa tag-ulan at para kang bini-bake sa oven kung tag-init dahil iyon lang ang kayang bayaran ng monthly insurance pay-out ng daddy niya. Her mom dropped all pretenses of sending her to school.

Nang panahong din iyon niya na-realize na masyado siyang galit sa ina para manatili sila sa iisang bahay. Ito ang may kasalanan nang lahat ng paghihirap niya kung kaya't naglayas siya. Nakipagtanan siya sa boyfriend, isang free-spirited musician na tumutugtog kung saan-saan para may makain, matirahan o kaya naman ay para lamang sa libreng beer.

Napadpad sila sa Boracay. Hindi sila magkasundo dahil hindi na niya kinakaya ang mala-gypsy na lifestyle nito o ang pagiging mapanakit nito kapag umiinit ang ulo na nagiging malimit dahil sa mas mahirap palang mabuhay sa paraang gusto nito kapag dalawa silang kailangang kumain. Naghiwalay sila at nagdesisyong magpaiwan sa isla dahil marami roong job opportunities sa taong tulad niya.

Mahigit isang taon na siya roon nang may magturo sa kanyang gumamit ng Fire Poi. Ang Fire Poi ay dalawang mahabang cable na maaring sindihan ang dulo at pinapaikot habang sinasayawan at gumagawa ng mga exhibitions. She had gotten pretty good at it. Nakatulong rin na magaling siyang dancer kung kaya't mas malaki pa ang kinikita niya sa performance niyang iyon kapag araw ng Sabado kaysa suweldo niya sa pinagsama-samang trabaho sa buong Linggo.

Kakatapos niya lang mag-perform ng isang ma-apoy na sayaw at kasalukuyang umiinom siya ng tubig sa tabi ng bar nang lumapit sa kanya ang isang matikas na lalaki. He might not be taller than 6 feet but he stood with so much power and confidence that she thought he was practically a giant. May hinala rin siyang ay kaunti lang ang tanda nito sa kanya. But he also had the look of someone who seemed ageless. He would look distinguished at age 30, 50 or maybe even 70.

Nakatingin ito sa kanya na para bang kilalang kilala nito hanggang kaloob-looban niya. "Hi," bati nito sa kanya.

"Hi," sagot niya.

Sanay siya nang may mga kumakausap sa kanya matapos ang performance. Alam niya ring attractive siya para sa mga kalakihan kaya hindi naman siya nasorpresa na nilapitan siya nito.

ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon