Nakaupo si Guia sa isang stool sa loob ng bar na iyon sa Malate nang makita niyang pumasok si Kane dela Cuesta. Nanalangin siyang huwag mapansin nito ngunit sa kasamaang palad ay tila sa direksiyon pa niya patungo.
May kausap ito sa phone. "Nevermind. I will just grab a quick drink and then, probably go home."
Iniisip ni Guia kung mas mabuti bang manatili sa kinatatayuan niya o kumaripas ng takbo, walang lingon lingon at magpanggap na hindi niya nakita ito. Pero bago pa man siya nakakilos ay napansin siya nito at bahagyang kumunot ang noo bago lumapit sa kanya.
Damn! She had managed to stay away from him for almost a year. Bakit bigla na lang itong sumulpot ngayon?
Umo-oorder si Kane nang mapatitig sa kay Fire. A flicker of recognition crossed his face. "Hey, I am sorry but do I know you from somewhere?"
Nag-panic siya nang bahagya. Kinailangan niyang paalalahanan ang sarili. Professional ka, Guia. Ikaw si Fire remember? Kaya mo ito! She forced a flirty laughter. "That must be the most overused pick-up line."
Umiling ang lalaki. "No. I know you. Even your voice sounds familiar."
"I'm sorry. Magaling ako sa faces. I would remember kung nagkita na tayo dati. At hindi kita kilala," patuloy na pagtanggi ni Guia.
"Oh well," kibit ng balikat nito bago abutin ang alak na inabot ng bartender. "If you're sure." Tinapos ni Kane ang pagsasalita sa pamamagitang nag pagawad sa kanya ng kalahating ngiti. Iyong ngiti nito na tila ba may iniisip na isang private joke. Iyon ngiti na parati na lang bumibiktima sa kanya.
"Sigurado ako," aniya.
Sa gilid ng mata ni Fire ay nakita niyang tumayo ang grupo ng mga lalaking kanyang minamanmanan. Ang mga iyon ang dahilan kung bakit siya naroon. Isang grupo ng mga bayarang goons na ginagamit para sa kidnap for ransom operation ng isang kilalang public figure. Simpleng sinundan niya ng tingin ang mga ito at hindi gumawa ng kahit anong hakbang.
Hindi niya alam kung paano magre-react si Kane kung basta na lang siya tumayo para sundan ang mga ito kung kaya't nanatili siya sa posisyon. She didn't want to attract any attention to herself. Hindi pa ngayon iyon dahil pinaplano pa lang niya ang mga susunod niyang gagawin.
Tinutukan niya ang kanyang main target. Ang pinaka-maliit na mama sa grupo ang actually ay leader at utak ng mga ito. Automatic pero hindi mahahalata ng ordinaryong nagmamatyag ang security formation ng apat na kasama nito para sa leader nang tumayo ang mga ito at maglakad palabas. Nang malapit na ito sa may pintuan ay may pumasok na grupo ng mga babae. Pinansin niya kung paano magre-react ang mga ito.
There it was. Nakita na niya ang posibleng daan para makalapit sa lalaking sinusubaybayan. Ibinalik niya sandali ang atensiyon kay Kane na noon ay siya naman ang patuloy na ino-obserbahan.
"Can I buy you a drink?" He was looking at her again with that heavy lidded gaze that got her the first time na nagkamali siyang titigan ang mga mata nito. Natagpuan niya ang sarili niyang sumasang-ayon sa alok nito ng inumin.
Nang ipatong ng bartender sa counter ang order niya ay halos sabay silang humawak sa baso. Ang intensiyon ni Kane marahil ay para ito ang mag-abot sa kanya ng inumin at dahil doon ay nahawakan nito ang kamay niya. Naramdaman niya ang parehong elektrisidad na naramdaman niya nang una niya itong hinawakan dati. Kumurap si Fire para linawin ang utak niya.
This man spelled DANGER and therefore, he could not afford to be near this man. Nagpasalamat siya sa inumin at madaliang inubos ang laman ng kanyang baso. Narinig niya ang mahinang halakhak ni Kane.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)
RomanceExtended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niya...