Pumasok si Fire sa silid. Limang lalaki ang naroroon. Agad na naghiyawan ang mga ito pagkakita sa kanya. That was the effect she desired nang magbihis siya kanina ng black midriff, super tight na leather shorts at hanggang tuhod na leather boots. May tatlong kulay ang mahabang buhok niya na idinaan sa curling iron at naka-maskara siya ala Catwoman. Kunwaring inayos niya ang mask habang nakatayo sa may pintuan para magka oras pag-aralan ang eksena sa harapan niya.
Stag party - pamamaalam sa pagiging bachelor ng lalaking ikakasal in two days.
Madaling nakita ni Fire kung para kanino ang party dahil nakahiwalay ito. Nakaupo sa isang upuan na walang sandalan, hawak sa dalawang kamay ang isang beer in can. Nakatingin rin ito sa kanya pero hindi kasing interesado ng mga kasama nito.
He had the look of a man determined not to look at another woman. Ang intensyon ni Fire ay baguhin ang attitude na iyong ngayong gabing ito.
It was her mission to seduce Kane dela Cuesta.
Sinenyasan niya ang isa sa apat na mga lalaki at agad itong tumayo para patugtugin ang music na napag-usapan nila. Nang magsimula ang tugtog ay nagsimula siyang sumayaw.
Iyon ang dahilan kung bakit siya ang napili para sa misyong ito. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit Fire ang tawag sa kanya. When she danced, it was as if she set the room on fire. It was in the way she moved her body – so languid, almost like a slow burning fire, sabi ng ilang nakapanood sa kanya. Isa pa ang nag-komentong, it was the look on her face. Kapag sumasayaw raw siya, it was as if she was making love.Natahimik ang apat at si Kane ay dahang-dahang napaling ang atensiyon sa kanya. He began watching her as if he did not have the will na ialis sa kanya ang paningin. Bahagya ring nagbago ang posture nito at alam niyang hindi na ito hindi apektado sa ginagawa niya. Nagdesisyon siyang gamitin ang sandaling iyon para sa kanyang advantage. Humakbang siya palapit dito at nang makarating sa harapan nito ay inilagay niya ang magkabilang binti sa tapat ng magkabilang hita nito, trapping him between her. She felt him stiffen. Magandang senyales iyon.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at habang gumigiling ang katawan ay lalo pa nitong inilapit ang sarili rito. She was practically sitting on his lap at wala itong ginagawa para paalisin siya roon o kaya naman ay umiwas. He was a man after all.
Itinaas nito sa labi ang lata ng beer. Hinala niya ay isa iyong pagtatangka na maglagay ng isang bagay sa pagitan nila.
Naghintay siya. He couldn’t possible drink forever from that can, couldn’t he? Nang tanggalin nito sa wakas ang lata ng beer ay saka siya kumilos. She stuck out her tongue and licked the taste of beer on his lips. Someone’s gasp mingled with someone’s moan. Hindi niya alam kung aling sound ang nanggaling sa kanya o alin ang naggaling kay Kane. Sigurado laman siya na nakaramdam siya ng panghihina sa contact na iyon.
Tuluyan siyang umupo sa kandungan nito, her legs were still straddling him, intent to become the ultimate seductress. Pero may isa siyang ginawang mali.
Tumingin siya sa mga mata ni Kane. His eyes were heavy, dala marahil ng dami ng nainom bago pa man siya dumating but there was the unmistakable fire of desire lighting those deep, deep, dark eyes. Mali ang pagtitig niya sa mga mata nito dahil nang sandaling gawin niyo iyon, she was lost. Hindi na niya sigurado kung siya ba ang nangse-seduce o siya ang na-seduce.She licked her lips which suddenly felt dry. At siya pa mismo ang nagulat nang bigla na lang siya nitong hinalikan. Dahil sa malamig ang hawak nitong inumin kanina ay malamig pa ang mga kamay na humaplos sa hubad na bahagi ng kanyang likuran pero ilang sandali lamang ay mainit na rin ang haplos noon.
Hindi niya alam kung kailan umalis ang mga kasama nila sa silid dahil nang matapos ang halik ay saka lamang niya napansin na nag-iisa na sila. Nagpalit na rin ang musikang tumutugtog sa silid.
May bahagi ng mga pangyayari na alam niyang ginagawa niya dahil kinakailangan. Pero may bahagi rin ng pangyayaring alam niyang hindi na niya kailangan ng gawin at lagpas na sa tawag ng kanyang tungkulin. Ginagawa na lamang niya iyon because she couldn’t help herself. Imbes na pigilan ang sarili ay itinaas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki.
Sumunod ang mga kamay nito roon at ikinulong ang mas malilit niyang mga palad.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)
RomanceExtended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niya...