Fire of Deception Chapter 5

8.5K 231 0
                                    

Nagising si Kane sa dampi ng labi ni Guia sa kanya. "I have to go," bulong nito.

Hindi siya agad nagmulat at hindi rin nag-isip na hinawakan niya ang kamay nito. "Please, stay."

"Sorry, baby. Hindi puwede, may trabaho ako ngayon."

Napamulat si Kane ng mata nang maisip kung ano ang hindi pinag-isipang hiniling niya sa babae "Anong oras na?"

"Five."

"AM?"

Natawa si Guia sa pagiging disoriented niya. "Yes, babe. It's morning."

"Bakit ang aga mo?"

"Need to work," sagot ni Guia.

"Hatid na kita," alok niya.

"Kane, go back to sleep. I will be okay. I brought a car, remember. Nasa parking lot lang."

Nagpilit pa ring bumangon si Kane, kumuha ng t-shirt, isinuot iyon bago inihatid si Guia sa ibaba. 

Malalim ang iniisip ni Kane habang nakatayo at pinapanood ng ekspertong pag-maneobra nito nang kotse palabas ng parking lot  Isa na roon ang katotohanang tila iba si Guia sa babaeng inisip niya nang una niya itong makilala. For one, he didn't expect that he was going to like her.

Nang mawala ang dalaga sa kanyang paningin ay bumalik si Kane sa silid. Muli siyang humiga sa kama pero alam niyang hindi na siya makakatulog. Kinuha niya ang unan na hinigan ni Guia para sana ayusin ang kama. Instead, he inhaled deeply. Naamoy pa niya ang iniwang samyo ng babae sa kanyang unan. He was already missing her.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang isiping iyon. Ano bang nangyayari sa kanya? Bumalikwas siya Kane para tumayo. Dumiretso siya sa banyo para mag-shower pero naisip niyang baka nababaliw na siya nang ang sumalubong sa kanya ay ang mabangong samyo na iniwan ni Guia roon. Inuntog niya nang marahan ang ulo niya sa pader ng shower stall bago buksan ng malakas na malakas ang tubig nang hindi ini-on ang water heater. 

Kailangan niyang linawin ang utak niya.


**************

Pumasok si Guia suot ang kanyang persona bilang si Fire sa bar na pag-aari ni Limbao.Mas mahaba ang kanyang buhok at mas maiksi ang kanyang palda kaysa karaniwan.

Alam niya ring dalawa ang pangunahing sinisipat ni Limbao sa babae- legs at boobs. Kaya naman naka-red stiletto siya para lalo pang pahabaing tingnan ang kanyang mga binti. At parang pangalawang balat na lamang ang suot niyang itim na damit na na nag-e-emphasize naman ng dibdib na pinalaki ng bahagya ng suot niyang undergarment.

Pangalawang pagkakataon niyang kukunin ang atensiyon nito. She just teased him from afar the last time. Alam niyang hindi  siya nito nalapitan dahil may mga kausap ito noon na investors. Imbes ay pinadalhan siya nito ng inumin at hindi pinabayaran ang bill niya. Pero ngayon, gagawan na niya ng paraan para mapalapit dito.

Buo ang confidence na naglakad siya malapit sa usual na kinaroroonan ng mga goons. Kung titingnan ay parang ordinaryong mga tao lang  na nagkakasiyahan pero alam niya kung anong kasamaan ang kayang gawin ng mga miyembro ng grupong iyon. They would kill without mercy if they didn't get what they wanted.

Sukat na sukat ang bawat galaw ni Fire. Pagdating sa tapat nina Limbao, kunwaring nabangga niya ang hita ng isa sa mga security nito at nahulog ang dala niyang handbag. Sabay-sabay na tumayo ang mga naroon para tulungan siya, samantalang kalmado naman siyang tumungo para pulutin iyon. Sinigurado niyang mula sa anggulong iyon ay cleavage lang niya ang nakikita ni Limbao.

ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon