"Fire. Iyon ang pangalan niya sa F.E.D," sabi ni Adam kay Kane. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang kapatid ang mismong nagpadala sa kanya kay Guia.
Nagda-drive na sila patungo sa headquarters ng ahensiyang pinatatakbo ni Adam. Pinanood niya itong magbigay ng instructions sa mga tauhan nbago magsimulang magpaliwanag sa kanya. Adam had always loved this game: spies, counter securities and related things. He was obsessed with puzzles that needed to be solved. Ang ahensiyang iyon ang outlet nito. Wala masyadong nakakaalam ng detalye ng operations pero alam niyang nag-e-exist iyon. A
Matalim ang tingin na ibinato ni Kane sa kapatid. "Why the hell did you want to stop my marriage?"
Adam did not even flinch. "Hindi ka naman mukhang na-devaste masyado ng hindi matuloy ang kasal mo. In fact, para ngang nakahinga ka pa ng maluwag."
"Bullshit!"
"Come on, Kane. Pakakasalan mo lang si Alice to spite our dad. Oh, I am sure sa utak mo, na-justify mo ang lahat. You even liked her a bit. But you you liked better the idea of telling him ma pakakasalan mo ang anak ng kanyang biggest business rival."
Natigilan si Kane. Tama ang kapatid. Galit siya sa kanyang ama. He got her mom pregnant and then he sent the two of them away dahil ayaw nitong malaman ng ina ni Adam ang tungkol sa kanila - the second family. They were sent to Zamboanga kung saan na siya nagkamalay. Nakikita niya lang ang daddy nila dalawang beses isang taon- kapag birthday niya at kapag birthday ng mommy niya. At nagagalit siya kapag pinaghahandaan ng mommy niya ang araw na iyon na para bang napaka-espesyal na mga araw.
Nang mamatay ang mommy niya ay magtatapos siya ng Grade VI pa lamang siya. Saka lamang siya nito kinuha para patirahin sa bahay sa Maynila. Natural na mabait ang ina ni Adam pero naiintindihan niya kung bakit kahit kailan ay hindi siya nito kayang mahalin. Isa siyang paalala rito ng pagtataksil ng asawa.
Matanda sa kanya ng tatlong taon si Adam. At ini-idolo niya ito sa napakaraming bagay. He wanted to be like him. Kaya nang binigyan siya ng pagkakataon na maghawak ng isa sa mga negosyo nila ay pinagbuti niya ang trabaho. Tumaas ng tumaas ang value ng kumpanyang hawak niya. But then his dad wanted to close everything down para mag-concentrate sa negosyong itatapat sa karibal nitong si Ador Casiple. As usual, wala na namang pakialam ang ama sa kanya. Napilitan si Kana na i-give up ang inalagaan niyang negosyo para sundin ito. But he was angry and didn't realize it until he met Alice Casiple.
Unang kita pa lang nila ay alam niyang interesado ito sa kanya. Nagustuhan niya rin ito. He was not crazy in love with her but he liked her enough. Si Alice pa nga ang nag-bring up ng ideya ng pagpapakasal. At siya, naisip niya, what the hell? Kapag pinakasalan niya si Alice, tiyak na magagalit ang ama. Kaya naman lalo siyang naging interesado sa pagpapakasal ex fiancee.
He was able to convince himself that he loved her.
Until the night he met Guia.
Ipinadala ito ni Adam para pigilan siyang gawin ang pinakamaling desisyon sa buhay niya. And Fire, she had not only set his body on Fire, he had managed to awaken emotions in him that he did not expect to feel.
Hindi si Alice ang nagpahinto sa kasal. Gusto pa rin nitong ituloy iyon sa kabila ng nakita. Siya ang umayaw dahil nagising siya sa pagkakamali niya. It would have been unfair for Alice kung matutuloy pa rin ang lahat. Dahil alam niya, mula ng gabing iyon, iba na ang hahanapin niya.
"Maybe you are right. Pero ikaw? Bakit masyado mong ayaw na magpakasal ako kay Alice?" Tanong ni Kane.
"Dahil nalaman naming na ginagamit rin si Alice ng daddy niya para makuha ka. You have always been one of our company's biggest assets Kane. You're a brilliant strategist. You can charm anyone. Those are the best combination for a great businessman. They want you in their camp. At kapag pinakasalan mo si Alice, balak nilang ialok sa iyo ang pagkakataong patakbuhin ang negosyo nila para pabagsakin si daddy. You know, I wouldn't have interfered kung hindi lang may alam akong iba."
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)
RomanceExtended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niya...