Silang dalawa lang ang sakay ng elevator patungong unit ni Kane. Una ay magkatapat lamang sila pero humakbang ito papalapit sa kanya nang walang warning. Itinaas nito ang baba niya at hinalikan siya ng mariin sa labi.
Napasinghap si Guia. She opened her mouth and immediately felt the soft intrusion of her tongue inside her mouth. Napasadandal siya sa salamin at sumunod ang katawan nito sa kanya. Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito. Lumipat ang mga kamay nito sa kanyang buhok, isinuklay ang mga dalari sa magkabilang bahagi ng kanyang ulo para lalo pang itaas ang kanyang mukha papalapit dito. Her hands traveled down the length of his back and molded themselves on his buttocks pressing him closer to her, so much closer.
Ting...
Nagitla pa siya sa tunog ng elevator. Pero sapat na babala ang tunog na iyon bago bumukas ang pintuan. Naghiwalay sila pero mariin ang pagpisil nito sa kanyang kamay na para bang napakahirap dito ang paglalayong iyon.
Pumasok ang isang matandang babae sa elevator. Nakuha pang batiin ito ni Kane. Sumubsob siya ng bahagya sa isang balikat ni Kane para itago ang pamumula ng kanyang mukha. At narinig niya ang lakas ng tibok ng puso nito habang tila kinakalma rin niya ang sariling paghinga. Hindi sila gumalaw hanggang makalabas ang babae sa elevator at hanggang makarating sa floor ng unit ni Kane.
Hindi na niya naunawaan kung paano sila nakapasok sa loob ng unit nito. Ang naalala niya lamang ay naiwang trail ng kanilang mga kasuotan mula sa pintuan ng living room patungo sa silid nito.
"Kane," she gasped his name impatiently to let him know her need for him.
"I know, baby, I know," anito.
Sa halip na sa kama siya nito dalhin ay iginiya siya nito sa malapit sa closet. His body pushed her against the wall.
"Ano ngang sabi mo about never indulging on second dates?" pabulong na tanong nito.
"I lied," sabi ni Guia
Sabay silang natawa. And then he put his arm around her and kissed her head, and her nose and then her lips.
Please God, mahinang dasal niya sa kanyang isipan. Please don't make me fall in love with Kane.
But much much later, while she felt cocooned in his warm embrace, naisip tuloy din ni Guia na baka huli na ang panalangin niya.
Nang sumunod na araw ay ipinatawag silang tatlo nina Wind and Earth sa opisina ni Adam. Si Fire ang pinakahuling dumating pero wala pa roon ang boss nila. Ilang minuto pa ang lumipas nang pumasok ito sa silidIginala nito ang tingin sa kanila. Nag-double take ito sa kanya.
"What?" Natatawang sabi ni Fire sa nakitang ekspresyon sa mukha ng lalaki.
May kaibang ngiti ito kasi sa kanya na parang may nakitang kakaiba at alam nito eksakto kung ano iyon. "Something is different about you," ani Adam.
Alangan naming aminin niya na ang kapatid nito ang dahilan. "Wala. Maganda lang ang gising ko," iwas niya.
Tumagal pa ng ilang segundo ang titig ni Adam sa kanya bago harapin silang lahat. Balik business-like ang hitsura nito. "Kaya ko kayo ipinatawag ay dahil nahanap ko na si Rain."
Ang tinutukoy nito ay ang magiging kapalit ng isa pa nilang kasamahan na nag-quit para tumira sa ibang bansa halos isang taon na ang nakakaraan.
Nakita niya ang interes ng mga kasamahan sa kung ano ang hitsura nga pang-apat na babae na kukumpleto sa grupo nila.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)
RomanceExtended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niya...