Fire of Deception Chapter 8

7.4K 254 5
                                    

Hindi alam ni Kane kung bakit ganoon kasakit sa dibdib  na panoorin ang pag-alis ni Guia kasama ang isa sa mga lalaking biktima nito. God knows how many other men she had used and how any personalities she had invented to win men over.

Tila alam ng babaeng iyon ang kahinaan ng mga lalaking nakakasama. Inisip ni Kane kung ano kaya ang nahingi o nakuha sa kanya ni Guia kung hindi niya lang nalaman agad ang tunay na katauhan nito. Possibly anything. Dahil nasa punto na siya na gusto niyang patawarin kung ano ito at kausapin para humarap ito ng bagong buhay kasama siya. He had wanted to see if both of them could put the past behind and start all over again. 

Pero kagabi nang tulog na tulog na ito ay nag-text sa kaniya ang isang kaibigan upang sabihin sa kanya na isang business executive na kakilala nito ang humihingi ng number ni Kane dahil may gusto itong i-discuss na business deal with him, konektado sa project sa Laguna. Pumayag siyang ibigay ang number at hindi nagtagal ay nag-ring ang kanyang telepono.

"This is Fulgencio Limbao of Emperor's Unlimited," pakilala ng nasa kabilang linya.

"Yes, Mr. Limbao, Jovit Santamaria told me you are interested in the Laguna Techopark," aniya.

"Actually, no," tugon nito.

Nagsimulang kumunot ang noo Kane. "I'm sorry?"

"Tumawag ako dahil nagbabakasakali ako na kasama mo si Guia. Hindi ako sigurado kung iyon ang totoo niyang pangalan dahil iba ang pakilala niya sa akin."

Tiningnan niya ang babaeng natutulog sa kama na parang inosenteng bata. "Bakit mo tinatanong?"

"I am sorry kung makakasama sa iyo ito pero hinahanap ko lang siya. May mga kinuha niya sa condominium unit ko na importanteng bagay noong magkasama kami."

"Bakit kita paniniwalaan?" Matigas na sabi ni Kane.

"Dahil magkasama kami noong isang araw lang. Tingnan mo ang balikat niya at may makikita kang marka doon. Ako ang nag-iwan noon."

Lumapit siya sa kama at marahang ibinaba ang robe nito para tingnan kung ano ang sinasabi ng kanyang kausap. He saw the marks there.

Lumabas si Kane ng silid dahil all of a sudden naunawaan niya na kung ano man ang pag-uusapan ay hindi  dapat marinig ni Guia. 

"Paano mo siya nakilala?" Tanong niya.

"Sa isang bar sa Malate na malimit niyang puntahan," sabi ng nasa kabilang linya.

Nag-flash sa isip niya ang nakitang sinamahan ni Guia. Kilala na niya kung sino ang kausap niya dahil eksaktong inisip niya ng makita niya ito na mukhang business executive ito.

"Look, Mr. de la Cuesta, alam kong isa kang respetadong tao. I am also very very careful about my reputation. Hindi kita aabalahin kung hindi lang may nadala siyang mga bagay na sobrang importante sa akin. Things I cannot afford to lose."

"I understand."

Ang hindi lang naiintindihan ni Kane ay kung paano bang puwedeng masyadong maging mali ang isang tao sa pagpili ng mamahalin? Because, yes, he loved her. And she didn't deserve it. Any of it.

"Puntahan niyo na lang siya rito." tiim-bagang na Ibinigay niya ang room number at pangalan ng hotel na kinaroroonan nila.

 

Naghahanda na siya para mag-check-out ng hotel. Pati mga gamit ni Guia ay inilagay lang niya sa isang bag nito. Ipapadala na lang niya sa bahay nito. Kaunti lang naman ang mga iyon.

ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon