Fire of Deception Chapter 6

8K 238 4
                                    


Masyadong confident sa sarili  si Phil, iniisip na walang makakasaling dito kung kaya't pangatlong araw pa lang naroon si Fire ay isinasabay na sa almusal at sa mga lugar kung saan may mga ginaganap na maselang usapan. Dahil macho ito at ipinanganak yatang chauvinist, hindi nito naisip na maaring may iba siya sa personang nagpakilala rito– isang babaeng bayaran. Mas expensive, mas exciting kaysa karaniwan pero bayaran pa rin and therefore walang puwedeng gawin na makakasamasa isang malaking taong tulad nito.

Isa siyang source ng amusement para kay Limbao at iyon ang pinanindigan niyang karakter. He bought her jewelries and refurnished the entire condo unit according to what she wanted. Hindi nito alam na sa loob ng tatlong araw na pagpapanggap niyang hindi interesado at walang naiintindihan sa mga dealings nito ay mas marami pa siyang naipasang impormasyon ukol sa sindikatong iyon at ang mga taong ka-transact nito kaysa sa mga naunang imbestigador na nagtangkang lumapit sa elusibong lalaki.

Masyado busy sa pagpapatunay sa kanya ng kapangyarihan nito kung kaya't ipinakikilala siya nito sa mga naglalakihang tao na hinala niya ay may kinalalaman sa illegal na gawain. Of course, nakakatulong din na ang mga iyon ay lantarang nagpapakita ng inggit dahil naunahan sila ni Phil sa kanya. She became his trophy of sorts.

Pang-apat na araw nang magsimulang gumuho ang imperyong itinayo nito dahil sa mga impomasyong ipinapasa ni Fire kay Adam. Na-recover ang isa sa dalawang kidnap victims sa operasyon naganap sa isa sa mga lihim nitong properties.

"Hindi nila mate-trace sa atin iyon dahil hindi sa akin nakapangalan ang lugar. Sir, ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. Hindi na ito mauulit," narinig niyang sabi nito sa sino mang kausap ng telepono. 

Pagkababa ng telepono ay mainit pa rin ang ulo nito. Pinalabas nito ang dalawang security na kasama nila sa loob.

"Naiinip na ako," bulalas nito sa kanya.

Nagtaas ng kilay si Fire. Lumapit ito at hinapit siya sa katawan nito. Dahil sa pangyayari sa trabaho nito ay tila mas agresibo ito. Hinayaan  muna ito  ni Guia bago marahang kumawala mula rito.

"At naiinip na ako rito sa bahay," aniya bago umupo sa sofa. Sinugurado niyang tataas ang maiksi niyang mini-skirt para lalo pa itong ma-distract. "Masyado kang busy. Wala ka namang panahon para sa akin lang. I was hoping to get the royal treatment and yet, either dinadala mo ako sa mga silly meetings mo o kaya naman tulad ngayon, dito lang ako sa bahay. B-o-ring."

"Anong gusto mo?"

Nag-lean forward siya para ipasilip rito ang nag-uumapaw niyang dibdib sa masikit na kasuotan. "Gusto ko yatang mag-shopping kasi wala na akong maisuot. And besides, tatlong araw na lang at..." Kinindatan niya ito. "Gusto kong bumili ng lingerie...iyong mga maliliit at maninipis na lingerie."

"Wala akong panahong sumama sa iyong mag-shopping ngayon. Maraming problema sa... mga transactions ko."

She pouted. Inayos niya ang palda para matakpan nito ang kalahati ng hita niya. Tila nag-work ang attitude niya. Binuksan ni Phil ang clutch bag at naglabas mula roon ng makapal na pera. Iniabot nito iyon sa kanya. "Kasya na ba iyan?"

Ngumiti si Fire. Tumayo ng marahan at hinalikan ito sa gilid ng labi, sapat para manukso. "Mas gusto kong kasama ka. Pero huwag kang mag-alala... I will buy things that will blow your mind," pangako niya rito.

"Ihahatid ka ng driver ko," anito.

She knew it was going to be like that. Simula iyon ng pagiging possessive nito sa kanya. Ibig ding sabihin ay lilimitahan noon ang puwede niyang gawin.

ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon